You are on page 1of 44

Interpretasyon ng mga

FEU-NRMF SHS sa
pagmumura
batay sa
Sosyolingwistikong
pananaw
Fontamillas, Julianne
Badillo, Carl Angelo
Jackson, Christian
Mistica, Yssa
Matala, Matthew
Papango, Sophia
Buenaobra, Chelzea
Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Pagmumura
laganap sa ating lipunan lalo na sa
panahon ngayon.

uri ng masakit na pananalita na


karaniwang sinasambit upang ibaba ang
halaga ng isang tao. (Generoso, 2013)

Minsan nakakainsulto, nakakagalit, at


minsan ay nakasanayan na.
Ayon sa pag-aaral ng mga
Sosyolingwistiko, ang wika ay nauuri sa
dalawang termino, ang mabubuti at
masasamang wika. Ang masasamang
wika na kadalasang tinatawag na mura
at karaniwang ginagamit ng kabataan.
(Generoso, 2013)

Batay sa ginawang sarbey ng


Broadcasting Standards Authority ng
New Zealand sa ulat na Why not to
swear ang karamihang tumatanggap sa
mga mura ay ang mga mas nakakabata
kumpara sa mga mas nakatatanda.
1.1 Mga Dahilan ng
Pagmumura ng Tao

Ayon sa ilang pag-aaral sa


Sikolohiya, ang pagmumura ay isa sa
mga pinakamabisang anger
management techniques dahil
maiibsan nito ang iyong stress, galit,
at pagka-badtrip.
Ayon naman kay (Jay, 2009), isang propesor
sa larangan ng Sikolohiya, ang pagmumura
ay maaaring ituring na isang pamalit sa
pisikal na pananakit.

Dagdag pa ni Jay (2009), "Ang pagmumura


ay matatawag na hate speech. Ito ay dahil
napaka-epektibo ng mga mura bilang pang-
insulto; o para magpahiya ng isang tao."
1.2 Kasaysayan ng
Pagmumura
Napag-alaman ng mga mananaliksik sa ating
kasaysayan na ang simpleng pagpapakawala
ng salita na yumuyurak sa dignidad ng isang
tao (pagmumura) ay lubos na nagpapabaga
ng galit sa ating mga ninuno.

Mayroong batas noon na nagsasabing ang


sinumang karinggan ng mga nakakasakit na
mga salita ay kailangan patayin. (Loarca,
1903)
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay tungkuling alamin ang mga ibat-
ibang interpretasyon FEU-NRMF SHS sa pagmumura batay sa
sosyo-linggwistikong pananaw. Partikular sa mga murang
kadalasang ginagamit at naririnig ng mga tao.

Ang pag-aaral ay inorganisa sa loob ng mga sumusunod na


katanungan:

1. Ano ang kadalasang murang ginagamit ng mga FEU-NRMF


SHS?

2.Ano ang interpretasyon ng mga FEU-NRMF SHS sa mga


kadalasang mura batay sa teoryang pagmumura ni Steven
Tinker?

3.Paano ginagamit ang interpretasyon ng FEU-NRMF SHS sa


pagmumura batay sa sosyo-lingwistikong pananaw?
Kahalagahan ng Pag-
aaral
Ang mga mananaliksik ay lubos na naniniwala na ang
pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagpapabata at
pagbibigay ng karagdagang kaalaman sa pag-aaral ng
pagmumura

Na-aayon ito sa panahon, kung saan maraming tao na


ang nagmumura, na nagbibigay ng ibat-ibang
implikasyon base kung paano nila gamitin ito.

Ito ang magsisilbing kamalayan kung gaano ba kadalas


magmura ang mga mag-aaral sa lipunan at nais nilang
ipahiwatig sa mga ito. Na magagamit upang maiwasan
ang hindi pagka-uunawaan sa mga taong nagmumura at
sa kanilang sinasabihan.

Makakatulong din ito sa mga mag-aaral na may partikular


na interes sa mga pang sosyolinggwistikong pananaw sa
komunikasyon at mas mapatibay ang pag unawa sa
ginagampanan ng ganitong uri ng wika sa lipunan.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa
sosyolinggwistikong pananaw kung saan malaking
parte ang ginagampanan ng gamit ng wika sa lipunan.

