You are on page 1of 15

COVIDIKSYUNARYO: PAGTITIPON NG MGA SALITA

SA PANAHON NG PANDEMYA

MANANALIKSIK
Espiritu, Xyryl, S.
Gervacio, Janis Nicolle, P.
Maron, Ma. Angelica, C.
Monterola, Bea, M.
Ruar, Nicole, M.
NILALAMAN

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Rasyunale ng Pag-aaral 4

Suliranin ng Pag-aaral 4

Kahalagahan ng Pananaliksik 5

Batayang Konseptwal 5-6

Batayang Teoritikal 7

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 7-8

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita 8-9

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura 10

Kaugnay na Pag-aaral 11-12

KABANATA III: PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Ang Disenyo ng Pag-aaral 13


Ang mga Instrumento 13

Ang Pagkuha ng Datos 13

Ang Paraan ng Pananaliksik 14-15

Ang Pag-aanalisa ng mga Datos 15


KABANATA I

RASYUNALE NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makakalap ng Imporasyon tungkol sa mga


salitang nabuo o mas nakilala sa gitna ng Pandemya. Ang mga Impormasyong
ito ay mayroong layunin na dagdagan ng bagong kaalaman ang mga
mambabasa. Ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga bagong salita na ating
nalaman at nakilala ngayong Pandemya ay upang mas lalong maintindihan ng
mga mamayanan ang mga bagong salita at ito’y magbigay kaalaman sakanila. At
ito ay nilalayong tumalakay sa Covidiksyunaryo: Pagtitipon ng mga nakilalang
salita sa panahon ng pandemya.

SULIRANIN NG PAG-AARAL

Suliranin ng Pag-aaral Ito ay naglalayang makahanap ng sagot sa mga


sumusunod na katanungan;

1. Ano ang profile ng mga mag-aaral mula sa:

1.1 Edad

1.2 Baitang

1.1 Kasarian

2. Ano ang dahilan ng pagkabuo ng mga bagong saita ngayon?

3. Ano ang Epekto nito sa ating mga Pilipino?

4. Ano ang epekto nito sa ekonimya?

5. Ano ang kahalagahan ng Covidiksyunaryo?


KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Mga mamayanan - Ang pananaliksik na ito ay may layuning makapag bigay


impormasyon tungkol sa mga bagong salita sa pandinig ng nakakarami at mag
silbing dagdag kaalaman sa bokabularya ng mga mamayanan.

Mga hinaharap na mananaliksik - Ang pag-aaral na ito ay maaaring mag


silbing maging gabay ng mga susunod na mananaliksik kung ang kanila mang
topic o diskusyon ay tungkol rin sa mga nabuo o mas nakilalang salita sa gitna
ng Pandemya.

Mga mag-aaral - Ito ay maaaring kapulutan ng aral at gawing gabay sa lahat ng


mag aaral o studyante. Dahil ngayon lamang natuklasan ang ganitong klaseng
salita sa panahon ngayon.

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang layon ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga salitang umusbong at


nakilala noong magsimula ang pandemya. Ipinakikita ng pigura sa ibaba kung
paano ang pagkalap ng datos at ang pag-aanalisa rito.
INPUT PROSESO AWTPUT

- Nais ng mga - Gamit ang google Inaasahan ng mga


mananaliksik na form survey ay mananaliksik sa
matukoy ang mga mangangalap ang pag-aaral na ito na
salitang nakilala mga mananaliksik matukoy at
nang magsimula ng datos madagdagan ang
ang pandemya kaalaman
- Pag-aanalisa at
kaya naman patungkol sa mga
pagpepresinta ng
nagsagawa ang samu’t sari at iba
resulta
mga mananaliksik pang terminolohiya
ng sarbey na na ginamit sa
naglalaman ng nagdaang taon na
mga katanungan panahon ng
hinggil sa paksa pandemya.
Mabibigyan din ng
- Pagkuha ng saysay ang lahat
socio-demographic ng mga
characteristics ng terminolohiyang
mga estudyante nakalap sa
pananaliksik para
sa kapakinabangan
ng mamamayanan.

