You are on page 1of 5

BOOKLATAN 2015: MASAYANG PAGBABASA TUNGO SA

PAG-ASANG KAUNLARAN
ISANG KONSEPTONG PAPEL
Gertie Gladley R. Mantuano
William Kyle Deveza
Jezriel Jarina
T1A

PAPANIMULA/KALIGIRAN
Sinabi ni Ann Hilferty, Assistant Professor ng wikang Ingles sa
Massachusetts College of Pharmacy and Health Sciences, sa kanyang
artikulong pinamagatang The Relation Between Reading, Writing and Speaking
Skills, na may malaking ugnayan ang pagbabasa sa pagsasalita at pagsusulat.
Ipinaliliwanag ni Prof. Hilferty na kasabay ng pagtaas ng kasanayan sa pagbasa
ay maaring tumaas din ang antas ng kasanayan ng isang tao sa pagsasalita at
pagsusulat. Sa loob ng kanyang pag-aaral, napatunayan ni Hilferty na ang mga
kasanayang nabanggit ay mayroong reciprocity o ugnayan at pagkakasabay sa
paglinang at pagpapaunlad ng mga ito. Samakatuwid, isa ang pagbabasa sa
mga pamamaraan upang mapagyaman ang paggamit ng kahit anong uri ng
Wika.
(Hilferty, A.The Relation Between Reading, Writing and Speaking Skills. July 25,
2008. College of Pharmacy and Health Sciences Web Organization. Retrieved
from: http://www.ncsall.net/index.html@id=328.html)
Mula sa pag-aaral ni Hilferty, napagtanto ng mga proponent na sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng pagbabasa, unti-unting lalago ang
kakayahan ng isang tao sa pagsusulat at pagsasalita. Minarapat ng mga
proponent ng bigyang pokus ang pagpapaunlad ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagbabasa dahil hindi maitatangging malaki pa rin ang
ginagampanang papel ng Filipino sa kulturat lipuan bilang pambansang wika.
Ayon kay Villacorta (2003), ang wikang Filipino ay isang kayamanang dapat
pangalagaan sapagkat ito ang kumakatawan sa bansa at ito rin ang magtutulak
sa bansa tungo sa kasaganahan. Ang Filipino ang mananatiling wika ng
epektibong paggawa sa aspeto ng komersiyo at edukasyon at hindi ang kahit na
anong banyagang wika. Dahil dito, binigyang diin ni Villacorta (2003), na huwag
kaligtaan ang pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Sa kasamaang palad, sa pag-lipas ng panahon, unti-unting bumababa ang
bilang ng mga nagbabasa. Kaakibat nito ang pagbagal sa paglinang ng mga
mahahalagang kasanayan sa wika, ang pagsusulat at pagsasalita. Ayon sa mga
datos na nanggaling sa Center for Study of Adult Learning ang Literacy, mula
92% ng mga kabilang sa pinag-aralan noong 2004, 85% na lamang ang
nagsabing sila ay nagbabasa noong taong 2005. 72% noong 2006, 58% noong

2007 at 43% noong 2008. Dagdag pa dito, patuloy pa rin ang pagbaba ng mga
bilang na ito hanggang sa kasalukuyan. Kaugnay at patunay dito, ang sinabi ni
Ferraz (2013), na ang seksyon ng Filipiniana sa National Bookstore ay hindi
pinapansin at dinadaan-daanan lamang. Ayon naman kay Autencio (2015),
kaunti lamang ang nagbabasa ng Filipiniana; kung kaya,kaunti rin ang
nilalathalang libro. Upang matugunan ang isyung ito, minarapat ng mga
proponent na bumuo ng konseptong papel na maghuhubog sa mga mag-aaral
ng De La Salle Lipa na palawakin pa ang paglinang sa wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagbabasa.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

Booklatan 2015: Masayang Pagbabasa Tungo sa Pag-asang Kaunlaran


Nasasaad sa mungkahing titulo na sa pamamagitan ng pagbabasa,
makakamit ang kaunlaran. Ipinaliwanag sa panimula ng konseptong papel na
ito na ang pagbabasa ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa
pagsusulat at pagsasalita at ang pagpapayaman sa wika ang magsisilbing tulay
tungo sa pagkakaroon ng matibay na pagkakakilanlan na siyang magiging
sandigan ng isang malakas at matibay na bansa.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


Nasaksihan ng mga proponent ang mga kadahilanang nag-ugat sa
kawalan ng interes sa pag-babasa lalo na ng mga mag-aaral. Sa
obserbasyon ng mga proponent, isa ang teknolohiya sa mga
pangunahing ugat ng nabanggit na isyu. Binibigyang daan ng
teknolohiya na magkaroon ng ibang uri ng libangan o interes ang mga
mag-aaral; kung kaya nakakaligtaan nila ang magbasa ng mga
makabuluhang teksto tulad ng mga dyaryo, nobela at iba pang uri ng
panitikang Filipino. Lubhang pinapadali ng teknolohiya ang buhay ng
maraming tao kaya nawawalan na sila ng sipag sa pagbabasa. Napili ng
mga proponent na bigyang pansin ang nabanggit na isyu upang hindi
mawala ang tradisyon ng pagbabasa sa paglago ng makabagong mundo
sapagkat ang pagbabasa ay susi rin upang mapagyaman ang sariling
wika sa gitna ng iba pang wika sa buong daigdig.
Ang pangunahing mithiin ng konseptong papel na ito ay lumalim
ang kasanayan ng mga estudyante sa pagbabasa kasabay ng pag-unlad
ng kanilang paggamit ng wikang Filipino upang sa pagsabak nila sa