Sinusuri at binibigyang pansin ang mga opinyon at


interpretasyon ng mga mag-aaral ng FEU-NRMF SHS
hinggil sa posibleng kahulugan ng mga piling mura
batay sa kanilang pananaw.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga


pangkaraniwang mga mura na madalas gamitin ng
FEU-NRMF SHS ayon sa sarbey (tingan ang apendiks
A).

Ito ay ang gago, putang-Ina, tanga, pakyu at ulol.

Ang mga sitwasyon ay nakabatay sa teorya ni


Steven Pinker na nakasaad ang mga kadahilanan ng
pagmumura..
Depinisyon ng mga
terminolohiya
1. Broadcasting Standards Authority -
Organisasyong nakabase sa New Zealand
na nakapailalim sa Broadcasting act 1981
upang magsulong ng mga pamantayan ng
pagbobrodkast sa radyo.

2. Sosyo-lingwistiko- ang epekto ng lipunan


sa wika at barayti nito
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-


AARAL AT LITERATURA
Banyagang Pag-aaral
Cursing in America (2014) "Ang mga epektibong magmumura ay alam
nila kung kailan, saan at paano magmura at kung kanino. Hanggat ang
pagmumura ay nanatiling bawal, ito ay patuloy din sa pagiging
marumi at nakakasakit."

Gayunman, sabi pa ni Grice (2010) na"mawawala ang kadumihan nito


kapag ika huminto sa pagiisip nito. Ang gusto talaga nilang
ipahiwatig ay sa paggamit nito bilang pang-uri, pandiwa o pangngalan.

Sa isang pag-aaral sa Cathartic swearing (Stephens, et. al, 2009) Ang


pag-aaral na ito ay nagpapahiwatig na ang Cathartic swearing ay
nakakapagbigay-ginhawa sa nagmumura, ipinapakita ng mga datos na
ang pagmumura, bilang tugon sa sakit na nararamdaman, ay tunay na
nakakabawas ng sakit. Sa madaling salita, ang pagmumura ay mabisa
tugon sa sakit. Gayunpaman, upang manatili ang kahalagan ng
sobrang paggamit ng mura, ayon sa isang dagdag na pag-aaral,
natagpuan (Stephen & Umlard, 2011) na ang mga taong madalas na
magmura ay nakakaranas ng kaunting emosyonal lamang tugon sa
pagmumura. Marahil ito ay sakanilang kasanayan sa mga salita.
Lokal na Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral ng Social Weather System (2016) Noong Disyembre nagkaroon
ng sarbey patungkol sa pagmumura ng Pang. Rodrigo Duterte. Kung saan 51% ang
sang ayon, 33% ang di sang ayon, at 17% wala pang pasya. ukol sa pahayag na,
Ang nakagawiang pagmumura sa publiko ni Pang. Rodrigo Duterte ng mga
banyagang opisyal na hindi niya gusto ay nakakasama sa relasyon ng Pilipinas sa
ibang bansa o institusyon ng mga opisyal na ito.

Ayon kay Ceniza, sa aklat na Filipino Cultural traits Lectures(2008)Maliban sa


lingwistikong pananaw, ang mga pagsusuri patungkol sa lenggwahe ng kabataan
ay isang paalala sa mga sosyolohisto at tagapangaral sa kung paano nagbago ang
kabataan sa Pilipinas. Sa pagpili pa lang ng mga binabanggit, labis na mapapansin
na hindi na sila ang mapili at karaniwang Pilipinong kabataan na nag-iingat sa
bawat sinasabi.