Pigura 1. Paradim gamit ang modelong Input, Proseso, at Awtput


BATAYANG TEORITIKAL

Ayon kay JJ Ichikawa, ang karunungan ang siyang magiging daan upang
makuha ang katotohanan. Hindi sapat na paniwalaan lamang ang isang bagay
nang hindi nalalaman kung ano nga ba ito. Sinasabi niya rito na hindi dapat
gawing katotohanan ang mga bagay na hinulaan lamang, ibigsabihin ay
kinakailangan na ang bawat isa ay siguraduhin na ang impormasyong nakalap
ay totoo. Kung ano ang nalalaman ng isang tao ay siya nitong pinaniniwalaan
kung kaya ay umaakto ang isang tao base sa impormasyon o katotohanan na
mayroon siya at pinaniniwalaan niya. Kumakalap ang mga salita na ito, dahil ito
ay naririnig na sa ibang tao at tumatatak na sa isip ng iba. Sapagkat ang salita
na mga ito ay ngayon lamang natuklasan sa panahon ng pandemic. At dahil
nadin sa kumakalat na sakit na hanggang ngayon ay wala parin lunas. Tatatak
sa isip ng bawat tao ang salitang Pandemic, dahil umabot na sa dalawang taon
na nakukulong tayo sa sakit na ito. Maraming sambayanang Pilipino ang
nahihirapan sa panahon ngayon. Naging makabuluhan ang mga salitang ngayon
palang narinig ng mga tao gaya ng COVID-19, pandemic, quarantine at vaccine.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang mga mananaliksik ay binigyang tuon sa pagsagawa ng
pananaliksik ang San Jose City, Nueva Ecija. Ang particular na
mga respondent ay 30 na mga estudyante na nag-aaral sa mga
paaralan sa San Jose City, Nueva Ecija, na nasa Junior at Senior
high school. Sa kadahilanang ang mga baiting na nasa sekondarya
ang karaniwan nakakaimbento o nakakabuo ng mga bagong salita.
Ang pag-aaral na ito ay ginawa noong buwanng Abril hanggang Mayo
2021. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga impormasyon
at dagdag kaalaman na sa mga estudyante ng STEM sa mataas na paaralan sa
Unibersidad ng Araullo mula sa ika-labing isang taon sa akademikong taon 2021-

2022. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyante ng STEM.


Hinahangad din sa pag-aaral na ito na suriin ang mga pananaw at interpretasyon
ng mga guro ayon sa nakalap na mga salitang Terminolohiya ng mga
estudyante. Bibigyan ng mga mananaliksik ng iba pang impormasyon na
nahahango sa kanilang nakalap na datos sa iba pang estudyante upang sa
karagdagang impormasyon.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

Mailalahad dito ang mga kahulugan na ginamit sa aming pananaliksik.

 Covidiksyunaryo - listahanng mga salitang nabuo


ngayong panahon ng pandemya.

 Department of Health (DOH) - isang ahesiya ng sangay ehekutibo ng Filipino


na may pangunahing tungkuling magkaloob ng serbisyo sa Batayanteg
Kalusugan ng Publiko (Basic Public Health Services) ng mga Filipino sa
pamamagitan ng paglikha ng mga probisyon sa de-kalidad na
pangangailangang pangkalusugan at regulasyon ng lahat ng serbisyo at
produktong pangkalusugan.

 Person Under Investigation (PUI) - tao na parehong nagpapakita ng


konsistent na senyales o sintomas ng nakakahawang sakit tulad ng covid 19,
nagbiyahe sa mge bansang may kumpirmadong kaso paghahawalang local o
nakakasalamuhaang ang isang taon kumpirmadong may sakit.
 Symptomatic - ito ang yugto ng sakit na mayroon nang sintomas na nakikita
sa taong nagtataglay ng isang particular na sakit.

 Quarantine - pagbabawal sa mga taong walang sakit na umalis sa isang lugar


sa isang tiyak na panahon.

 Social Distancing - pagpapanatili ng tiyak na distansya sa isat-isa.

 Pandemya - isang epidemya ng nakakahawang sakit na


kumakalat sa pamamagitan ng populasyon ng isang
malawak na rehiyon

 WHO - World Health Organization o isang ahensya ng


United Natuon na responsible para sa pang-internasyong
kalusugan ng publiko.

 COVID-19 - isang pandemya na kinkaharap ng buong mundo


ngayon, isa itong nakakahawang sakit.

