You are on page 1of 10

KORO

O, Kaipas... ano sa iyo ang si HUdas ay mapahamak...o buong mundo man ang
mapahamak, matupad lamang ang iyong maitim na hangarin. Ano sa iyo na kami ay
magtaksil sa isang taong walang kasalanan... Patawarin ka Kaipas...Patawarin ka!!
HUDAS
Heto nap o!! bawiin nyo na ang inyong pilak.
KAYPAS
Bawiin ang pilak?!
HUDAS
Palayain nyo na si Hesus,!
Nagkasala ako sa taong walang kasalanan!
KAYPAS
Hindi
naming iyan problema!
Wala kaming pakealam!.
HUDAS
Pakiusap po! Palawalang saysay ayting usapan!
ANNAS
Ngayon pang nahatulan na sya ng kamatayan!
Nauulol ka na ba?
KAIPAS
Mabuti’t isinauli ito!! Baka magamit naming sa
pagpapalibing sa Nazareno!! Maga
duwag kayong lahat... Kung nasa liwanag ay lumalaban sa leon, ngunit sa dilim ay
natatakot kahit sa dagang bubwit.
HUDAS
Parang awa nyo na.,
Oo, ako’y nagdurusa na! At ikaw Kaipas ay magdusa na rin!
Pinagtaksilan ko ang Ana
k ng Diyos, ngunit ikaw ang magpapapatay!...Ayan!! kunin mo
ang iyong maruming salapi. (Hudas throws the money ) Ayan! Subuan mo ng pilak ang
maitim mong kaluluwa....Sa bawat piraso ng pilak ay inilagay ko ang aking
sumpa!..sumpa ng isang kaluluwang napaliga
w! Ng Taomg pumatay sa Anak ng Diyos!!
KAIPAS
Wala kang kwentang tao...hala!!! Sulong at lumisan ka sa harap ko baka dugo mo’y
mabuhos dito!!
(
Kaipas and Annas will throw
-
out from the stage)
KORO
Ang kanyang mukha! Ang kanyang mukha!..Ang bawat patak n
g kanyang dugo ay
parang kumukulong langis na pumapaso sa iyong puso! Ang kataksilan mo ay nakatatak
na sa iyong kaluluwa! At hindi mapapawi hanggang sa kamatayan! Mamatay!! Ngunit
malilibing kaya ng kamatayan ang kataksilan?! Masubhan kaya ng kamatayan an
g sa
iyo ay lumalamon! Hindi!!!! Hindi Hudas!!! Kahit sa libingan ay hindi mababaon ang iyong
pagtataksil!!
HUDAS
Kaibigan! Tinawag niya akong kaibigan...Siguro ang buong angkan ni Satanas ay
humahalakhak sa buong tuwa ngayon!Bakit pa ako nagging tao? Bakit
ba hindi pa ako
hinithit ng dagat? Bakit ba hindi bumuka ang lupa at ako ay lamunin...Bakit ba hindi ako
mawala at pumanaw
kaibigan...Kaibigan....Kaibigan....Ha.............ha............ha...............Kaibigan taksil
sa kaibigan!! Saan ako tatakas?? Saan ako magkukubli....Saan ako tutung
o upang
makapagtago sa kataksilan!!! Sa Ama.....ng Anak ng Diyos.....Hindi sa mundo....Siya ay
naririto.....Hindi sa langit......Siya naroroon.....Hindi sa libingan.....Sapagkat
kasusuklaman at iluluwa ng lupa ang aking bangkay....Hudas....taksil na
kaibigan.....
Taong mabuti pa
ay hindi na ipinanganak....Wala akong pag
-
asa....walang
pag
-
asa....walang pag
-
asa.....walang pag
-
asa...(magbibigti).
XI
-
UNANG PAGHARAP KAY PILATO
SNDLO
Magbigay pugay sa Gobernador ng Imperyo..Ang kagalang
-
galang Ponsio Pilato!!!!
PILATO
Anong sakdal nyo laban sa
taong ito?