Conversational Topic Preferences, Taboo words and Euphemisms: The Case of


Philippine male and female university students (Teresita D. Tajolosa, Palawan State
University 2012) Sa pamanagitan ng pakikipag-usap at pag-angat ng ibat-ibang
kultura tulad ng internet at midya, hindi na kataka-taka na ang mga kabataan sa
panahon ngayon ay ibang-iba na kumpara sa mga nakaraang henerasyon. Sa
gitna ng maraming pagbabago sa kabataan ngayon, ang edukasyon pa rin ang
nananatiling pinakamahalaga at mabisang paraan upang hubugin ang kanilang
pusot isipan, upang sila ay maging mabubuting mamamayan sa isip, salita, at
gawa.
Lokal na Literatura
Sabi ni Lolit Solis (2016) Nakasanayan na ni Papa Rody ang magmura pero
bulaklak na lang ito ng kanyang dila. Harmless ang mga pagmumura ni
Papa Rody kaya hindi affected ang mga tao na tunay na nakakakilala sa
ugali niya. Shocked lang ang mga sosyalera at prim and proper kay Papa
Rody noong panahon ng kampanya dahil hindi sila sanay na makakita at
makarinig ng malutong na pagmumura ng isang presidential candidate.
Nagpakatotoo lang si Papa Rody dahil hindi siya plastik.

Sa aklat na How Rude!(2014), sinabi ni Dr. Alex Packer: Nakakasawang


pakinggan ang mga taong laging nagmumura. Idinagdag niya na kung
puro pagmumura ang nasa bokabularyo ng isa, hindi iyon kakikitaan ng
unawa, talino, dunong, o empatiya. Kung ang pananalita mo ay burara,
malabo, at limitado, tiyak na magiging ganoon din ang iyong pag-iisip.

Ayon sa Ano ang Masama sa Pagmumura? Gumising! | JW (2008),


Talaga namang pangkaraniwan na sa mga tao ang pagmumura. Sa
katunayan, may mga kabataang nagsasabi na kung pagmumultahin nila
ang kanilang mga kaeskuwela tuwing magmumura ang mga ito, kikita sila
nang malaki anupat hindi na nila kakailanganing magtrabaho at
makapagreretiro na ang kanilang mga magulang.
Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Ang Descriptive Survey Research Design
ang angkop na napili ng mga
mananaliksik. Ang nasabing uri ay
ginagamitan ng mga sarbey kwestyuner o
talanatungan na pupunan ng mga
respondente at siyang panggagalingan ng
mga datos.
Mga Respondante
Ang piniling respondente sa pag-aaral na
ito ay mga mag-aaral mula sa ikalabing-
isang baitang sa kasalukuyang semester
ng FEU-NRMF SHS. Pinili ng mananaliksik
ang nasabing respondante dahil sila ang
nagrerepresenta ng mga kabataan.
Instrumentong
Pananaliksik
Ang unang sarbey-kwestyuner ay nagbibigay kaalaman
sa mananaliksik kung ano ang madalas na mga mura
na kanilang ginagamit.

Ang pangalawang sarbey-kwestyuner ay nagpapakita


ng mga interpretasyon sa kadahilanan ng pagmumura
batay sa Teorya ni Steven Pinker. Ang teorya ni Steven
Pinker ay nahahati sa limang kadahilan ng pagmumura.
Ang Dyphemism ay ang sinasadyang paggamit ng mura
upang mailabas ang matinding emosyon
Abusive Swearing ay ginagamit upang mang-insulto,
Idiomatic swearing ay ginagamit upang pang-agaw ng
atensyon, upang ipakita na cool,
Emphatic Swearing ay ginagamit upang bigyang-diin ang
isang bagay
Cathartic Swearing ay ginagamit upang makapagbigay ng
ginhawa.
Instrumentong
Pananaliksik
Ang pangatlong sarbey-kwestyuner ay
nagpapahiwatig kung gaano kadalas
ginagamit ang interpretasyon sa
murabatay sa sosyo-lingwistikong
pananaw. Ang sagot ay masasagutan sa
pamamagitan ng Likert scale.
Tritment ng Datos
Percentage - Ang percentage ay paraan upang
mapahayag ang isang numero bilang fraction ng 100.
Ginamit eto upang mapakita ang proposyong ng mga
respondante batay sa kanilang interpretasyon.

Pormula:

P = F/N x 100

Na kung saan,

P= Percentage

F= Frequency

N= kabuuan populasyon ng respondante.


Tritment ng Datos
Weighted Average- Ang weight average ay ang
pamantayan na kung saan ang bawat datos ay mayroon
tiyak na frequency. Ginagamit ito upang kalkulahin kung
gaano kadalas magmura ang mga FEU-NRMF SHS.

