You are on page 1of 1

Nagtitimpla ako ng kape sa burol ng aking kamangmangan/

Binabantayan ang pagsalakay ng dating ugali kong kabalbalan/

Kung ang hangganan ng imahinasyon ay ang kanyang mismong pagtuyo/

Ang pabalik nito ay bahaghari na may mga bahid ng totoo/

Maraming galit sa mundo na pinagtapos sa may batok/

Sariwang dugo ng taoy nakatambak lamang sa pantog ng hayop/

Kapalitan ng ideya’y pangyayari sa may nayon/

Kung nakakamatay ang gutom, kahapoy wag mo na sakin ipabaon/

Nagtagpo ang aking isip at puso sa sulok ng dilim/

Pinag-usapan nilang mabuti kung pano ako baliwin/

Sa kunwaring paghimbing ko sa silid ng reyalidad/

Nakita ko ang nakawan ng hari’t kanyang alagad/

Hari’t alagad, kanyang palabas/

Akoy nag-iisa kayang mamuno magdamag/

Hating gabi na, masalimuot na tahanan/

Panong di maiinitan kung kamay mo lang hinuhugasan

You might also like