PARISEO
Gobernador...Hindi po naming siya dadalhin ditto kung hindi sya criminal...
PILATO
Di hatulan nyo sya ayon sa inyong batas...
KAIPAS
Hindi kami maaaring maghatol ng kamatayan..
PILATO
Pwes ano ngayon ang inyong paratang?
SKSI1
Ginugulo n
g taong ito an gaming bayan.
SKSI2
Tutol sya sa pagbubuwis kay Ceasar.
SKSI3
Sya raw ang Kristong hari.
PILATO
Hari? Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?
HESUS
Kusa mo ba itong itinatanong o may nagsulsol sa iyo?
PILATO
Ako ba ay Hudyo? Ang nagdala sa i
yo rito ay mga punong pari at kalahi mo? Ano bang
ginawa mo?
HESUS
Hindi galling sa mundong ito ang paghahari ko. Kung galling ditto lumaban n asana ang
mga tauhan ko. Para hindi ako mapaubaya sa mga hudyo.
PILATO
Kung gayon, hari ka nga ba?
HESUS
IKaw
na ang nagsabi.
Isinilang ako upang magpatunay sa katotohanan.
PILATO
Katotohanan? AT ano itong katotohanan?
KORO
SI Kristo! SI Kristo ang katotohanan, ang daan at buhay.. Ngunit ang nagsasara ng isip
at puso sa kanya ay nananatiling patay.
PILATO
Wala
akong makitang kasalanan sa taong ito.
TAONGBAYAN
Hindi ba kasalanan ang mangaral at manggulo?. Galing pa yan sa Galilea..
PILATO
Ang ibig nyong sabihi’y, sya’y taga
-
Galilea?
SAKSI
Opo!
PILATO
Sakop sya ni Herodes, tingnan nyo kung ano ang kanyang sas
abihin..
SNDLO
Ngayon din po!
XII
-
SA HARAP NI HERODES
SNDLO1
Haring Herodes, bilin ng Gobernador..Kayo nap o ang bahalang humatol sa taong ito.
HERODES
Sa waka, ang Hesus! Ang aking kababayan.. Matagal ko ng inaasam
-
asam na ika’y
Makita. Ka’y rami
ko ng nababalitaan sayo. Magaling ka raw maghimala? Ngunit tunay
na salamangkero..Sige nga, aliwin mo kami? Maghimala ka! Paulanin mo! O kaya
gawing leon ang mga aso! Kung kaya mo, buhayin ang mga patay sa
nitso...hahahahahahaha....Ano! Naghihintay ako...
SNDLO
2
Wag mong paghintayin ang haring Herodes
SKSI
Wala yatang dila yan.
HERODES
Tingnan ko nga? Baka pinutol na ni Pilato...
SKSI
Matigas po talag ang ulo niyan,. Ayaw magsalita!
HERODES
Hindi yan uubra sa akin...madali akong magalit...Ano magsasalita ka ba o h
indi?
SNDLO3
Gusto pa yata ng hagupit
SNDLO4
Simple lamang ang hinihiling ng hari!
HERODES
Magagalit na ako! Magagalit na ako! Pero sa kabilang banda, bakit ko pag
-
aaksayahan
ng panahon ang isang nasisiraan ng ulo. Ang dapat sa kanya’y damitan ng kapang
nararapat sa isang kulang sa pag
-
iisip.
SNDALO5
(ibibigay ang kapang pula kay herodes) Heto nap o kamahalan.
HERODES
(ilalagay ang kappa) Sa ganang akin, wala syang kasalanan..Maliban sa pagiging sira
ulo...! Hahahahahahaha. Ibalik iyan kay Pilato.
XIII
-
SI CLAUDIA AT PILATO
PILATO
Mahal kong Claudia...Alam mo ba ang katotohanan?
CLAUDIA
Oo.
PILATO
Kung gayon, ano itong katotohanan? Ako ay naguguluhan! Hindi ko ito maunawaan...
