You are on page 1of 1

Nagbunga ang binigay kong kiliti sa unahan

May kulang ba yung unang pagbigay ko ng pagmamahal

Bat di ka maniwala sakin kaya kang panindigan

Tinalikuran habang lumuluha sa may ubasan

Pakiramdaman nalang ba tayo kung sino

Nag mamay-ari ng kanyang mumunting abiso

Kanino ba ang nasa sinapupunan mo akin diba

Madali bang maisipang ibahin ang amahin niya

Nilamukos lahat ng pwedeng maging

Dahilan ng pagtanggi pero ayaw mo pa rin

Dahil ba sa di ka makuntento sa napiling hanap buhay

Habang buhay na pangakoy ay nadako na sa hukay

Ginawang sakayan mga plano nating dalawa

Para ihatid ang ala-ala dun sa kabila

Papano ang supling na nanggaling saking dugo

Kung sa pag mulat niya iba ang haliging nakatayo

You might also like