 Lockdown - Isang patakaran na paghihigpit para sa mga


tao o pamayanan na manatili sa kung nasaan sila upang
mabawasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Karaniwang sanhi ng mga particular na peligro sa
kanilang sarili o sa iba kung maari silang makagalaw
at malayang makihalubilo
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA
Ang Novel Coronavirus o mas kilala sa tawag na COVID-19 ay isang virus na
naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng pag-sagap ng mga maliliit na
talsik ng laway mula sa pag-ubo, pag-bahing at pag-sasalita ng taong
mayroong COVID-19. Ang virus na ito ay nag mula sa Wuhan, China dahil sa
ilang kaso ng pneumonia na hindi pamilyar na naitala noong Desyembre 13,
2019. Dahil sa pag usbong ng pandemyang ito, madaming estebalisyimento
ang nag sara dulot ng lockdown. Sa kabilang banda, marami din ang
umusbong na salitang bago sa ating pandinig na nag dala ng konpyusyon sa
ating isip. Katulad na lang ng mga; co • ro • na • vi • rus, lock • down, qua •
ran • tine, at pan • dem • ya. Kapag naririnig ang mga salitang ito ay
napakalaking problema ito sa mga tao. Dahil mawawalan sila ng trabaho, at
magiging dahilan ng kagutuman sa mga Pilipino. Magandang pakinggan ang
mga salitang ito subalit ito ay malaking salot sa lipunan, kaya naman hindi
makakalimutan ang salitang Pandemic, COVID-19, quarantine at vaccine
dahil ito ang nag bigay pasakit sa mga tao. Kaya naman marami ang
nahihirapan sa panahon ngayon dahil sa mga salitang ito, mahirap mamuhay
ng ganitong set up kaya naman. Karamihan ay may mga pamilya, trabaho,
mag aaral at mga bata ang hindi makakilos ng maayos. Dahil narin sa Hindi
makapag trabaho ang mga magulang, hindi makapasok ang mga studyante
sa paaralan, at hindi makapasyal ang mga bata sa pasyalan dahil sa mga
salitang ito.
KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa kasalukuyan, ang mundo ay nakakaranas ng isang


pandaigdigang panganib sa kalusugan ng publiko na dala ng sakit
na coronavirus na tinatawag na COVID-19. Ang pandemikong ito ay
sumakit sa milyun-milyong mga tao at nag-iwan ng libu-libong mga
buhay sa mga nagkontrata sa nakakahawang sakit na ito. Dahil sa
pagsiklab na ito ay nagdulot ng matinding epekto sa sistema ng
kalusugan ng iba`t ibang mga bansa, binago rin nito ang
karaniwang operasyon sa edukasyon, negosyo, pamamahala, turismo,
at halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Ang alon ng takot,
pag-aalala at kawalan ng katiyakan sa lipunan ay nag-uudyok sa
pagbuo ng mga bagong term at expression na mas mahusay na
nagpapahayag o naglalarawan sa mga sitwasyong tao. Dahil dito,
nabuo ang mga neologism na nauugnay sa pandona ng corona virus
at ang paglitaw nito ay naging exponential dahil sa paglaganap
ng social media.

Simula ng pumutok ang balita na patungkol sa pagkakaroon ng


nakakahawang sakit na kinabigla ng buong bansa. Nagkaroon ng ibat-ibang
salita na hindi masyadong pamilyar sa ating pandinig at hindi alam ang ibig
sabihin ng kanilang mga ginagamit na Terminolohiya. Kung ating pag-aaralan
at babatayan ang ating teknolohiya na ginagamit bilang “Facebook”,
malalaman natin dito kung ano-ano nga ba, ang mga naglabasan na mga
salita noong panahon ng pandemya. Ayon kay Eag Narvaez, nagkaroon ng
40 na
salita siyang madalas na ginagamit noon sa ating social media, balita o
anumang pwede natin mapagkunan ng mga impormasyon patungkol sa
pamdemya o covid. Madalas nating nababasa o naririning ang mga lang
salita na katulad ng "QUARANTINE"

"CORONAVIRUS", "DOH", "SYMPTOMATIC", "PUl", "PUM", "SOCIAL


DISTANCING", at madami pang iba. lilan lamang ito sa mga nababasa natin
hanggang ngayon na siyang tumatak na sa ating isipan at nagsisilbing
batayan ng iba sa kanilang kaligtasan at disiplina ng mga mamamayanan.