CLAUDIA
Wala sinuman ang makapagsasabi ng katotohanan. Tanging sarili mo l
amang ang
makasasagot sa bawat tanong na gumugulo sa iyong isipan..Hindi ako, maging ang mga
nasasakupan mo.
PILATO
Ang katotohanan? Ang tanging alam ko lamang, isinilang ako upang mapanatili ang
kapayapaan sa aking nasasakupan..Maiwasan ang rebelyon...Sa o
ras na hindi ko
hatulan ang taong iyon, magsisimula ng pag
-
aalsa sina Kaipas. Ngunit, Kapag
pinarusahan ko naman, maaring ang mga tauhan niya ang magsimula ng
rebelyon...Parehong bahagi ay magdudulot ng digmaan.Ewan ko Mahal ko...ewan ko...
CLAUDIA
Huwag mong
parusahan ang taong iyan...Pagkat sa aking panaginip ay sinabing wala
syang kasalanan.
XIV
-
PAGHATOL NI PILATO
PILATO
Walang kasalanan ang taong ito.
Yan ang pasya ni Herodes, Yan din ang pasya ko.
Gayunman, Dahil kayo ay mapilit, nais kong
ipaalala sa inyo, na sa ganitong pista.
Maaari kong palayain ang kahit sinong bilanggo na nais nyo..
ANNAS
Kahit na sino huwag lang si Hesus!
MIRONS
OO nga wag lang ang taong yan..
PILATO
KAhit na sino? KAhit na si!!!!
Si Barabas. Isang pusakal, kila
bot na mamamatay tao, Napatunayang nag
-
alsa na
sumira sa katiwasayan ng bayan.
KAIPAS
Hamak na mas mabuti si barabas kaysa kay Hesus!
MIRON
Si barabas! Piliin nyo si Barabas!
PILATO
Sinong palalayain ko? Si Hesus o si Barabas?
PARISEO
Si Barabas, pil
iin nyo si Barabas!
PILATO
Inuulit ko..Sinong palalayain ko, Si Hesus o Barabas...
(MIRON at SKSI)
SI Barabas...Palayain si Barabas...Patayin si Hesus Patayin!
PILATO
Walang kasalanan ang taong ito. Kaya’t parurusahan ko na lang bago palayain..
SNDLO1
Handa
na ang hagupit!
SNDLO2
-
3
Handa na ang setro at koronang tinik!
SNDLO4
-
5
Parusahan ang taong maligalig!
(Scourging at the pillar and crowning with thorns)
KAPT
Tigil...........Tumigil kayo!!!!!Ang sabi’y hagupitin, hindi
patayin...Hala damitan yan at
palayain!!! Nagyon din......Kilos!!!!
PILATO
Masdan ang intyong hari!
MGA TAO
Wala kaming hari maliban kay Ceasar! IPAKO SA KRUS 5x
PILATO
Wala siyang kasalanan. Dapat lang palayain.
TAO1
Kapag siya ay pinalaya, hindi ka kaibig
an ni Ceasar. Ang sinumang ginawa ang sarili
bilang hari ay hindi kaibigan ni Ceasar.
PILATO
Kung gayon! Ako si Pontio pilato, presidente’t hukom ditto, na sakop ng imperyong
Romano. Ang hatol ko’t sintensya’y ukol sa kanyang pagkakasala. Sa kanya’y ipapa
san
krus ng kamatayan. At kung dumating man sa lupang Golgota, ipako’t iparipa, sa gitna
ng dalawang palamara! Kunin nyo na siya. Wala akong pananagutan sa kamatayan ng
taong iyan.
MGA TAO
Pananagutan naming at n gaming anak at apo ang kanyang kamatayan!
IPAKO SA
KRUS 3x
XV
-
VIA CRUSIS
HESUS
Ako’y alagad mo Ama.SAlamat sa krus na ito, na gamit ko sa pagtubos sa tao.
SNDLO1
Tumayo’t ka na nga’t talumpati’y nakakasawa na!
BATA1
Heto nap o ang karatula pinabibigay ng Gobernador.
