You are on page 1of 20

Pagpapanatiling

Maayos ang
Sariling Tindig
Lagyan ng T kung tama at M
kung mali ang pangungusap.

______1. Ang maayos na


tindig ay nagiging
sanhi ng pagiging
kuba.
______2. Kaaya-ayang
tingnan ang magandang
posisyon sa pag-upo.
______3. Ang pagtulog nang
maaga ay mabuti sa ating
katawan.
______4. Kailangang kumain
ng kahit na anong pagkain
upang maging malusog.
Alin sa dalawang larawan ang
nagpapakita ng tamang
pagtayo?
Alin naman sa larawang ito
ang nagpapakita ng
tamang pag-upo?
Bakit mahalaga ang wastong
tindig o pagtayo at pag-upo?
Alamin Natin:
Ang maganda at kaaya-
ayang tindig at galaw
ay nakukuha natin sa
pamamagitan ng
sumusunod na gawain:
1. Pagkain ng
masustansyang
pagkain.
2.Pagtulog nang maaga
at walo hanggang
sampung oras sa isang
araw.
Mag –ehersisyo ng
regular. Nakabubuti ito sa
postura/ tikas at tindig ng
isang tao.
Tamang pagtayo at
pag-upo.
Dapat ang likod ay
nakalapat sa
sandalan ng upuan
kapag nakaupo.
Kapag nakatayo
naman ay deretso
ang katawan
upang hindi hukot
tingnan.
Upang masanay
ang iyong
katawan
kailangang
parating tuwid
ang paglakad
upang ang
postura/tikas at
tindig ay maging
kaaya-aya.
Sagutin ang sumusunod na
mga tanong:
1. Ano ang grow, Go at
Glow foods?
2. Ano ang ginagawa ng
ganitong pagkain sa ating
katawan?
3. Bakit kailangang matulog
ng hindi bababa sa walong
oras sa isang araw?
4. Ano ang naidudulot ng
palagi-ang pag-eehersisyo sa
ating katawan?
5.Ang tamang pag tindig at
pag-upo ay kailangang
makasanayan? Bakit?
Tandaan:
Mapanatili ang maayos na
tindig at magandang
postura/tikas kung tayo ay:
 Kakain ng masustansyang
pagkain.
 matulog ng hindi bababa sa
walong oras sa loob ng isang
araw.
 mag-ehersisyo ng regular at
 magsanay tumayo at
umupo nang tuwid sa araw-
araw.
 Magandang tingnan ang
isang taong mas maganda
ang tindig at postura/tikas.
Sagutin ng oo o hindi. Isulat sa
patlang ang sagot.
____1. Kumain ng masustansyang
pagkain sa araw-araw.
___ 2. Natutulog ng mababa sa
walong oras araw-araw.
____3. Palagian na nag-
eehersisyo.
____4. Parating maayos at tuwid
maglakad o umupo.
Maraming salamat

You might also like