You are on page 1of 2

(kalmado habang nagsasalaysay) Kilala niyo ba si Cadugnong?

Isang manlalakbay
na mang-aawit na nagsabing ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong
magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Tinalo nila ang
iba’t ibang uri ng mga hayop, kapayapaan at maayos na buhay ay ginawang possible
alang-ala sa kanilang sinasakupan.
(simulan ang madamdaming pagsasalaysay)
Sanay bigyan ako ng pagkakataong mabuhay sa mundo ni Handiong, sa panahong ang
lahat ay para bang mahiwaga, na ang kagitingan ay posible, na kaya kong ipagtangol ang
aking sarili at mahal sa buhay.
Maipaglaban ko din sana ang aking sarili sa lungkot katulad ng pagtugis ni handiong sa
mga dambuhalang buwaya, mapalaya ko din sana ang aking sarili sa
makakapangyarihang pwersa ng mundo!
Maipanalo ko rin sana ang aking sarili sa mga suliranin ng pagiging studiyante, anak, at
kaibigan na ani mo’y dambuhalang baboy ramu kung umatake,… na sa kaniyang
pagtakbo’y hindi ka makakaiwas, tumakbo kaman at magtago, nariyan at nariyan parin
ang mga suliraning pilit na kumakawala para ikaw ay tugisin. Nang ang iyong papanaw
sa buhay ay baguhin, at ang mga pangarap mo’y mas lalong lumayo sayo.
(MAHINAHON) mataas nga siguro ang aking pangarap….
(INTENSE/GALIT) sinadya ko talaga dahil gusto kong mas maging mataas ang aking
pagsusumikap.!
dahil ganon na lamang ang baba ng tingin nila sa aking mga magulang na
nagpapakahirap!
(HANDIONG!!!!!!( Pasigaw ) )
(MATAAS NA EMSYON) nais ko sanang maging matatag na tulad mo, maging
matapang na tingnan ang aking ama habang lumuluha dahil sa hirap ng buhay,
panoorin ang aking ina habang nangungutang ng pera para sa aking mga bayarin sa
eskwela,..
((MAHINAHON NA BOSES PUNO NG EMOSYON)hindi koman mapamunuuan ang
buong bayan tulad ng ginawa mo, hiling kolang ay mapangunahan ko ang aking
magulang tungo sa Magandang buhay. Ang palihim na pagluha ng aking magulang ang
isang malaking kalaban sa aking sariling mundo ng kabayanihan.

(PAPAYAPA AT HIHINAHON)
Sinubukan kong maging magiting , ngunit nagging bayani lang ako para sa iba at unti-
unting nakalimutan ang aking sarili, akala siguro ng nakararami lahat ng mga lalaki ay
halintulad kay Handiong, isang malakas at kayang ipanalo lahat ng laban, tulad din
kami ni Baltog na kailangan ng isang kaibigan na tulad ni Handiong. ( TATAHIMIK AT
BIGLANG MAGTATANONG)
MAY KAIBIGAN PABANG TULAD ni handiong ?
isang kaibigang handang tumulong Ano man ang maging bunga nito, kahit ang
kaniyang sarili ay maisakripisyo!
Mayroon!
Yun ang sabi ng iba!
(MAHINAHO)
(Ngunit sa aking pagmamasid at sa aking karanasan,
Marami,… marami nga talagang kaibigan na maari mong makasama,
(GALIT/MADIIN NA BOSES)
Ngunit wala sa oras ng problema.
Naglalaho silang parang kalaban sa oras na kailangan mo ng Karamay…

Mahanap mo sana ang kaibigang tulad ni Handiong,


At layuan ang mga barkadang hindi mo dapat pinapangarap dahil sayong pangarap sila
ang sisira.
Sabay sana nating matagpuan ang bersyon ni Handiong sa atimg mga pagkatao,
Nang ang tagumpay sa lahat ng laban ay ating makamtan.

You might also like