Pormula:

WA= FL/N

Kung saan,

WA =Nirerepresenta ang weight average.

F= Frequency

L= Nirerepresenta kung gaano kadalas ginagamit ang


bawat intensyon sa pagmumura
Tritment ng Datos
Likert Scale Ang likert scale ay paraan ng
pagsukat kung gaano kalakas ang opinion ng mga
respondante sa sagot na sinusukat sa isa
hanggang apat. Ginamit ito upang malaman kung
gaano kadalas magmura ang respondante batay
sa teorya ni Steven Pinker.

Palagi 4

Madalas 3

Minsan 2

Hindi 1
Kabanata IV
PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG
MGA DATOS
Talahanayan Blg. 1: Madalas na Murang ginagamit ng
mga FEU-NRMF SHS

Mga Kadalasang
Bilang Bahagdan Rank
Mura

1.) Putang-ina 129 16.33% 2nd


2.) Gago 140 17.72% 1st
3.) Letche 22 2.78% 10th
4.) Ulol 76 9.60% 5th
5.) Buwisit 40 5.06% 8th
6.) Tanga 80 10.13% 4th
7.) Tarantado 15 1.90% 14th
8.) Punyeta 30 4.05% 9th
9.) Bobo 44 5.57% 7th
10.) Puta 72 9.11% 6th
11.) Pakyu 84 10.63% 3rd
12.) Gaga 17 2.15% 13th
13.) Kingina 21 2.66% 11th
14.) Taena 20 2.53% 13th
TOTAL 790 100.00% 14
Talahanayan Blg. 1: Madalas na Murang ginagamit ng
mga FEU-NRMF SHS

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, na


iprenisenta sa talahanayan blg. 1 ang lima sa mga
karaniwang murang ginagamit ng mga SHS sa FEU-
NRMF ay ang Gago, Putang-ina, Pakyu, Tanga at Ulol.
Ang nangunguna ay ang Gago na kung saan nagtala
ito ng labimpitong punto pitumpu't dalawang
porsyento (17.72%), pumangalawa ang Putang-ina
na nagtala ng labing-anim na punto tatlumpu't
tatlong porsyento (16.33%), pumangatlo ang Pakyu
na mayroong sampung punto anim-na-pu't tatlong
porsyento (10.63%), pumang-apat ang Tanga na
mayroong sampung punto labing-tatlong porsyento
(10.13%), at pumanglima ang Ulol na nagtala ng
siyam na punto anim-na-pung porsyento (9.60%).
Talahanayan Blg. 2: Interpretasyon ng mga
FEU-NRMF SHS sa Gago na nakabatay sa
Teorya ni Steven Pinker
Interpretasyon ng mga FEU- Bilang Bahagdan
NRMF SHS sa Gago

1.) Dyphemism 76 48.10%

2.) Abusive 34 21.52%

3.) Idiomatic 14 8.86%

4.) Emphatic 25 15.82%

5.) Cathartic 9 5.70%

TOTAL 158 100%

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 2, ang interpretasyon ng SHS sa FEU-NRMF sa murang gago batay sa teorya ni
Steven Pinker. Ang nangunguna sa mga interpretasyon ay ang Dyphemism na
nakapagtala ng apat-na-pu't walong punto sampung porsyento (48.10%),
pumangalawa ang Abusive na nagtala ng dalawampu't isang punto limampu't
dalawang poryento (21.52%), pumangatlo ang Idiomatic na mayroong walong punto
walumpu't anim na porsyento (8.86%), pumang-apat ang Emphatic na mayroong
labinlimang punto walumpu't dalawang porsyento (15.82%), at pumanglima ang
Cathartic na nagtala ng limang punto pitong-pu't porsyento (5.70%).
Talahanayan Blg. 2.1: Interpretasyon ng mga
FEU-NRMF SHS sa Tanga na nakabatay sa
Teorya ni Steven Pinker
Interpretasyon ng mga FEU-
Bilang Bahagdan
NRMF SHS sa Tanga