PARISEO1
Hesus ng
Nazareth? Hari ng mga Hudyo?
PARISEO2
Mali ang karatulang iyan, ipabago natin!
BATA
Bakit po?
PARISEO 3
Hindi sya an gating hari, ito lamang ang gusto naming palabasin!
BATA
Ang bilin po ng Gobernador....Ang nakasulat ay nakasulat na kaya hindi pwedeng
b
aguhin!
HESTAS
Isa kang baliw!! Bakit nakuha mo pang halikan ang krus na iyong kamatayan!
DIMAS
Manahimik ka Hestas,,,, Pabayaan mo sya, sya ay walang kasalanan!
SNDLO2
Tumigil kayo! Hala sulong!
(1
st
fall of Christ )
SNDLO3
Lampa! Kay ikli pa ng nila
lakad, bagsak ka na!
PARISEO4
Itayo na siya at baka mamatay sa ating mga kamay!
(John, mary at Magdalene will be seen from the linw of the scene)
MARIA
Juan, mananatili ba ako rito? O dapat lumisan? May lakas ba akong mamasdan ang
anak kong naghihirap?
HUWAN
KApag hindi nyo sya hinintay. Baka lalo nyo pos yang tangisan!
SNDLO3
Sino ang babaeng iyan?
TAO1
Siya ang Ina ng Nazareno!
SNDLO3
Sya nga ba?
,
O
kunsintidorang Ina, tingnan mo ang pakong gagamitin sa Anak mo!
MARIA
Dyos ko! (almost faint)
SNDLO
3
Kung sya ba ay pinalaki ng tama. Hindi sya magkakaganyan!
MARIA
O ilaw ng aking mga mata! Ano ang iyong sala? At ikaw ay ginaganito. Yaong krus na
iyong pasan..bunso....iyong bitawan at kita’y hahalinan. Aakuin ko lahat
-
lahat na....ng
hindi ko Makita ang iy
ong pagdurusa...
SNDLO4
Hindi na ito aabot sa kalbaryo! Tumayo ka!(Jesus leave Mary, 2
nd
fall of Christ.. Soldiers
will look for an alternate, will see Simon Sireneo!)
KAPT
Mga bulag ba kayo? Nakikita nyong hindi na nya kaya...hala tulungan nyo sya!!!!
Ngayu
n din!!!!Tulongan!!!
SNDALO5
Ikaw? Isa kang pagano hindi ba?
SIMON
O.......Opo (shock)
SNDLO5
Tulungan mo ang taong yan sa pagbubuhat.
SIMON
(about to leave) Aba!!!! Huwag po.....
SNDLO6
Sabing tulungan mo!
SIMON
Hindi! Ayoko.....Ayoko po!
SNDLO5
Tulungan
mo sya!
SIMON
(will look to Jesus), Sige po!!!!
SNDLO6
Anong pangalan mo?
SIMON
Simon po!...Simon Sireneo.....
SNDLO6
Sige buhatin mo na yang krus at tulungan mo sya...
SIMON
Opo...subalit ako’y tutulong lamang at wala akong pagkakasala...
(In part of the sc
ene, Veronica is apprehended by two women)
BABAE1
Huwag Beronika., Wag kang mangahas lumapit kay Hesus!
BABAE2
Magagalit ang iyong ama!
BABAE1
Bigyan mo naman ng kahihiyan si Cirac! Kasapi pa naman sya sa korte ng mga hudyo!
BRNIKA
NAgkakamali kayo! Nagbitiw na ang asawa ko sa korte! Sapul ng paratangan si Hesus
ng ulupong na si Kaipas!
BABAE1
-
2
Mag
-
ingat ka sa iyong pananalita!
BRNIKA
Wala akong dapat ikatakot pagka’t ako’y alagad niya!
(will encounter Jesus, with towel off Chris
t in face)
Panginoon, tulutan nyong aking ipahid. SA iyong mukhang kahapis
-
hapis ang Bira kong
sakdal linis.
HESUS
Halina Beronika...tigilan na ang pananangis!