Ayon sa pampanahong papel ni Eag Nervaez, noong nanansala ang bagyong


Yolanda noong taong 2013 ay naging malaking panawagan ng maraming
Filipino ang pagkakaroon ng impormasyon hinggil sa mga salitang ginagamit
sa kalamidad. Noong nagsimula naman ang pandemya ay maraming tao rin
ang nagpadala ng mensahe sa kaniya gamit ang online platform na Facebook
na kung saan ang karaniwang tanong ay kung ano sa Filipino ang salitang
"Quarantine" at "Isolation" at kung ano ang ibigsabihin ng mga salitang ito.
Walang ideya ang ibang mga Filipino sa mga bagong termino na umuusbong
nang magsimula ang pandemya.
KABANATA III

ANG DISENYO NG PAG-AARAL


Ang naisagawang pananaliksik ay ginamitan ng sarbey (survey)
metodolohiya. Ang isinagawang metodolohiya ay ginamitan ng mga
talatanungan tungkol sa napiling paksa upang makalikom ng mga datos at
maisagawa ang pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang
disenyong ito ay angkop para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang
pangangalap ng datos mula sa mga respondent. Ang disenyong ito ay ang
nakita ng mga mananaliksik na mas magiging mabisa sa pananaliksik na ito
upang ang mga makakalap na impormasyon ay mas maging epektibo sa pag-
aaral na ito.

ANG MGA INSTRUMENTO


Ang instrumento na kakailanganin sa pagkuha ng datos sa pananaliksik o
pag-aaral ay isang sarbey-kwestyuneyr. Ang mag-aaral ng STEM sa
Unibersidad ng Araullo ay gagawing respondente sa gagawing sarbey.

ANG PAG KUHA NG DATOS


Ang mananaliksik ay gumamit ng social media at survey questionaire bilang
pangunahing instrumento sa pagkuha ng Datos na magagamit sa Pag-aaral.
Ang social media ay nagbigay ng mga impormasyon ukol sa mga salitang
ngayon palamang nakilala. Ang survey ay nagbigay ng iba't ibang persepsyon
sa mag-aaral kaya naman mas lalong kumalap at naunawaan ang salitang
mga ito.
ANG PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga sumusunod na estatistika ang ginamit sa pagsusuri ng datos na


natipon sa pag-aaral.
1. Ang pagbibigay kahulugan sa Covid-19,
Palarawan o descritib na pamamaraan ito ay ang pag-iimbistiga na naglalarawan
at nagbibigay
kahulugan tungkol sa isang paksa o bagay.
2. Palarawang kahulugan (Descriptive Equivalent)

Talahanayan 1
Descriptive Equivalent
Iskor Iskala Berbal na
Pagkakahulugan
5 4.01-5.00 Laging naririnig
4 3.25-4.00 Madalas na marinig
3 2.50-3.24 Bihira lang marinig
2 1.75-2.49 Hindi pa narinig
1 1.00-1.74 Nasalita ng salita

3. Ang pagtataya ay ibinatay sa panukalang Likert Scale (Likert’s Scaling


Technique). Ito ang tskelist na pasasagutan sa mga respondante. Ang
pinakamataas na bilang ay nangangahulugang pinakagamit na salita ngayong
panahon ng pandemya, at napakaangkop ng isinasalita. Ang mataas na bilang
ng lubos na laging naririnig ay nangangahulugang gamit na gamit ang salita na
iyon, kapag naman ang may pinakamataas na bilang naman ay madalas marinig
nangangahulugang hindi sya ganoon kagamit di katulad sa laging nariririnig.
Kung ang may pinakamataas naman na bilang ay bihira lang marinig
nangangahulugang hindi kapamilyar sa lahat. Kung ang may pinaka konti
namnag bilang ay
ang nasalita ng salita ibig sabihin maalam ka sa mga impormasyon sa mga
pandemya.

ANG PAG-AANALISA SA MGA DATOS

Sa pag-aanalisa ng datos ay pinagsama-sama ng mga mananaliksik ang mga


nakuhang datos upang masusing maanalisa ang mga ito. Kailangan rin na
kuhanin ang kabuuang bilang ng nga respondante upang makatulong sa
interpretasyon ng pananaliksik.

You might also like