You are on page 1of 3

Araling Panlipunan 

Mani Task 1

Sa Larangan ng Panitikan

Francesco Petrach  (1304 - 1374) CASTRO

Isang Italyanong  dalubhasa o eskolar, at makata na tinaguriang  bilang “Ama ng Humanismo”. 


Nagbigay siya ng malaking impluwensiya sa panulaang Europeo mula sa ika-14 na daantaon.
Bagaman mula sa Italia, palagiang nanirahan si Petrarca sa Francia. Pinaka Mahalagang sinulat niya sa
italyano ay ang “Songbook” Sumulat siya ng mahigit sa 400 mga tulang karamihang nakatuon para sa
isang babaeng may pangalang Laura. 366 ng mga ito ang nasa kalipunang Ang Aklat ng mga Awit (o
“The Book of Songs”). Sa kainyang mga tula, nagtalaga siya ng mahigpit na mga panuntunan sa pagsulat
ng tula, kabilang ang bilang ng mga linya o guhit na gagamitin.

Nicollo Machievelli (1469 - 1527) CALICA

ay isang italyanong pilosopo , politiko, at manunulat na nakabase sa Plorensiya na nag akda ng “The
Prince” nakapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo.
Dalawang Prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan”
“Wasto ang nilikha ng lakas”
Isa siya sa pangunahing mga tagapagtatag ng makabagong agham pampolitika. 
Bilang manunulat, nagsulat siya ng maraming sulatin ukol sa politika, bagaman nagsulat din siya ng
komedya.

Miguel De Cervantes (1547 - 1616) DADO

Isa sa mga preeminenteng nobelista sa mundo.

Ang kaniyang pangunahing akda, ang “Don Quixote de la Mancha”ay itinuturing bílang kauna-unahang
makabagong nobelang Europeo, Ang aklat ma kumukutya at ginagawang katawa-tawa ang kasaysayan
ang kabayahinan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

Sa Larangan ng Agham

Si Nicolaus Copernicus RECTO 


ay isang astronomer at matematisyan na nagmula sa Poland. Siya ang unang humamon sa teorya nina
Aristotle at Ptolemy. Ang kanyang teorya na heliocentric view ay isinulat niya sa kanyang akda na De
Revolution Orbium Ceolestium o On The Revolution Of The Heavenly Sphere sa Ingles. Ngunit sa takot
maparusahan ni Nicolaus Copernicus ay minabuti niya na wag na itong ilathala. Ang kanyang mga
kaibigan ang nagpalimbag nito bago siya ay mamatay. Malaki ang naging kontribusyon ni Nicolaus
Copernicus sa ating kasaysayan, Siya ay kinilala sa kanyang teorya tungkol sa kalawakan na kilala bilang
heliocentric view. Ayon kay Copernicus, hindi daigdig ang sentro ng solar system kundi ang araw at ang
daigdig ay umiikot sa paligid nito. 

Isaac Newton- YBAN


Sa susunod na 18 buwan gumawa siya ng isang serye ng mga orihinal na kontribusyon sa agham. Sa
matematika, ipinaglihi ni Newton ang kanyang "pamamaraan ng pagkilos ng bagay" (infinitesimal
calculus), inilatag ang mga pundasyon para sa kanyang teorya ng ilaw at kulay, at nakamit ang isang
makabuluhang pag-unawa sa problema ng paggalaw ng planeta, mga ideya na sa kalaunan ay humantong
sa paglathala ng kanyang Principia. (1687). Ipinanganak noong 1643 sa Woolsthorpe, England, si Sir
Isaac Newton ay nagsimulang bumuo ng kanyang mga teorya sa liwanag, calculus at celestial mechanics
habang nasa pahinga mula sa Cambridge University. 

Si Galileo Galilei VIZCONDE 


ay isang Italyano na siyentipiko na bumalangkas ng pangunahing batas ng mga bumabagsak na katawan,
na kanyang napatunayan sa pamamagitan ng maingat na mga sukat. Gumawa siya ng teleskopyo kung
saan pinag-aralan niya ang mga bunganga ng buwan, at natuklasan ang apat na buwan na umiikot sa
paligid ng Jupiter at itinaguyod ang dahilan ng Copernican.