BRNIKA
(look at the cloth) Lilisan akong may pusong Masaya. DAhil iniwan ako ng Panginoon
ko...
Ng isang ala
-
ala..(will show the faces of Christ marked on cloth) Poon Ko! Diyos
ko!
HESUS
Herusalem, Herusalem! Pinapatay mo ang propeta! At binabato ang isinugo sa’yo ng
Diyos..Gaano kadalas kong inibig na tipunin ang iyong mga anak.....Tulad ng paglimlim
nga inahin sa kanyang mga sisiw! Datapwat tumanggi ka!
(freeze, 3
rd
fall of Christ, ang he was hit by town people, pariseo, soldier...while others are crying aking for
some help...)
TAO
(umiiyak) Wala bang makapipigil nito????
TAO4
Tama na!!! Ihinto nyo
na
y
an!!!Tama na!!!
MGA BABAE
Panginoon ano ang iyong pagkakasala...Hindi nab a sila naawa?
HESUS
Kababaihan ng Herusalem, Wag nyo akong tangisan...Ang tangisan nyo ay ang inyong
mga anak at inyong mga sarili....
SIMON
TIgil!!!!!!!!!Tigil!!!!!!! Ti.............................gil.................Layuan nyo sya...Lumayo
kayo sa kanya!!! Kapag hindi nyo siya tinigilan! Hindi ko na bubuhatin ang krus nay an
kahit isang hakbang pa!
SNDLO/s
(laugh) Sige,,, tulungan mo na sya...Sulong!!!!
(last fall of Jes
us)
SIMON
Haring makapangyarihan, malapit ka na sa iyong pupuntaha....Naririto na tayo sa
kalbaryo!
XVI
-
SA KRUS
KORO
Pinapako na nila ang Panginoon. Pinapako na nila!
Sila na ang mga bayaran ng Romano at Hudyo.
Buong lupit na nagpapako kay Kristo!
Sa ti
ndi ng sakit at dami ng bumulwak na dugo.
Dapat sana’y marinig ang pananangis at sigaw ni Kristo!
Di nga ba’t ang mga nauna sa kanya.
Ay walang tugo’t na nagmura.
Sa araw ng kanilanga pagsilang.
Mabuti pa kundi kami na nilikha.
Ama, Ina kayo’y
kasumpa
-
sumpa!
Ngunit si Kristo’y maamong Kordero sa katayan
At walang namutawi sa kanyang labi kundi panalangin.
Paulit
-
ulit na pananalangin.
“Diyos ko aking Ama, Lampara sa’king mga paa”
CENTURION
(looking up and taunting Jesus on the Cross) Sino ang gi
giba ng templo at itatayo sa
loob ng tatlong araw?....ha...ha...ha...
Bakit hindi mo gibain ang iyong krus? Biyakin mo
ang kahoy at tunawin mo ang iyong pako! Ipakita mo sa amin ang iyong kapangyariha,
Jesus ng Nazareth.
MGA TAO
oo nga Hari ng Israel, bumaba ka
at ng kami’y maniwala!
ANNAS
Siya raw ang Mesias...Ang Hari ng Israel?!...Ang Anak ni David...At higit pa raw kay
Solomon...
KAIPAS
Nasaan ang iyong mga kahambugan? Iniligtas mo ang iba, ngunit hindi
mo mailigtas
ang iyong sarili1 Hala....matabil ang dila! Gamutin mo ang iyong mga sugat!!!! Kung
ikaw ay anak ng Diyos! Pumanaog ka sa krus na iyan!
(music sets, PAANO MAMAMATAY ANG DIYOS)
HESUS
Ama ko, patawarin mo sila! Hindi nila alam ang kanilang gi
nagawa.
KORO
Poon ko...ang unang salita mo.
Inilaan sa mga kaaway
Mamamatay ka na lang ay sukat pang naglaan
Ng pag
-
ibig at pagpapatawad sa dapat ay kamuhian.
