You are on page 1of 4

Sa pangkalahatan, ang isang babaeng nagbubuntis ay hindi naman pinagbabawalang mag-ehersisyo o gumawa ng kanilang trabaho kung hindi sila

sobrang napapagod sa paggawa nito o kung ang gawain ay hindi mapanganib. Ang mga trabaho na nagbibigay ng pisikal na kapaguran sa isang babeng nagbubuntis (mga trabahong may matagal na oras ng pagtayo, tuloy-tuloy na pagkilos na walang pahinga, pagbubuhat ng mabibigat na gamit, atbp.) ay dapat iwasan. Ipinagbabawal ang matinding ehersisyo kapag ang inang nagdadalang tao ay may mga komplikasyon, tulad ng:  Sakit sa puso at baga  Altapresyon na dulot ng pagbubuntis  Pagdurugo habang nagbubuntis  Malnutrisyon, matinding anemia  Maselan ang pagbubuntis ayon sa doktor Ang mga aerobic exercise tulad ng paglalakad nang may kabilisan o brisk walking o paglangoy ay maaaringgawin nang mga 30 minutos o higit pa sa isang araw, o hanggang sa kakayanan, mga 3 beses o higit pa sa isang linggo. Mayroon ring mga ehersisyo na maaring ang isang buntis na babae upang makawala ng sakit ng likod at makatulong sa panganganak at pagkatapos manganak. Ang Pelvic Rock Ang ehersisyong ito ay maihahalintulad sa pagsayaw ng otso-otso nakakatulong ito upang maibsan o maiwasan ang sakit ng likod na nararamdaman ng isang nagbubuntis lalo na kapag may kalakihan na ang sinapupunan.

1. Dumapa at suportahan ang katawan gamit ang tuhod at kamay. 2. Itaas at ibaba ang tiyan na parang nag-oosto-otso nang mabagal. Sa bawat pagtaas at pababa ay dapat maramdaman ang parang stretch o hila ng masel ng likod. 3. Gawin ito ng sampung beses, o hanggang sa kakayanan o hanggang maibsan ang sakit ng likod.

Kegel s Exercise Ang ehersisyo na ito ay maaaring gawin kahit saan at maaaring gawin nang nakaupo, nakatayo o nakahiga. Ang Kegel s exercise ay nakakatulong upang maging mas maganda ang kontrol ng pag-ihi pagkatapos manganak, at sinasabi ring nakakatulong sa paghilom ng sugat ng pwerta pagkatapos manganak.

1. Ang galaw sa ehersisyong ito ay parang pagpigil ng ihi kapag ito y lumalabas na. Patigasin ang mga masel sa may pwerta at puson na parang nagpipigil ng ihi (maaari muna itong sanayin habang umuiihi upang maintindihan ang galaw). 2. Ulitin ng hanggang ng mga 10 beses. Maari itong gawin kahit saan at kailan naisin.

Makakatulong rin ang mga mamalim na paghinga upang maka-relax, mapaganda ang pagikotng oxygen sa sirkulasyon ng ina at ng bata, at ito rin ay magandang ehersisyo na magagamit kapag nanganganak na.

Stretching Exercises Ang mga ehersisyong ito ay nakkatulong sa pagbanat ng mga masel at kalamnan ng balakang upang makatulong sa panganganak. A. Squatting

Ito ay ang pagupo kung saan ang paa ay flat na nakadiin sa sahig at binubuhat ang buong bigat ng katawan.

B. Tailor Sit

Ito ay pag-upo nang ang pwet ay nakadiin sa sahig habang ang binti ay parallel na nakatiklop pahiga sa sahig. Mga dapat tandaan sa pag-eehersisyo: * Huwag pagurin ang sarili. Gawin lamang ang ehersisyo hanggang sa kakayanan. Ang 30 minuto ay sapat na. * Dahan-dahan lamang sa pagtayo upang maiwasan ang biglang pagbaba ng presyon ng dugo. * Huwag pigilin ang paghinga habang nageehersisyo upang huwag tumaas ang pressure sa tiyan. * Huwag sanayin ang pagtutulak dahil tinataas nito ang pressure sa bahay-bata na pwedeng maging sanhi ng pagdurugo mula sa pagkakalagot ng mga membranes. Ang isang babaeng nagdadalang-tao ay makakaranas ng kapaguran at pangangailangan upang matulog nang matulog. Ito ay dahil sa mga hormone na tumataas sa panganganak, gaya ng progesterone. Ang nararamdamang kapaguran ay maaaring ibsan sa pagiglip sa araw o siesta. Dapat siguraduhing tahimik at komprotable ang lugar na paghihigaan. Upang makatulong sa sirkulasyon ng nanay at bata, maaaring humiga nang nakatagilid pakaliwa.

You might also like