You are on page 1of 2

Layunin:

1. Napananatiling maayos ang sariling tindig sa pamamagitan ng tamang pag-upo at paglakad; at

2. Naisasagawa ang mga Gawain na nagpapanatili nang maayos na tindig.

Activity:

Papuntahin ang mga mag-aaral sa likod na bahagi ng silid-aralan at isa-isang palakarin sa papunta sa
harapan. Pagkatapos ay pauupuin ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga upuan. Mamimili ang guro
ng isa hanggang tatlong mag-aaral na may maayos na tindig, paglakad at pag-upo.

Analysis:

1. Paano ba ang maayos na tindig, paglakad at pag-upo?

2. Bakit kailangan natin ng maayos na tindig, paglalakad at pag-upo?

3. Anu-ano ba ang masamang dulot ng hindi maayos na tindig, paglalakad at pag-upo?

Abstraction:

Ang maganda at kaaya-ayang tindig at galaw ay nakukuha sa pamamagitanng sumusunod na gawain:

1. Pagkain ng masustansiyang pagkain. Kailangang kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain na magbibigay
ng protina, carbohydrates, fats, bitamina, mineral, at iba pang nutrients upang maging malusog.

2. Pagtulog nang maaga at walong oras sa isang araw. Ang isang bata na katulad mo ay kailangang
matulog nang maaga at mahabang oras. Ito ay kailangan sa iyong paglaki.

3. Mag-ehersisyo nang regular. Isang pangkalusugang gawi na kailangan gawin ng isang batang katulad
mo ang palagiang pag-eehersisyo. Nakabubuti ito sa postura/tikas at tindig ng isang tao.

4. Tamang pag-upo at pagtayo:

Dapat ang likod ay nakalapat sa sandalan ng upuan kapag nakaupo. Kapag nakatayo naman ay dapat na
deretso ang katawan upang hindi hukot tingnan.

5. Upang masanay ang iyong katawan, kailangang parating tuwid ang paglakad upang ang postura/tikas
at tindig ay magin kaaya-aya.

Tandaan: Mapananatili ang maayos na tindig at magandang postura/tikas kung tayo ay kakain ng
masusustansiyang pagkain, matutulog nang hindi bababa sa walong oras sa loob ng isang araw, mag-
ehersisyo nang regular, at magsanay tumayo at umupo nang tuwid sa araw-araw. Magandang tingnan
ang isang taong mas maganda ang tindig at postura/tikas.

You might also like