MARIA
(looking up to Christ) Hesus...Aking anak.... Naririto ako.....ang iyong Inang umiibig sa
iyo.... Mahapdi pa ang kirot Mahal Ko.... Ngunit iyan ay mapapawi rin....
MAGDALENA
Naririto rin ako... Banal na Hesus... Ang makasalanang sumasamba sa iyo...
Nakaluhod ako sa iiyong paanang minsan ay hinugasan ko ng aking mga luha.
Hahagkan ko ang paa mo ng maraha
n....upang huwag masaktan ang iyong mga
sugat....(Kisses Jesus feet gently)
HUWAN
Hesus.......Panginoon......Narito ako.....ang kaibigang nagmamahal sa iyo aming
guro... Tumakas kami...Patawad, iniwan ka naming sa gitna ng panganib at kasawian..
BRNIKA
O! Malasin ninyo si
ya... Mayroon pa bang hihigit ng pagpapakasakit ng tulad ng sa
kanya! Ang Panginoon at Hari at Kristo ng Israel!
...Ipinako sa krus na animo’y isang
karaniwang magnanakaw!
HESTAS
Magsitigil kayo riyan!.....Hindi pa ba sapat ang paghihirap namin? Bakit dinarag
dagan pa
ng inyong mga panaghoy...(to Christ) Sabihin mong magsitigil na sila!
DIMAS
Huwag mo siyang gambalain Hestas. Siya’y mabuting tao. Ikaw at ako ang humanap ng
parusang ito.... Nilabag natin ang batas kaya tayo nagkaganito... Nguni’t ang kawawang
lalakin
g ito’y walang ginawang anuman....(Whimpering) Diyos!!!!! Pinupulikat ang aking
mga binti....
HESTAS
(looking at Christ) (mockingly) Ha1 SI Kristong Hari! ...Tingnan mo ang iyong sarili!!!!
Tingnan mo ang nangyari sa’yo....patawarin daw ang mga kaaway! Kung ako
man ay
makakawal ay uutasin ko silang lahat! At ikaw ang uunahin ko, palalong karpintero!
DIMAS
(to Hestas) Marahil ay nasisiraan siya ng bait Hestas....hayaan mo na siya..... hayaan
mong isipin niyang siya ang anak ng Diyos.....kung iyon ang makakaaliw sa kan
ya....(to
Christ, trying to humor him) Hindi ka naman tunay na baliw....kaibigan? hindi ba? Ang
lahat ng ito’y isa lamang masamang panaginip. Sa gitna ng kaluwalhatian.....at
magugulat silang lahat.....
MGA TAO
Batuhin ang mga magnanakaw...Batuhin!
SNDLO
Huwag
hayaan nyo sila!
HESTAS
Ha!....Isa ka pang baliw Dimas............(Christ look at Dimas ang smile)
DIMAS
AYAn! Tingnan mo! Nangingiti siya! Sinabi ko na sa iyo Hestas...Ibig niyang masabing
siya’y Anak ng Diyos.....(still humoring him)
Kaibigan, huwag mo akong
kalil
imutan....Pag
-
akyat mo s aiyong kaharian...isama mo ako!
HESUS
(looks at Dimas) Tunay....at katotohanang sinasabi ko sa iyo...
Ngayong araw na
it’oy.....Makakapiling kita sa paraiso......
(music....chord
-
SEGUE TO REMOSE>>>>UNDER FOR)
KORO
Isang magnanakaw, pinangakuan
ng paraiso! Ano pa kayang higit na patunay. Na
naparito ka upang sagiping kaming makasalanan...
DIMAS
(after an antonished paused and in a change tone)... Hindi.....Hindi ka baliw...Ikaw
ay....Ah....Hindi ko malaman kung ano ka1 Huwag mo akong titigan ng
ganyan....Nagi
ng masama ako....hindi mo alam kung gaano kasama!