1.) Dyphemism 31 19.62%

2.) Abusive 86 54.43%

3.) Idiomatic 20 12.66%

4.) Emphatic 15 9.49%

5.) Cathartic 6 3.80%

TOTAL 158 100%

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 2.1, ang interpretasyon ng SHS sa FEU-NRMF sa murang Putang-ina batay sa
teorya ni Steven Pinker. Ang nangunguna sa mga interpretasyon ay ang Dyphemism
na nakapagtala ng limampu't walong punto walumpu't anim na porsyento
(58.86%) , pumangalawa ang Emphatic na nagtala ng labing-tatlong punto
dalawampu't siyam na poryento (13.29%), pumangatlo ang Abusive na mayroong
labing-isang punto tatlumpu't anim na porsyento (11.36%), pumang-apat ang
Idiomatic na mayroong siyam na punto apat-na-pu't siyam na porsyento (9.49%), at
pumanglima ang Cathartic na nagtala ng anim na punto siyam-na-pu't anim na
porsyento (6.96%)
Talahanayan Blg. 2.3: Interpretasyon ng mga
FEU-NRMF SHS sa Pakyu na nakabatay sa
Teorya ni Steven Pinker
Interpretasyon ng mga FEU-
Bilang Bahagdan
NRMF SHS sa Pakyu

1.) Dyphemism 33 20.89%

2.) Abusive 50 31.65%

3.) Idiomatic 41 25.95%

4.) Emphatic 26 16.46%

5.) Cathartic 8 5.06%

TOTAL 158 100%

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 2.3, ang interpretasyon ng SHS sa FEU-NRMF sa murang Pakyu batay sa teorya ni
Steven Pinker ay Dyphemism, Abusive, Idiomatic, Emphatic at Cathartic. Ang
nangunguna sa mga interpretasyon ay ang Dyphemism na nakapagtala ng
dalawampung punto walumpu't siyam na porsyento (20.89%), pumangalawa ang
Abusive na nagtala ng tatlumpu't isang punto walumpu't siyam na poryento
(31.65%), pumangatlo ang Idiomatic na mayroong dalawampu't limang punto siyam-
na-pu't limang porsyento (25.95%), pumang-apat ang Emphatic na mayroong
porsyentong labing-anim punto apat-na-pu't anim (16.46%), at pumanglima ang
Cathartic na nagtala ng limang punto anim na porsyento (5.06%).
Talahanayan Blg. 2.4: Interpretasyon ng mga
FEU-NRMF SHS sa Ulol na nakabatay sa
Teorya ni Steven Pinker
Interpretasyon ng
mga FEU-NRMF Bilang Bahagdan
SHS sa Ulol
1.) Dyphemism 36 22.78%

2.) Abusive 57 36.08%

3.) Idiomatic 29 18.35%

4.) Emphatic 26 16.46%

5.) Cathartic 10 6.33%

TOTAL 158 100%

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 2.4, ang interpretasyon ng SHS sa FEU-NRMF sa murang Ulol batay sa teorya ni
Steven Pinker ay Dyphemism, Abusive, Idiomatic, Emphatic at Cathartic. Ang
nangunguna sa mga interpretasyon ay ang Dyphemism na nakapagtala ng
dalawangpu't dalawang punto pitumpu't walong porsyento, (22.78%), pumangalawa
ang Abusive na nagtala ng tatlumpu't anim na punto walong porsyento (36.08%),
pumangatlo ang Idiomatic na mayroong labing-walong punto tatlumpu't limang
porsyento (18.35%), pumang-apat ang Emphatic na mayroong labing-anim na punto
apat napu't anim na porsyento (16.46%), at pumanglima ang Cathartic na nagtala ng
Talahanayan Blg. 3: Ang Interpretasyon ng mga FEU-
NRMF SHS sa pagmumura batay sa sosyo-
lingwistikonng pananaw na nakapaloob sa Dyphenism

