You are on page 1of 8

Absolute Monarchy - uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalilimitahan ng

sinuman
Acropolis - ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang
lungsod-estado ng Greece
Agora - ang gitna ng lunsod-estado ng ibang bukas na lugar kung saan maaaring magtinda o
magtipon-tipon ang mga tao sa Greece
Ahimsa - doktrina na pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na organismo
Allied Powers - mga bansang nagsanib-sanib upang labanan ang Axis Powers. Kabila ang dito ang
United States, Great Britain, at Soviet Union
Alyansa - pagbubuong grupo o lupon ng mga makapangyarihang bansa sa Europe
Apollo 11 - sasakyang panghimpapawid na mula sa United States, unang sasakyang nakarating sa
buwan
Armistice - kasunduan na pansamantalang pagtigil ng labanan o digmaan
Axis Powers - mga bansang nagsanib upang kalabanin ang Allies noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Kabilang dito ang Germany, Italy at Japan.

Barter - pakikipagpalitan ng produkto


Bourgeoisie - panggitnang uri o middle class na binubuo ng mga negosyante, banker, may-ari ng
pantalan o daungan, at mga kauri nito

Caste - pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic


Cold War - labanan ng mga ideolohiya , labanan na hindi ginagamitan ng dahas
Chimpanzee - pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa mga siyentista
Core - pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core; halos 1380 milya ang
kapal ng outer core
Crust - pinakaibabaw ns bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng planeta

Death March - isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga Japan sa Pilipinas laban sa mga
sumukong sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan
Demokrasya - uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan
upang pumili ng kanilang kinatawan sa pamahalaan
Dinastiya - pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o angkan
Enlightenment - kilusang intelektuwal na naglayong gamitin ang agham sa pagsagot sa mga
suliraning ekonomikal, politikal at maging kultural

Fascism - ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini , na tumututol sa anumang uri ng oposisyon


sa pamahalaan
Fief - lupang ipinagkakaloob ng Lord sa vassal
French Revolution - rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglayong magkaroon ng
pagkakapantay-pantay , pagkakaisa , at kalayaan

Genocide - malawakang pagpatay na ginawa noong Iklawang Digmaang Pandaigdig lalo na laban sa
mga Hudyo
Geocentrism - paniniwala noong Panahong Medieval na ang Daigdig (Earth) ang sentro ng solar
system
Glasnost - openness o pagiging bukas, nangangahulugang malayang pag-usapan ang mga suliranin
ng bansa sa pamamagitan ng malayang pamamahayag
Guild - samahan ng mga taong nagtratrabaho sa magkatulad na hanapbuhay

Heliocentrism - paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system


Hellenes - tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas, isang lugar sa
Hilangang-Kanluran ng Greece
Hellenistic - nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate Greeks” ; tumutukoy sa
kasaysayan , panahon, imperyo, kultura at sining na may impluwensiyang Greek pagkaraan ni
Alexander the Great
Helot - mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang tagapagsaka ng
kanilang malalawak na lupain
Heograpiya - pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao sa kapaligiran
Heograpiyang pantao - sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi at
pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
Hominid - miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo sa dalawang paa
kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee at orangutan
Homo erectus - may kakayahang sa paggawa ng kagamitang bato
Homo habilis - Able man o handy man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong din
gumawa ng kagamitang bato
Homo sapiens - pinakahuling species na ebolusyon ng tao
Humanismo - isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng
pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong tumatangkilik sa
ideyang ito.

Imperyalismo - pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng


pananakop , pakikipagkalakalan , panggigipit at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang
layunin
Industriyalisasyon - pagbabagong pang-ekonomiya na uang naranasan sa England na gumamit ng
mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksyon
Kapapahan - tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihan panrelihiyon ng Papa bilang
pinuno ngSimbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampolitika bilang pinuno ng Estado ng
Vatican
Kasunduan sa Versailles (Treaty of Paris) - kasunduang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang
Pandaigdig, naganap noong Hunyo 28, 1919 sa pagitan ng Allies at Germany
Khanate - estadong nasa huridiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang bansa sa gitnang Asya
Klima - kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking rehiyon o lugar sa
matagal na panahon
Khyber Pass - lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at Pakistan na
nag-uugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya
Kontinente - pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig
Kolonyalismo - pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa
Komunismo - ideolohiyang nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa lipunan
Kontra-Repormasyon - kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin
ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristiyanismo partikular sa Katolisismo
Krusada - ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim upang mabawi ang Jeruslaem sa kamay ng mga ito

