You are on page 1of 23

ABSTRAK

ABSTRAK
• Hango sa salitang ito sa LATIN na
ABSTRAKTUS na mula sa
PRANSENG drawn away or extract
from
ABSTRAK
• (Pananaliksik) Buod ng isang sulatin.
(Maaaring sa isang tesis, disertasyon o anumang uri
ng pananaliksik).
• Pormal ang tono dahil nakapaloob ang
pinakamahalagang punto ng pananaliksik.
(Hindi tinatawag na abstrak, halimbawa ang buod ng
isang pelikula o nobela).
ABSTRAK
• Buod ng pananaliksik na
karaniwan ay isang TALATA lamang
at higit hihigit sa TATLONG DAANG
MGA SALITA.
KARANIWANG LAMAN
NG ABSTRAK
- Sitwasyon o phenomenon na naging dahilan upang maging
interesado ang mananaliksik sa paksa.
- Pangkalahatang layunin at kahalagahan ng pananaliksik.
- Pangkalahatang perspektiba at batayang teoretikal /
konseptwal ng pananaliksik.
- Saklaw at limitasyon ng pananaliksik
- Pangunahing resulta at konklusyon at rekomendasyon ng
Pananaliksik.
ABSTRAK
Pamagat: SALIK SA PAGKAKAROON NG MOTIBASYON AT
DETERMINASYON SA NAPILING KURSO
NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR

Mananaliksik: Eana Joyce T. Castillo, Maria Maica S. Coronado, Jastine Mae R. del Mundo, Jose Mari L.
Esguerra, Jonna Beatriz L. Ligaya at Eugene T. Tupa

Institusyon: Pamantasang Centro Escolar


Lungsod ng Makati
March 2015

Tagapayo: Dr. Sharon K. Galang


Tsapter I. Ang layunin ng pag-aaral na ito…..
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ng salik sa
pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ayon
sa pamilya at relasyon sa kapwa ng mga mag-aaral ng Pamantasang
Centro Escolar.
Tsapter III. Sa pananaliksik na ito ginamit ang…..
Sa pananaliksik na ito ginamit ang paraang palarawan, ang
pangunahing instrumentong ginamit ay talatanungan upang makakalap
ng datos tungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon ng mga mag-aaral.
Tsapter IV. Sa pag-aaral na ito…..
Sa pag-aaral na ito, karamihan sa mga respondente ay mga labimpito
hanggang labinwalong edad na nagkaroon ng animnapu’t tatlong porsyento
(63%). Karamihan ng mga kababaihan na may pitumpu’t tatlong porsyento
(73%) at karamihan rin ay nasa kursong Bachelor of Science inTourism
Management na may dalawpu’t dalawang porsyento (22%).
Tsapter V. Sa kinalalabasan ng pag-aaral na ito…..
Sa kinalalabasan ng pag-aaral na ito ang salik sa pagkakaroon ng
motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa
pamilya ay ang presyur at ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon mula sa relasyon sa kapwa ay ang kasiyahan sa mga nakatakdang
gawain.
Tsapter V. Batay sa kinalalabasan ng isinagawang pag-aaral…..
Batay sa kinalalabasan ng isinagawang pag-aaral,
iminumungkahi na huwag masyadong magpaapekto sa
presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay ang
nakabubuti sa mga anak at ipagpatuloy lang ang
mabuting pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay
patuloy rin ang pagkakaroon ng motibasyon at
determinasyon sa pag-aaral.
TANDAAN
Isinusulat ang
ABSTRAK
matapos ang
isagawa na
PANANALIKSIK.
TAL U M PAT I
TALUMPATI
- Isang uri ng diskurso na
itinatanghal at binibigkas sa
mga tagapakinig o sa publiko.
TALUMPATI
- Uri ng pakikipagtalastasang pangmadla na
nagpapaliwanag, naglalahad, nagsasalaysay at
nangangatwiran sa paraang pabigkas.
- ( UP ) Pormal na pahayag sa harap ng publiko at
pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig.
Bakit mahalaga ang
TALUMPATI?
Mahalaga ang TALUMPATI
dahil ang kasanayang ito ay
magagamit habambuhay ng
isang tao.
ELEMENTONG TAGLAY NG
TALUMPATI
- Teksto
- Pagtatanghal
HINDI magiging talumpati
ang isang teksto kung hindi
ito binibigkas o binasa sa
madla.
MGA URI
NG
TALUMPATI
PINAGHANDAAN
/SINAULO
-Ang mga pahayag
nito’y nalapatan na ng
angkop na TINIG,
TINDIG AT KUMPAS.
BIGLAAN / DAGLIAN
- Ginagawa ng mabilisan
o walang paghahanda,
walang nakahandang
talumpati na isinaulo o
babasahin.
MALUWAG
- May tiyak na paksa o
tema.
-Ang paksang napili ay
idedebelop matapos
ang maikling panahong
paghahanda.
Maraming Salamat.....

MAGANDANG BUHAY

You might also like