You are on page 1of 25

Panahon ng

Renaissance
RENAISSANCE
• Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang
“muling pagsilang” o rebirth, muling pagkamulat, muling pagkabuhay at
pagpapanibago o revival.

• Sumibol noong 1350 hanggang 1550.

• Umusbong sa Italya at kalaunan ay kumalat sa buong Europa.

• Sa panahong ito muling pinanatili at pinanumbalik ang mga sinaunang


kulturang klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa
kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan
ng sining, arkitektura at eskultura.

• Nabuksan din ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at
talento sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na
napakinabangan ng lipunan.
UMUSBONG ANG
RENAISSANCE SA ITALYA
SA SUMUSUNOD NA MGA
KADAHILANAN:
1. Itinuturing ng mga Italyano sa dugo at wika na sila ay may kaugnayan sa mga
Romano kaysa sa alinmang bansa sa Europa.

2. May maganda itong lokasyon para magkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod
dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europa.

3. Itinaguyod nito ang mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at
masigasig sa pag-aaral.

4. Mahalaga ang naging papel ng mga unibersidad ng Italya sa pagtataguyod at


pananatiling buhay ng kulturang klasikal at mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman
ng kabihasnang Griyego at Romano.
ANG MGA
HUMANISTA
Roger Bacon
• Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon na ang lahat ng
kaalaman ay napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa
pamamagitan ng eksperimento at katibayan.

• Nagbago sa panahon ng Reinassance ang pananaw sa buhay ng


tao. Sa unang pagkakataon, natuklasan ng tao na ang kanyang
sarili, higit na silang mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na
dati’y madali nilang tanggapin at paniwalaan.
HUMANISMO
• Ang pagiging matanong at kahiligan sa kaisipang klasikal ang naging daan upang maitatag ang kilusang
tinatawag na Humanismo.

• Sa kilusang, pinaniniwalaang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma
sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral
at epektibong buhay.

• Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga panitikan at sining mga ng Griyego at Romano.

• Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyong Griyego at Romano ay tinawag na
humanist o humanista, mula sa salitang Italyano na nangangahulugang “guro ng humanidades, particular
ng wikang Latin.

• Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na
ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito.
SA LARANGAN NG
SINING AT PANITIKAN
• Italyanong manunulat na tinawag na “Ama ng
Humanismo.”

• Mahalagang naisulat niya ang akdang pampanitikan na


“His Sonnets to Laura,” na isang tula ng pag-ibig para sa
kanyang pinakamamahal na si Laura.

Francesco Petrarch
Goivanni Boccacio

• Isang Italyanong kaibigang matalik ni Petrarch.

• Ang kanyang pinakamahusay na obra maestrang isinulat


ay ang “Decameron,” na tanyag na koleksyon na
nagtataglay ng isangdaang nakatatawang salaysay.

• Sumasalamin ito sa pananaw ng tao sa kanyang sarili at


kakayahan.
William Shakespeare
• “Makata ng mga Makata.”

• Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahon ng


Inglatera sa ilalim ng pamumuno ni Reyna Elizabeth I.

• Ilan sa mga sinulat niya ang kilala at tanyag na dula na


pinamagatang “Julius Caesar,” “Romeo at Juliet,” “Hamlet,”
“Anthony at Cleopatra,” at “Scarlet.”

Romeo at Juliet Anthony at Cleopatra


Thomas More
• Manunulat na Ingles na nagsulat ng “Utopia” na
naglalahad ng isang huwarang lipunan na kung saan
ang lahat ay pantay-pantay at masaganang
namumuhay.
Desiderious Erasmus
• Manunulat na Olandiya na tinaguriang
“Prinsipe ng mga Humanista” na may akda ng
“In Praise of Folly” na tumutuligsa sa hindi
mabuting gawa ng mga pari at mga
karaniwang tao.
Nicollo Machiavelli
• Diplomatikong manunulat mula Florence, Italya. Siya
ang may akda ng “The Prince.” Napapaloob sa aklat
na ito ang dalawang prinsipyo:

“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan”

“Wasto ang nilikha ng lakas”


Miguel de Cervantes

Don Quixote de la Mancha - aklat na kumukutya at


ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong Panahong
Midyibal.
SA LARANGAN
NG PAGPIPINTA
Michelangelo Bounarotti
• Pinakasikat na manlililok ng Renaissance mula sa Italya.

• Una niyang obra maestro ay ang estatwa ni “David.” Ipininta niya sa kisame ng
“Sistine Chapel” ng Katedral ng Batikano sa paanyaya ni Papa Julius II ang
kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang
sa pagbaha.

• Pinakamaganda at pinakakilala niyang likha ang “La Pieta,” isang estatwa ni


Kristo pagkatapos ng Kanyang Krusipiksyon.
Leonardo da Vinci
• Italyanong pintor na hindi makakalimutang obra maestro niya
ang “Huling Hapunan” na nagpapakita ng huling hapunan ni
Kristo kasama ang Kanyang labindalawang disipulo.

• Siya ay isang henyong maraming nalalaman sa ibat-ibang


larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring
arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at
pilosopo.
• “Ganap na Pintor,” “Perpektong Pintor.”
Raphael Santi
• Pinakamahusay na pintor ng Renaissance mula sa Italya.

• Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang mga likha.

• Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna,”


“Madonna and the Child,” at “Alba Madonna.”

Sistine Madonna Madonna and the Child Alba Madonna


SA LARANGAN NG AGHAM SA
PANAHON NG RENAISSANCE
Nicolaus Copernicus
• Kilalang Polish na naglahad ng Teoryang Copernican; “Sa
pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta,
umiikot ito sa paligid ng araw.”

• Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-


iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal
ding tinangkilik ng simbahan.
Galileo Galilei
• Isang Italyanong astronomo at matematiko.

• Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong


Teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang
Copernican.
Sir Isaac Newton
• Tinaguriang Higante ng Siyentipikong Renaissance na
nagmula sa Inglatera.

• Batay sa kanyang “Batas ng Universal Gravitation,” ang


bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng
grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong
lugar ang kanilang pag-inog.

• Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan


kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis
pataas.
• Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa
pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag- aaral,
pagmamasid at pananaliksik.

• Ang transisyong ito ay nagbigay-daan rin sa pag-usbong nga Rebolusyong Intelektwal


at malawak na kaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at pagpapahayag ng
bawat indibidwal.

• Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-


buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan
ay nauukol sa sankatauhan.
THANK YOU

You might also like