You are on page 1of 2

Layunin ng pag-aaral

Sa pananaliksik na ito ay matutuklasan ang mga pagtingin o pananaw ng mga tao sa mga

albularyo, malaman kung epektibo ang mga gamut na ginaganit ng mga albularyo, malaman o

matuklasan ang mga paraan na ginagawa ng mga albularyo, paano natuturing ang isang tao bilang

albularyo, at paano nasasalamin ang pananampalataya o paniniwala ng isang albularyo sa sensya.

Paglalahad ng suliranin

Sa panahon ngayon, napakarami pang tao na mas pinipili ang pagpapagamot sa albularyo kaysa

mga doktor. Ang paniniwalang ito ay mariing tinututulan ng mga eksperto sa siyensa ngunit hindi pa ito

napipigilan dahil na rin siguro sa paniniwalang taglay ng bawat tao. Ang mga basehan at paraan ng

kanilang panggagamot ay marahil hindi ligtas sa mga tao.

Haypotesis

Ang paggaling sa pagkonsulta sa albularyo ay walang kasiguraduhan. Ang ibang mga

kaparaanang ginagawa ng mga albularyo ay hindi ligtas sa kalusugan ng mga pasiyenteng kumukonsulta

rito. Ang panggagamot ng mga albularyo ay labag sa siyensiya at walang basehan ang kanilang

paggagamot sa mga pasiyenteng kumukonsulta. Ang kanilang mga kasanayan at kinagawiang

paggagamot ay nakabase lamang sa kanilang paniniwala, kultura at tradisyon.

Kahalagahan ng pag-aaral

Mag-aaral:

Ang mga mag-aaral ay malilinawan kung paano isinasagawa ng mga albularyo ang kanilang

panggagamot.
Guro:

Maaring ituro ang kaibahan ng paggaling sa pagkonsulta sa albularyo at mga propesyonal sa

kalusugan.

Propesyonal sa kalusugan:

Ang mga doktor at mga propesyonal ay maaaring magbigay gabay at payo sa mga tao at mga

albularyo.

Komunidad:

Mabibigyang kaalaman ang mga mamamayan patungkol sa epekto ng panggagamot ng mga

albularyo at kung ligtas baa ng mga kagawiang ito.

Pananaliksik:

Nakapagbibigay ng ideya sa ibang mananaliksik at gawing basehan para sa kanilang pag-aaral.

Maaring makakalap ng karagdagang impormasyon sa mga susunod na mananaliksik.

Saklaw at Limitasyon:

You might also like