You are on page 1of 17

FILIPINO SA

PILING
LARANG-
AKADEMIKS
Umisip ng mga
salitang
naglalarawan sa
dalawang
konsepto ng
salitang “abstrak”
na may
kaugnayan sa
pagpipinta at
salitang “abstrak”
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang iyong naging paglalarawan sa dalawang
konsepto?
2. Paano mo bibigyang-kahulugan ang abstrak na
ginagamit sa isang akademikong pagsulat?
3. Mula sa mga sagot na ibinahagi ng iyong kamag-aral,
ano ang mga karagdagang paglalarawan na iyong
natutuhan sa dalawang konseptong inilarawan?
Yunit 3.2: Mga Uri ng Abstrak

Yunit 3.3 Mga Hakbang sa


Pagsulat ng Abstrak
BALIK-TANAW..

1. Ano ang kahulugan ng


Abstrak?
2.Isa-isahin ang layunin at
katangian ng Pagsulat nito.
Mga Uri ng Abstrak
• Palarawan o Deskriptibong Abstrak
-Ito ay naglalarawan ng mga pangunahing ideya ng isang
pananaliksik. Nakapaloob sa deskriptibong abstrak ang
kaligiran, paksa ng papel, at layunin nito (The University of
Adelaide, 2014).
-Nagmimistulang balangkas ng pag-aaral ang deskriptibong
abstrak.
Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Ikalabindalawang Baitang sa mga
Pampublikong Paaralan
Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na mabigyang-linaw ang tiyak
na epekto ng social media sa mga mag-aaral partikular na sa
ikalabindalawang baitang sa mga pampublikong paaralan.
Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyang-pokus ang positibo at
negatibong epektong dulot nito sa 1) pag-aaral, 2) personal na
buhay, at 3)pakikipagkapuwa-tao ng mga mag-aaral. Tatalakayin
din sa papel na ito maging ang kahalagahan ng 1) tamang
paggamit ng social media at 2) pagkakaroon ng limitasyon sa
paggamit nito.
Mga Uri ng Abstrak
Pangkaalaman o Impormatibong Abstrak

Ang pokus ng impormatibong abstrak ay mailahad


ang mahahalagang ideya o datos mula sa
kabuuang pag-aaral. Nakapaloob dito ang paksa,
layunin, kaligiran, metodolohiya, kinalabasan ng
pag-aaral, at kongklusyon
Relasyon ng mga Salik ng Readability sa
Komprehensyon ng mga Mag-aaral sa
Tekstong Pagbasa sa Elementarya: Isang Pagsusuri
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa
pagsusuri kung may tiyak na relasyon ba ang
mga salik ng readability gaya ng a.) bilang ng
mga salita, b.) font, c.) font size, at d.)oras sa
komprehensyon o pag-unawa ng mga mag-
aaral sa tekstong binasa.
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay
mga piling mag-aaral mula sa baitang 5.
Pipili ang mananaliksik ng dalawang
seksyon mula sa nabanggit na baitang.
Pagbabasahin ng mananaliksik ang mga
mag-aaral ng isang teksto nang apat (4)
na beses.
.
Sa unang beses, ang materyal ay may
marami/kaunting bilang ng mga salita. Sa
ikalawang beses, ang materyal ay gagamitan ng
kakaibang font. Sa ikatlong beses, ang materyal
ay gagamitan ng maliit/malaking font. Sa ikaapat
na beses ay oorasan ang mga kalahok sa kanilang
pagbabasa. Gagamitin ding batayan ng
mananaliksik ang WIKAHON na isang
kagamitan sa pagbasa para sa elementarya
Ang pagsusuri sa readability ng teksto ay
makatutulong upang matugunan ang
pangangailangan sa kasanayan sa pagbasa ng
mga mag-aaral. Matapos ang mga isinagawang
pagsusuri, lumabas sa resulta ng pag-aaral ng
mananaliksik na magkaiba ang komprehensyon
ng dalawang seksyon na ginamitan ng
magkaibang mga salik ng readability.
Aralin 3: Mga Hakbang
sa Pagsulat ng
Abstrak
Ano-ano ang
mga hakbang
na dapat
isaalang-alang
sa pagsulat ng
abstrak?
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1.Isulat muna ang papel-pananaliksik.
2.Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
bahagi ng abstrak na tulad ng sa papel-
pananaliksik.
3.Bumuo ng borador ng abstrak.
4.Ipabasa sa kakilala ang abstrak na isinulat.
5.Rebisahin ang isinulat na abstrak.
PANGKATANG GAWAIN
Pagsulat ng Abstrak
-Mula sa nakalap na isang halimbawa ng tesis o
disertasyon. Basahin ang isang natapos na
halimbawa nito at subuking gawan ng abstrak
ang nasabing pag-aaral gamit ang mga gabay o
hakbang sa pagbuo ng abstrak.
Isaalang alang ang Rubrik sa
Pagmamarka:
• Organisasyon- 10pts
• Ideya at Nilalaman- 15 pts
• Pamimili ng Salita- 15pts
• Kombensiyon- 10pts
• Kabuoan- 50 pts.

You might also like