Sa Larangan ng Sining

Michelangelo Bounarotti (1475 - 1564) LACSON

Ang pinaka sikat na iskultor ng Renaissance, Ang una niyang obra ay ang estatwa ni David, Sa paanyaya
ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikank ang kuwento ng banal na
kasukatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigam hanggang sa pagbaha.Pinakamaganda at pinakabantog
niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang krusipikasyon. Natutunan ni
Michelangelo ang sining sa pagpinta noong siya ay manirahan sa Florencia sa edad na labing-apat na
taong gulang. Pinag-aralan niya ang sining na ito sa loob ng botega ni Domenico Ghirlandaio habang
kinokopya ang mga gawa ng mga lumipas na tanyag na pintor ng Florencia gaya nina Giotto at
Masaccio. 

Leonardo da Vinci(1452 - 1519) PACILLOS 

Isang henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan. Hindi lang siyang kilala pintor kundi isa ring
arkitekto,iskultor,inhinyero,imbentor,siyentista,musikero at pilosoper.

Tanyag si Leonardo dahil sa kanyang mga pinintang larawan, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper 
din ang mga maimpluwensiyang guhit katulad ng Vitruvian Man. Nag disenyo siya ng mga imbensiyon
na pinangunahan ang makabagong teknolohiya katulad ng helikopter, tangke gamit ng solar power at
calculator atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay.
Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya at inerhiyang sibil.

Raphael Santi (1483 - 1520) MICLAT

Ang Pinakamahusay na Pintor ng Renaissance tinatawag bilang 


“Ganap na Pintor” at “Perpektong Pintor”pinagdiriwang sa kanyang kawastuan at kariktan ng kanyang
mga pinta at guhit. Tinaguriang “Ganap na Pintor”dahil sa pagkakatugma at proporsyon ng kanyang mga
ipininta. Lumikha ngmaraming birheng Maria at ang The School of Athens.Ilan sa kanyang mga
obramaestra: Sistine Madonna, The School of Athens, Portrait
of Baldassare Castiglione Self Portrait.

Mini Task 2

Markantalismo - Corbe and Al Santos


patakarang pang- ekonomiya na nakatuon sa pag- iipon ng mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso.
(bagong doktorina) sa ilalim ng doktorinang ito, Ang tagumpay ng bansa ay masusukat sa dami ng
mahahalagang metal na nalikom nito, ibigsabihin maa maraming pera ang makukuha ng bansa na
kanilang magiging buwis

Pagtatag ng National Monarchy - Cabrera Contridas 

namahala ang reyna at hari, mas na palawak nito ang mga teritoryo at pag buo ng matatag na
sentralisadong pamahalaan.

Impluwensiya ng Simbahan - Manois Serapion

nag takda sa pamantayan ng Europe sa ugali dito natuto ang mga mamayanan, namahala maging sa
edukasyon, sila ang pinaka mataas na antas at dahil dito kaya nilang pasunurin kahit hari.

Pag- usbong ng Renaissance- Torres and Dimaculangan 

Muling Pag silang ng kulturang klasikal sa greece, transiyon at mas malakas na ang komunikasyon. Ang
panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang
halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman
sa kung paano gumawa ng semento.

Repormasyon- Tabor, Loreto

Ang repormasyon ay kilusang ibinunsod ang malaking pag babago ng tao sa relihiyon,ito ay
pinangunahan ng Isang mongheng Augustinian at Propesor ng Teolohiya sa Universidad ng Wittenberg si
Martin Luther. Nag pasiklab ng kaniyang galit ang kasuklam- suklam na gawain ng simbahan. 

Kontra Repormasyon - Nanguna si Papa Gregory VII sa pagpapatupad ng kontra Repormasyon upang
ayusin ang maling gawain ng simbahan, Lumaganap ang Kontra Repormasyon dahil sa malawakang pag
lipat ng relihiyon ng nakakarami.

Nagkatulad ito dahil parehas tumutukoy sa relihiyon at may adhikaing ayusin ang baluktot na gawain ng
simabahan.

Mini Task 3

BY GROUP 

You might also like