A. DYPHEMISM

Interpretasyon Weighted Ave. Rank

1.Nagmura dahil Minsan 2.34 1st


naka-away ang
kaibigan

2.Nagmura dahil Minsan 2.09 2nd


nandidiri sa isang
bagay

3.Nagmura dahil Minsan 1.72 3rd


pinagalitan ng
magulang

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 3, ang interpretasyon ng mga respondante sa pagmumura batay sa sosyo-
lingwistikonng pananaw na nakapaloob sa Dyphenism ay nagmumura sila kapag
may naka-away ang kaibigan na nakakuha ng pinakamataas na weighted average
na dalawang punto tatlumpu't apat (2.34) na may interpretasyon na minsan.
Pumangalawa, ang nagmumura dahil nandidiri sa isang bagay na nakakuha ng
dalawang punto siyamna weighted average (2.09) na may interpretasyon na
minsan, atpumangatlo ay ang nagmumura dahil pinagalitan ng magulang na
nakakuha ng isang punto pitumput dalawa weighted average (1.72) na may
Talahanayan Blg. 3: Ang Interpretasyon ng mga FEU-
NRMF SHS sa pagmumura batay sa sosyo-
lingwistikonng pananaw na nakapaloob sa Dyphenism

A. DYPHEMISM

Interpretasyon Weighted Ave. Rank

1.Nagmura dahil Minsan 2.34 1st


naka-away ang
kaibigan

2.Nagmura dahil Minsan 2.09 2nd


nandidiri sa isang
bagay

3.Nagmura dahil Minsan 1.72 3rd


pinagalitan ng
magulang

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan blg.


3, ang interpretasyon ng mga respondante sa pagmumura batay sa sosyo-
linggwistikonng pananaw na nakapaloob sa Dyphemism ay nagmumura sila kapag may
naka-away ang kaibigan, na nakakuha ng pinakamataas na weighted average na
dalawang punto tatlumpu't apat (2.34) na may interpretasyon na minsan.
Pumangalawa, ang nagmumura dahil nandidiri sa isang bagay, na nakakuha ng
dalawang punto siyam na weighted average (2.09) na may interpretasyon na minsan,
at pumangatlo ay ang nagmumura dahil pinagalitan ng magulang, na nakakuha ng
isang punto pitumput dalawang weighted average (1.72) na may interpretasyon na
Talahanayan Blg. 3.1: Ang Interpretasyon ng mga FEU-
NRMF SHS sa pagmumura batay sa sosyo-lingwistikonng
pananaw na nakapaloob sa Abusive Swearing

B. ABUSIVE SWEARING

Interpretasyon Weighted Ave. Rank

1.Nagmura para
manginsulto ng Minsan 2.49 1st
kaaway
2.Nagmura dahil
gustong ipahiya ang Minsan 1.87 3rd
isang tao

3.Nagmura para
Minsan 2.18 2nd
mang-asar ng kaklase

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 3.1, ang interpretasyon ng mga respondante sa mura ginagamit batay sa
sosyo-lingwistikong pananaw na nakapaloob sa Abusive Swearing ay nagmumura
sila para manginsulto ng kaaway na nakakuha ng pinakamataas na weighted
average nadalawa at apat-na-pu't siyam (2.49) na may interpretasyon na minsan.
Pumangalawa, ang nagmumura ang minsan nagmumura para mang-asar ng
kaklase na nakakuha ng dalawang punto at labingwalo weighted average (2.18)
na may interpretasyon na minsan at pumangatlo ang minsan nagmumura dahil
gustong ipahiya ang isang tao na nakakuha ng isang punto at walumput siyam
Talahanayan Blg. 3.2: Ang Interpretasyon ng mga FEU-
NRMF SHS sa pagmumura batay sa sosyo-lingwistikonng
pananaw na nakapaloob sa Idiomatic Swearing

C. IDIOMATIC SWEARING

Interpretasyon Weighted Ave. Rank

1.Nagmura upang
Minsan 1.79 3rd
tumawag ng pansin

2.Nagmura para
Minsan 1.9 2nd
makisabay sa uso

3.Nagmumura upang
Minsan 2.26 1st
magpatawa

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa


talahanayan bilang 3.2 ang interpretasyon ng mga FEU-NRMF SHS sa
pagmumura batay sa sosyo-lingwistikong pananaw na nakapaloob sa Idiomatic
Swearing ay nagmumura sila upang magpatawa, na nakakuha ng
pinakamataas na weighted average na dalawang punto dalawampu't anim
(2.26) na may interpretasyon na minsan. Pumapangalawa, ang nagmumura
para makisabay sa uso, na nakuha ng isang punto siyam-na-pung weighted
average (1.90) na may interpretasyon na minsan at pumangatlo ang
nagmumura upang tumawag ng pansin, na nakakuha ng isang punto pitumpu't
siyam na weighted average (1.79) na may interpretasyon na minsan.
Talahanayan Blg. 3.3: Ang Interpretasyon ng mga FEU-
NRMF SHS sa pagmumura batay sa sosyo-lingwistikonng
pananaw na nakapaloob sa Emphatic Swearing