kanilang napiling propesyon ay makaambag sila sa pagkamit ng isang


masagana at malakas na bansang Pilipinas. Naniniwala ang mga
proponent na ang isang matatag na bansa ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang matatag na wika. Sa tulong ng konseptong papel
Naghanda ang mga proponent ng mga layuning magsisilbing tulay
sa pagkamit sa nasabing mithiin. Ang mga layuning ito ay (1) mahikayat
ang mga estudyanteng magbasa ng mga makabuluhang teksto sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing makapupukaw sa
kanilang interes tulad ng mga islogan making contest, bugtongan
sessions at debate, (2) subukan ang galing ng mga estudyante sa gamit
ng wika sa pamamagitan ng mga paligsahang tutukoy sa antas ng
kanilang kasanayan, at (3) makapangalap ng impormasyon mula sa mga
kalahok patungkol sa mga balakid sa mabisang pagbabasa at paggamit
ng wika upang matalakay ang mga kaukulang solusyon sa mga suliranin
o balakid.

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

Ang mga sumusunod ang mga hakbanging magiging gabay ng mga


proponent sa pagpapatupad ng kanilang adbokasiya:
1. Mamimigay ang mga proponent ng mga brochure na naglalaman ng
kabuuang inpormasyon patungkol sa kanilang inihandang programa.
Kabilang dito ang listahan ng mga inihandang programa upang
mabigyang inpormasyon ang mga nagnanais lumahok sa mga
pagligsahan. Kabilang din dito ang mga panghihikayat sa mga estudyante
upang makilahok ang nakararami sa mga inihandang gawain ng mga
proponent.

2. Magkakaroon ng Bugtongan Sessions na isasagawa online upang


masubok ang talas ng isip ng mga kalahok patungkol sa kahit anong
paksa. Lubhang hihikayatin ng mga proponent ang mga kalahok na
magbasa ng mga bugtong at iba pang babasahin bago magsimula ang
gawain upang magkaroon ang mga kalahok ng sapat na kakayahang
sumagot
3. Magkakaroon din ng isang Islogan Making Contest upang mahasa ang
mga kalahok sa malikhaing paggamit ng wika. Ipapaskil ang magiging
tema ng

paligsahan sa social media.


4. Sa pahuling bahagi ng programa ay magkakaroon ng isang debate mula
sa dalawang panig ng mga kalahok. Susubukin at hahasain ng gawaing
ito ang kasanayan ng mga kalahok sa pagbabasa ng akdang tumatalakay
sa kondisyon ng lipunan at sa epektibong pagsasalin ng kanilang mga
inpormasyong nakalap mula sa pagbabasa sa pamamagitan
ng
pasalitang panghihikayat sa mga tagapakinig.
5. Sa bawat gawain ay magkakaroon ng talakayan patungkol sa mga balakid
sa epektibong pagbabasa at paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng
masusing talakayan ng mga kalahok at ng mga proponent, bibigyang
solusyon ang mga natukoy na balakid o suliranin upang unti-unting
mabigyang pansin ng mga kalahok ang kanilang mga kahinaan sa
paggamit ng wikang Filipino.
Bibigyan ng kaukulang premyo ang mga magwawagi sa mga
nabanngit na gawain.

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Matapos ang pagsasagawa ng inihandang programa, inaasahan ng mga

proponent ang pagkamit sa mga sumusunod:


1. Inaasahan ng mga proponent na mapukaw ang interes ng mga estudyante sa
pagbabasa dahil sa mga gawaing isinagawa. Inaasan ding hindi rito
matatapos ang pagkakaroon nila ng motibasyon upang mahasa pa ang
kanilang pagbabasa at paggamit ng wikang Filipino.
2. Dahil sa mga pagligsahang nilahokan ng mga estudyante, inaasahan ng mga
proponent ang kanilang mga karanasan ang siyang mag-uudyok sa kanila
upang lalo pang mapagyaman ang kanilang kasayanan sapagkat sa
pamamagitan ng pagsali sa mga gawain tulad mga iyon, matutukoy ng mga
kalahok ang antas ng kanilang kakayahan sa paggamit at pagkakaintindi ng
wika.
Inaasahang mabibigyang solusyon ang mga balakid sa epektibong
pagbabasa na natukoy ng mga kalahok sa pamamagitan ng mga talakayan
matapos ang bawat gawain. Umaasa ang mga proponent na mas gagaling pa
ang mga estudyante sa pagbabasa at paggamit ng wika kapag napagtanto na
nila ang kanilang mga kahinaan at maling mga gawi.

You might also like