You are on page 1of 5

Raizza Ysabelle Rabe

Anjhel Altuna
Erin Phoebe Flandez
Rasdy Panundi Jr.
(11- Amethyst
)

Withering Flowers: A Multiple Case Study About The Life of an Elderly


Inside A Homecare Facility

Rasyunale:
Bilang mag-aaral ng strand na STEM, karamihan sa kursong kukunin
sa kolehiyo ay ang mga kursong konektado sa medisina tulad ng kurso sa pagiging
doctor, medtech, nars at marami pang iba. Ang mga kursong ito ay karamihan sa
mga nagbibigay serbisyo sa lahat ng tao mapamatanda man o bata.
Ang mga Pilipino ay may maraming mga magagandan kasanayan at
kaugalian. Isa na rito ang tinatawag na “close family ties”. Ayon sa Librong
Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon, tungkulin ng mga Pilipino na magsilbi sa
kanyang mga matatandang magulang, lolo’t lola, at kamag anak hanggang sila ay
nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa
matatanda. Karamihan din sa mga matatanda ay ang wala ng katuwang sa buhay.
Ang iba ay walang asawa, yung iba ay byuda at ang iba naman ay walang kasama
sa bahay kung kaya’t nagkakaroon ng Home for the Aged of Homecare Facilities
sa bawat lungsod sa buong Pilipinas (Garcia, G. A 2013)
Sa House Bill 2379 na inihain ng dating Paranaque 1 st District
Representative Eric Oliver taong 2013, sinabi nya dito na dapat tiyakin ng
Gobyerno na mabigyan ng disenteng pamumuhay ang mga senior citizens na
layunin umano nito na magbigay ng physical, social at emotional na
pangangailangan ng mga matatanda at maayos na kapaligiran sa pamamagitan ng
pagtatayo ng isang Homecare Facility sa bawat syudad at munisipalidad . Ang mga
nailalagay sa ganitong mga pasilidad ay ang mga sakit (non-communicable
disease), mga wala nang katuwang sa buhay at mga matatandang nahihirapan ng
tustusan ang sarili sa aspetong pinansyal at pisikal. Ang mga tagabigay ng serbisyo
ay ang mga tagapag-alaga at ilang nar at doctor pati na rin ang mga social workers

Layunin:
Ang layunin ng papel na ito ay magpokus sa pag-alam kung ano ang buhay
ng mga matatanda sa loob ng pasilidad. Nais rin malaman ng papel ito kung ano
ang mga aktibidades, practices ng mga tagapag-alaga at kung paano naibibigay ng
mga tagapag- alaaga ang kanilang pangangailngan pagdating sa emosyonal at
pisikal na aspeto.

Metodolohiya:
Ipinapanukala ang konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng
pakikianayam sa mga residente at tagapag-alaga sa loob ng pasilidad bilang isang
metodo sa pagkalap ng mga impormasyon na konektado sa paksa ng pananaliksik
na isinagawa. Isinagawa ang pagkuha ng mga impormasyon o datos sa
pamamagitan ng pagbibigay talanungan o mga tanong. Ang mga mananaliksik ay
pumunta sa isang homecare facility sa Magsingal sa kadahilanang tanungin ang
kalagayan ng mga matatanda sa pamamagitan ng interview at pagoobserba sa
kanila. Ito rin ay nangangailangan ng pagbabasa ng mga aklat at artikulo na may
kinalaman sa paksa

Inaasahang awtput/ Resulta:


Inaasahang makabuo ng 50 pahinang awtput ang pananaliksik na
isinagawa. Inaasahang makapagbibigay ng rekomendasyon at makakakuha ng
impormasyon at opinion mula sa mga residente at tagapangalaga na maaring
makapagbigay saysay sa naturang pananaliksik.
I. Introduksiyon

A. Paunang Kaalaman Tungkol sa Buhay ng mga Matatanda sa isang


Homecare Facility
B. Layunin sa Pag-aaral
C. Pahayag ng Thesis
D. Mga Tanong na Nais tanungin ng papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

II. Mga Kaugnay na Literatura

A. Homecare Facility at mga Tagapangalaga


B. Kalungkutan sa mga Matatanda
C. Pakikihalubilo sa mga Matatanda
D. Mga Karaniwang Sakit ng mga Matatanda

III. Metodolohiya

A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga matatanda at tagapangalaga
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos

IV. Resulta
V. Konklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliyograpiya
Pahayag ng Thesis:
Ang isang Homecare Facility ay ang tahanan ng mga matatanda
kung saan sila inilalagay ng kanilang mga pamilya o hindi kaya ay ulila na at
walang taong mag-aalaga sa kanila. Dito sila ay namumuhay ng malayo sa
kanilang pamilya at tanging mga hindi kakilala at kapwa matatanda rin ang
kanilang magiging sandalan nila sa pamilya sa pagdaan ng panahon ng pagtira nila
sa loob ng pasilidad.
Pansamangtalang balangkas
Pahayag ng thesis
Konsseptong papel
Rastionale
Layunin
Metodolohiya/
Inaasahang output o resulta

You might also like