Laissez faire - binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayong daloy ng ekonomiya at hindi nararapat
na pakialaman ng pamahalaan
Lay Investiture - isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang obispo ng singsing at tauhan
para sa kaniyang opisina
Liga ng mga Bansa (League of Nations) - itinatag ng 42 bansa noong Enero 10, 1920 na ang
pangunahing layunin ay tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng negosasyon at diplomasya
Lucy - pinakatanyag na Australopithecus afarensis na natuklasan ang mga labi noong 1974
Manor - sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo
Mantle - binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato: halos 1800 milya ang kapal
Merkantilismo - patakarang pang-ekonomiya na ankatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad
ng ginto at tanso
Marxism - teoryang politikal at ekonomiko ni Karl Marx na nagsasaad na ang kilos ng tao ay bunga ng
kapaligiran at uri ng kanyang kinabibilangan
Mein Kampf - (My Struggle) akda ni Hitler na pinagbatayan ng ideolohiyang Nazism, unang lumabas
noong 1925
Mesoamerica - nangangahulugang ang katagang meso ng “gitna” , ang Mesoamerica ay rehiyon mula
sa Gitnang Mexico hanggang Gitnang Amerika
Militarismo - pagpapalakas ng puwersang militar
Monarchy - Uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari , reyna at mga kauri nito

Napoleonic Wars - digmaang pinamumunuan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin ang


buong Europe
Nazism - ideolohiyang ipinalaganap ni Adolf Hitler na nagsasaad ng pagiging superyor ng lahing Ayan,
ang lahing kinabibilangan ng mga German
Nasyonalismo - damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa
o estadong kinabibilangan
Nation-state - terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan ng
mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan at napasasailalim sa
isang pamahalaan
Nome - malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt
Nomarch - pinuno ng Nome
Obsidian - isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa
Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo
Olmec - kauna-unahang kabihasnan sa Sentral Amerka ; nangangahulugan ang salitang Olmec na
rubber people dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma
Oracle Bone - tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang mensahe o
saloobin ng mga Diyos ng mga Tsino
Ostracism - ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang Athens

Pacific Ring of Fire - rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng mga aktibong bulkan
Perestroika - tumutukoy sa pagsasaayos ng ekonomiyang USSR upang manaig ang puwersang
pampamilihan
Phalanx - tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga
mandirigma
Philosophers - grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng Enlightment na naniniwalang ang reason o
katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay
Physiocrats - mga taong naniniwala at nagpapalaganap ng ideyang ang lupa ang tanging
pinagmumulan ng yaman o naktutulong sa pagpapayaman
Piyudalismo - isang sistemong politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabase sa pagmamanay-
ari ng lupa.
Plate - malaking masa ng solidong bato
Purdah - ang pagsasagawa ng pag-iiwas na makita ng mga kalakihan ang mga kababaihan
Rebolusyon - nangangahulugan ng mabilis , agaran at radikal na pagbabago sa isang lipunan
Renaissance - tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa
bansang Italya
Repormsyon - kilusang panrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko.
Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa Kakristiyanuhan mula sa ika-14 hanggang sa
ika-17 dantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristiyano

Satrap - gobernador o pinuno ng satrapy


Satrapy - lalawigan ng imperyong Persian
Sibilisasyong Minoan - tinuturing ng kauna-unahang sibilisasyong nabuo sa Aegean na nagsimula sa
Crete mga 3800 BC o bago isilang si Kristo
Sputnik - kauna-unahang space satellite sa kasaysayan na inilunsad ng USSR
Sutte - pagkilos ng sinasadyang pagsasagawa ng sariling ikinamatay
Steppe - malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno ; matatagpuan sa Silangang Europe
at Asya

Teotihuacan - nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa ito sa mag unang
kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico
Tera-cotta - anumang bagay (ang tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa pinainitang luwad
Third Reich - panahon sa Germany mula 1933-1945 kung saan na pasailalim ang bansa sa kontrol ng
ideolohiyang totalitarian
Third World - mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas
Triple Alliance - kilala sa tawag na Central Powers na kinabibilangan ng Germany , Austria , Hungary
at Italy
Triple Entente - tawag sa alyansang France , Great Britain at Russia , kilala bilang Allies
Tsar - tawag sa pinuno ng Russia
Tyrant - sa sinaunang kasysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng karapatan ng
karaniwang tao at maayos na pamahalaan

Vassal - taong tumatanggap ng lupa mula sa lord


Vedas - sagradong aklat para sa mga Hindu ; binubuo ng mga himnong pandigma, ritwal at mga
salaysay
Villein - kasingkahulugan ito ng ng salitang serf ; ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong
Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang
panginoong may lupa.
Ziggurat - natatanging hakbang na mga templong - toreng kahawig ng mga tagilo o piramide, na yari
sa mga hinabing mga tambo na may kahalong putik

You might also like