D. EMPHATIC SWEARING

Interpretasyon Weighted Ave. Rank

1.Nagmura dahil may


Madalas 2.81 1st
nakalimutang gawin

2.Nagmura dahil
Madalas 2.75 2nd
nawalan ng gamit

3.Nagmura dahil
sumasakit ang isang Minsan 1.87 3rd
parte ng katawan

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa grap


bilang 3.4 ang interpretasyon ng mga FEU-NRMF SHS sa pagmumura batay sa
sosyo-lingwistikong pananaw na nakapaloob sa Emphatic Swearing ay
nagmumura sila dahil may nakalimutang gawin, na nakakuha ng pinakamataas
na weighted average na dalawang punto walumput isa (2.81) na may
interpretasyon na madalas. Pumangalawa, ang nagmumura dahil nawalan ng
gamit, na nakakuha ng dalawang punto pitumpu't limaweighted average (2.75)
na may interpretasyon na madalas, at pumangatlo ang nagmumura dahil
sumasakit ang isang parte ng katawan, na nakakuha ng isang punto walumpu't
pitong weighted average (1.87) na may interpretasyon na minsan.
Talahanayan Blg. 3.4: Ang Interpretasyon ng mga FEU-
NRMF SHS sa pagmumura batay sa sosyo-lingwistikonng
pananaw na nakapaloob sa Cathartic Swearing

E. CATHARTIC SWEARING

Interpretasyon Weighted Ave. Rank

1.Nagmura dahil
nakapasa sa isang Minsan 2.18 3rd
pagsusulit
2.Nagmura dahil
malapit na ang Minsan 2.23 2nd
bakasyon
3.Nagmura dahil
natapos na ang mga Minsan 2.47 1st
gawain

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik na iprenisenta sa talahanayan


blg. 3.4, ang interpretasyon ng mga respondante sa pagmumura batay sa
sosyo-lingwistikong pananaw na nakapaloob sa Cathartic Swearing ay
nagmumura sila dahil natapos na ang mga gawain, na nakakuha ng
pinakamataas na weighted average na dalawang punto apat-na-pu't pito (2.47)
na may interpretasyon na minsan. Pumangalawa, ang nagmumura dahil malapit
na ang bakasyon, na nakakuha ng dalawang punto dalawampu't tatloweighted
average (2.23) na may interpretasyon na minsan, at pumangatlo ang
nagmumura dahil nakapas sa isang pagsusulit na nakakuha ng dalawang punto
labingwalong weighted average (2.18) na may interpretasyon na minsan.
Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
Lagom
Ang pagmumura ay laganap sa ating
lipunan lalo na sa panahon ngayon.
Marahil ay kabilang na ito sa pang-araw-
araw na pakikipagbangayan ng isang
indibidwal sa pagharap niya sa mundo.
(Generoso, 2013) Ang pag-aaral na ito ay
tungkuling alamin ang mga sumusunod:
ang kadalasang murang ginagamit ng mga
FEU-NRMF SHS ,ang mga interpretasyon
FEU-NRMF SHS sa pagmumura batay sa
teorya ni Steven Pinker, at paano
ginagamit sa sosyo-lingwistikong pananaw
ang interpretasyon ng FEU-NRMF SHS sa
pagmumura.
Ang piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang
mga mag-aaral mula sa ikalabing-isang baitang sa
kasalukuyang semester ng FEU-NRMF SHS. Pinili ng
mananaliksik ang nasabing respondante dahil sila
ang nagrerepresenta ng mga kabataan.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga


pangkaraniwang mga mura na madalas gamitin ng
FEU-NRMF SHS ayon sa sarbey. Ito ay ang gago,
putang-ina, tanga, pakyu at ulol. Ang mga
sitwasyon ay nakabatay sa teorya ni Steven Pinker
na nakasaad ang mga kadahilanan ng pagmumura.
Naniniwala ang mga mananaliksik na dapat ay
bigyang-pansin ang ganitong paksa upang
madetermina ang pananaw ng FEU-NRMF SHS ukol
sa nagbabagong kalagayan ng pagmumura sa
lipunan.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa
disenyo ng pamamaraang deskriptibo. Sa
maraming uri ng deskriptibong
pananaliksik, ang Descriptive Survey
Research Design ang angkop na napili ng
mga mananaliksik. Ang nasabing uri ay
ginagamitan ng mga sarbey kwestyuner o
talanatungan na pupunan ng mga
respondente at siyang panggagalingan ng
mga datos.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga instrumento upang
makasigurado na makatwiran ang interpretasyon ng datos na
kanilang makukuha.

Tatlong sarbey-kwestyuner ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang


unang sarbey-kwestyuner ay nagbibigay kaalaman sa mananaliksik
kung ano ang madalas na mga mura na kanilang ginagamit. Ang
pangalawang sarbey-kwestyuner ay nagpapakita ng mga
interpretasyon sa kadahilanan ng pagmumura batay sa Teorya ni
Steven Pinker.

Ang teorya ni Steven Pinker ay nahahati sa limang kadahilan ng


pagmumura. Ang Dyphemism ay ang sinasadyang paggamit ng
mura upang mailabas ang matinding emosyon, Abusive swearing ay
ginagamit upang mang-insulto, Idiomatic swearing ay ginagamit
upang pang-agaw ng atensyon, upang ipakita na cool, Emphatic
Swearing ay ginagamit upang bigyang-diin ang isang bagay at
Cathartic Swearing ay ginagamit upang makapagbigay ng ginhawa.

Ang pangatlong sarbey-kwestyuner ay nagpapahiwatig kung gaano


kadalas ginagamit ang interpretasyon sa mura batay sa sosyo-
linggwistikong pananaw. Ang sagot ay masasagutan sa pamamagitan
ng Likert scale.
Konklusyon
Ayon sa nakalap na datos ng mga mananalisik, ang
pinaka kadalasang murang ginagamit ng mga FEU
NRMF SHS ay ang gago putang-ina, pakyu, tanga, at
ulol. Napag-alaman ng mga mananaliksik na
kadalasang ginagamit ng mga FEU-NRMF SHS ang
gago at putang-ina kapag sila ay naglalabas ng
matinding emosyon o ang Dyphemism. Napag-
alaman din ng mananaliksik na gumagamit naman
sila ng pakyu, tanga at ulol kapag nais nilang mang-
insulto ng kapwa o ang Abusive Swearing. Masasabi
natin na magagamit ang murang gago at putang-ina
kapag naka-away ang kaibigan habang ang pakyu,
tanga at ulol ay para makipag-insulto sa kaaway.
Konklusyon
Sa kabila ng pag usbong ng iba't ibang
pananaw ng lipunan sa pagmumura,
masasabi pa rin na ang nakasanayang
paniniwala sa pagmumura tulad ng pag
gamit nito upang mangbaba ng halaga ng
ibang tao o magpahayag ng damdamin ay
nananatili pa ring isa sa mga salik na
nakaka apekto sa kalagayan ng
pagmumura sa lipunan.
Rekomendasyon
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, iminumungkahi ng mga
mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal ang mga sumusunod na
rekomendasyon:

Maging isang magandang modelo bilang isang anak, kapatid, at


kaibigan sa pang-impluwesiya sa ibang tao na iwasan ang
magmura.

Dapat ipakita ang pagiging edukado sa sarili, huwag hayaang


masira ang imahe sa ibang tao.

Maging mapanuri sa mga salitang sasabihin dahil maaring hindi ito


katanggap-tanggap sa tenga ng iba.

Para sa mga magulang, dapat nilang pagsabihan ang mga anak nila
na hindi isang magandang gawain ang pagmumura.

Para sa mga guro, turuan nilang gumamit nang maayos na


pananalita ang kanilang mga estudyante.

You might also like