You are on page 1of 3

Araling Panlipunan

Stanlee V. Matro Quarter 3 Week 1


8 – Hertz Ma’am Carmelita S. Santos
Renaissance
Ang salitang “Renaissance” ay nagmumula sa salitang Pranses/French na
nangangahulugang muling pagsilang o rebirth, muling pagkamulat, muling pagkabuhay at
pagpapanibago o revival. Sa panahong ito ay muling pinatili at pinanumbalik ang mga
sinaunang kulturang klasikal Gresya at Roma na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa,
nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at eskultura at
nagbibigay kahalagahan sa tao. Nabuksan din ang mga isipan ng tao na gamitin ang kaniyang
abilidad at talento sa pagtuklas ng bagay-bagay na nagresulta ng mga ambag na
napakinabangan ng lipunan. Ito ay sumibol noong 1350 hanggang 1550 sa Italya at kalaunan
ay kumalat sa buong Europa. Isang pagbabalik sigla sa mga makalumang interes mula sa mga
pangangailangang espiritwal noong Panahong Medieval.

Mga nakilala sa panahon ng Renaissance sa larangan ng panitikan, pagpipinta at agham

 Larangan ng Panitikan
1. Francesco Petrach – Italyanong manunulat na tinawag na “Ama ng
Humanismo”. Mahalagang nasulat nito ang akdang pampanitikan na “His
Sonnets to Laura”, isang tula ng pag-ibig para sa kaniyang pinakamamahal na si
Laura.
2. Giovanni Boccaccio – ang kaniyang pinakamahusay na obra maestrang sinulat
ay ang “Decameron”, ito ay tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isang-daang
nakakatuwang salaysay. Sumasalamin ito sa pananaw ng tao sa kaniyang sarili
at kakayahan.
3. William Shakespeare – tinaguriang “Makata ng mga Makata”, naging tanyag
na manunulat sa ginintuang panahon ng Inglatera sa ilalim ng pamumuno ni
reyna Elizabeth the 1st. Ilan sa mga sinulat nito ang tanyag na dula na
pinamagatang “Julius Caesar”, “Romeo and Juliet”, “Hamlet”, “Anthony and
Cleopatra”, at “Scarlet”.
4. Thomas More – manunulat na Ingles na may akda ng “Utopia”, naglalahad ito
ng isang huwarang lipunan na kung saan ay lahat ay pantay-pantay at
masaganang namumuhay.
5. Disiderius Erasmus – manunulat na Olandes na tinaguriang “Prinsepe ng mga
Humanista”. Siya ang may akda ng “In Praise of Poly”. Ito ay tumutuligsa sa
hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
6. Niccolo Machiavelli – diplomatikong manunulat mula sa Florence, Italy. Siya
ang may akda ng “The Prince”. Napapaloob sa akda na ito ang dalawang
prinsipyo:
1. “Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.”
2. “Wasto ang nilikha ng lakas.”
7. Miguel De Cervantes – Kastilang manunulat ng nobelang “Don Quixote De la
Mancha”. Aklat na kumukutya at ginawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong panahong Midyibal.
 Larangan ng Pagpipinta at Iskultura
1. Michelangelo Buonarroti – pinakasikat na manlililok ng Renaissance na mula sa
Italya. Una niyang obra maestra ay ang rebulto ni David. Ipininta niya sa
kisame ng Sistine Chapel sa Vat ng cathedral ang kuwento sa banal na
kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha.
Pinakamaganda at pinakakilala niyang likha ang “La Pieta”, isang rebulto ni
Kristo pagkatapos ng kaniyang krusipiksyon.
2. Leonardo da Vinci – isang italyanong pintor. Ang hindi malilimutang obra
maestra niya ay ang “Mona Lisa” at ang “The Last Supper” na nagpapakita ng
huling hapunan ni Kristo kasama ang kaniyang labing-dalawang disipulo. Siya
ay isang henyo na maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan. Hindi lamang
siya kilalang pintor kundi isa rin siyang arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero, at pilosopo.
3. Raphael Santi – tinaguriang “Ganap na Pintor” o “Perpektong Pintor”. Siya ang
pinakamahusay na pintor ng Renaissance mula sa Italya. Kilala siya sa
pagkakatugma o balance o proportion ng kaniyang mga likha. Ilan sa kaniyang
gawaay ang “Sistine Madonna”, “Madonna and Child”, at “Alpha Madonna”.
 Larangan ng Agham
1. Nicolaus Copernicus – isang Polish na naglahad ng teorya ng Heliocentric
Theory. Isinasaad dito na sa pag-ikot ng daigdig sa aksis nito kasabay ng ibang
planeta ay umiikot sa paligid ng araw. Pinasinungalingan ng teoryang ito ang
traditional na pag-iisip na ang mundo ay ang sentro ng sansinukob na matagal
din tinangkilik ng simbahan.
2. Galileo Galelei – isang italyanong astronomo ay matematiko. Malaki ang
naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang
teoryang Heliocentric.
3. Sir Isaac Newton – tinaguriang “Higante ng Siyentipikong Renaissance” na
nagmula sa Inglatera. Batay sa kaniyang law of Universal Gravitation, ang
bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan
kung bakit nasa wastong lugar ang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang
grabitasyong din ito ay ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang
bagay na inihagis pataas.

You might also like