You are on page 1of 20

ABSTRAK

MADILENE E. SUPAN
ABSTRAK
Buod ng nilalaman ng isang
saliksik o sulatin
KATANGIAN NG ABSTRAK

Nakabatay ang pagsulat nito


ayon sa pagkakasunod-sunod ng
saliksik
KATANGIAN NG ABSTRAK

Nakasulat sa
ikatlong panauhan
KATANGIAN NG ABSTRAK

Pawang katotohanan ang mga detalye


ayon sa ginawang saliksik
KATANGIAN NG ABSTRAK

Karaniwang hindi lalagpas


sa isang pahina
KATANGIAN NG ABSTRAK

Hindi ito nararapat na mapuno ng


mga salitang mahirap unawain
Kadalasan itong binubuo ng mga sumusunod na
pangunahing detalye:

• Rasyonale ng pag-aaral
• Pangkalahatang Suliranin
• Metodolohiya
• Resulta
• Kongklusyon at implikasyon
Mga uri ng Abstrak:
1. Kritikal na Abstrak- Ito ay lagom na bukod sa paglalarawan
at pagbibigay impormasyon tungkol sa nilalaman ng pag-
aaral, naglalahad din ito ng palagay o komento sa katapatan,
kawastuhan at kabuuan ng resulta ng naging pag-aaral.
Sinusuri ng mananaliksik ang resulta ng pag-aaral at
ikinukumpara ito sa iba pang pag-aaral na may magkatulad
na paksa.
Mga uri ng Abstrak:

2. Deskriptibong abstrak- Ito ay buod ng pag-aaral na


naglalarawan lamang sa pangunahing ideya ng isinagawang
pananaliksik. Ang ganitong uri ng abstrak ay naglalaman ng
layunin ng pag-aaral, metodolohiyang ginamit at ang saklaw
ng mismong pag-aaral..
Mga uri ng Abstrak:

3. Impormatibong Abstrak- Kadalasan, ito ang abstrak na


isinasagawa ng mga mananaliksik. Ito ay naglalaman ng mga
detalyeng katulad ng sa deskriptibong abstrak maging ang
resulta at kongklusyon ng isinagawang pag-aaral.
Mga uri ng Abstrak:

4. Pamukaw- Atensyon o Highlight Abstrak- Ito ay abstrak na


ang layunin ay pukawin ang atensyon ng mga mambabasa na
basahin ang pag-aaral. Hindi ito tahasang nagdedetalye sa
nilalaman ng ginawang pag-aaral kung kaya hindi gaanong
ginagamit sa pagsulat ng akademikong abstrak.
Basahin at suriin ang mga sumusunod na teksto at sagutin ang mga
gabay na tanong.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at
mabatid kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina
sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal.

Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative


method at ginamitan ng non random convenient sampling,
kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik
base sa “convenience”.
Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang
ina na may edad na labindalawa hanggang labingwalo na naninirahan
sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.

Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng


anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng
unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay
tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba
sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
Unang Talata: Rasyunale

Ikalawang Talata: Metodolohiyang ginamit

Ikatlong Talata: Saklaw at Delimitasyon

Ikaapat na Talata: Resulta ng pananaliksik at


Konklusyon
KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA
IKAAPAT NA TAON

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa


pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng
Pambansang Mataas na Paaralan ng Talavera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
pantanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang labinlimang (15) mga mag-aaral na
magrebyu sa ikaapat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng
mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu,ekstemperenyo.

Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa


pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha
ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang
pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang
kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa
pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating
ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na may kakulangan
sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral.
• Unang Talata: Rasyunal
• Ikalawang Talata: Saklaw at Delimitasyon
• Ikatlong Talata: Metodolohiyang ginamit
• Ikaapat na Talata: Resulta ng pananaliksik at Konklusyon

You might also like