Hindi...Ngunit,O!...Alam mo! Nababatid mo ang lahat1 Huwag mo akong iwan
Panginoon.....Patawarin mo ako1 Patawarin mo ako......Patawarin mo ako sa aking
mga pagkakasala.....Panginoon.....(exhausted emotionally...he hangs h
is head)
SNDLO1
(Noticing the sky) Ano bang nagyayari sa panahon? Nagdidilim yata....tila ibig
umulan....
SNDLO2
Mabuti ngang umulan.....napakainit.....walang kahangin
-
hangin...
SNDLO3
Ano kaya...Patay nab a ang Nazareno? A..!
Hindi pa! Ngunit walang imik...pati si
Hestas at Dimas!!!
SNDLO1
Kung gayon, tingnan natin kung uubra sila ditto... (hahagupitin ang tatlo)
MAGDALENA
JUAN....JUAN.....dahil lamang kaya sa pagdidilim...O talagang nagbabago ang ayos ng
mukha ng Panginoon...?
HUWAN
N
apapansin ko rin.....Nabago na ang kanyang mukha...
MARIA
Ang aking anak....ay naghihirap...(to Jesus) Anak ko......tulutan mo rin akong mamatay
na kasama mo.....
MAGDALENA
Ang buong mundo ay naghihirap! Patungo siya sa
dilim....at dala niya ang sikat ng
araw.....Siya’y malayo na....napakalayo na upang maabot ng aking tinig....
BRNIKA
Sh
-
sh
-
sh
-
sh, huwag kayong maingay, ibig niyang magsalita....
HESUS
Babae, masdan mo ang iyong anak....Anak, masdan mo ang iyong ina..
MARIA
Anak ko
...Anong ibig sabihin ng aking bunso!
HESUS
Hayaan mong si juan ang maging anak mo ngayon...Huwan...siya na ngayon ang iyong
ina....
HUWAN
Oo, Panginoon....Ako ang kakandili sa kanya....Aking ipinapangako sa iyo..
MARIA
At mamahalin ko siyang katulad ng tunay kong
anak..
KORO
Panginoon, sa salita mong iyan.
Inihahabilin sa isa’t isa
Ang ina at lagad
Ginawa mo rin si Maria bilang Ina naming lahat.
(Music set, paano mamamatay ang diyos b))
HESUS
Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan...
TAO1
Tinatawag niya
si Elias.
TAO2
Tingnan natin kung siya’y sasagipin ni Elias.
KORO
Poon ko, walang Elias na sasagip sa ito..
At ditto sa kalbaryo, ang Diyos na wari’y nagtago.
Ngayon ay tunay ngang masasabi.
Na walang sakit ang tao.
Na di muna dinanas ni Kristo.
HE
SUS
Ako’y nauuhaw.
HUWAN
Patawad Panginoon, wala akong magawang anuman..
(soldiers will give drink to Jesus)
KORO
Huwan, hindi tubig ang kanyang kailangan.
Kundi, pag
-
ibig! Pag
-
ibig ng tao.
Na tuwirang nagtaksil at nagkanulo.
(music
sets

magiging kagalakan ang kalungkutan)
BRNIKA
Hirap na hirap na siya! Hindi ko maipaliwanag, sa ganito siya hahangga.
MAGDALENA
Ang Panginoon....Ang Panginoon....Naghihingalo ang Panginoon...
HESUS
Naganap na..
KORO
Tapos na ang kanyang tungkulin
Ginawa na nga ang loobin ng Diyos Ama.
Na tao’y tutubusin.
HESUS
AMA Ko!
MARIA
Aking anak....Aking bunso...
HUWAN
Panginoon!!!!!....Panginoon.....
HESUS
Sa iyong mga kamay......
KORO
Wag po.........
HESUS
Inihahabilin ko.......
KORO
Wag
pooooooooooooooooooooooo..........!!!!!!!!
HESUS
Ang aking kaluluwa.....
KORO
Poon Kong Aking Ama, Lampara sa’king mga Paa..
(Sounds
-
Lightning and thunder)
SNDLO
Tunay nga ang taong ito’y Anak ng Diyos...
(
PIETA....MUSIC)
-
THE END

You might also like