You are on page 1of 4

Republic

Republic of of
Department
the Philippines
the Philippines
of Education
Department of Education
Region V
Region V
9
Schools Division
SCHOOLS DIVISIONof Sorsogon
OF SORSGON
BAGACAY NATIONAL
BAGACAY NATIONAL HIGHHIGH
SCHOOLSCHOOL
Bagacay, Gubat, Sorsogon

FILIPINO
Banghay ng Maikling Kuwento

I. Panimulang Konsepto
Hilig mo ba ang pagbabasa ng mga kuwento? Tuwing nagbabasa ka
nauunawaan mo ba ang nilalaman nito? Kung Oo ang sagot mo tiyak na
kagigiliwan mo ang aralin na iyong pag-aaralan ngayon.
Ating susuriin ang maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo ng pagsulat ng awtor. Ang
mga kuwentong ating nababasa at napapanood ay naglalaman ng mensahe
na nais ipaabot ng manunulat. Maaari nating tingnan ang bawat detalye o
bahagi ng isang akda at ang ibubunga nito batay sa estilo ng manunulat.
Kung paano niya pinapagalaw at binibigyang buhay ang mga tauhan ayon
sa paksa.

II.Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC’s


Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkasunod-
sunod ng pangyayari at estilo ng pagsulat ng awtor. F9PS-Ia-b-41

III. Mga Gawain


A. Pag-aralan Mo.
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento at sagutin ang mga
sumusunod na gawain.

ANIM NA SABADO NG BEYBLADE

Buod ng Kuwento:
Sa kuwentong Anim na Sabado ng Beyblade, may isang batang lalaki
na may malalang sakit na nais salubungin ang kaniyang kaarawan bago
ang mismong araw na iyon. Ang kanyang ama ay suportado sa bawat
kagustuhan niya sapagkat ang batang ito (Rebo) ay talagang kinakailangang
alalayan.
Ang Bawat Sabado
Sa Unang Sabado ng Beyblade, tuwang-tuwa pa siya't marami siyang
regalong natanggap kasama na rito ang kanyang paboritong laruan, ang
beyblade.
Sa Pangalawang Sabado ng Beyblade, ipinasyal si Rebo ng kanyang
ama upang pumunta sa karnabal at maglaro roon. Ngunit hindi niya nais
magsayang ng oras kung kaya't hiniling niya sa kaniyang ama na agad nang
umuwi upang malaro niya na muli ang kaniyang beyblade.
Sa Pangatlong Sabado ng Beyblade, hirap na siyang gamitin ang
nasabing laruan, hindi na gaano itong nagsasalita at nakakalbo na ang
kanyang buhok. Sa tuwing siya'y naiinis ay bigla na lamang niyang
sasabunutan ang sarili hanggang sa tuluyang makalbo na nga ito.
Sa Pang-apat na Sabado ng Beyblade ay lagi na siyang tahimik at
hindi na niya malaro ang kanyang beyblade. Malapit na ang kanyang
kaarawan, naisip ng ama na dalhin ang kaibigan niya at pasayahin si Rebo
nang walang bayad.
Sa Pang-limang Sabado ng Beyblade, hinihintay ni Rebo na umuwi
ang kanyang ama para dalhan siya ng pasalubong ngunit pagdating ng
kanyang ama'y nasaksihan ng ama na pumanaw na ang kanyang anak.
Sinalubong ng buong mag-anak ang ikaanim ng Sabado nang wala
na ang beyblade at ang may-ari nito. Maginhawa na sa langit ang buhay ni
Rebo, habang nagluluksang tinanggap rin naman ng ama ang pagkawala ng
kanyang apat na taong gulang na anak.

B. Pagsanayan Mo.
Alamin mo at kilalanin ang mga pangyayari sa akdang anim na sabado ng
Beyblade. Gayahin ang chart at isulat ang sagot sa sagutang papel.

C. Tandaan Mo.
Nasuri ang maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo sa pagsulat ng awtor sa
pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa kabuuan ng kuwento.
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsusuri ng maikling
kuwento, sapagkat sa tulong nito ay mas nauunawaan natin ang kabuuang
nilalaman ng kuwentong binabasa natin.

D. Gawin Mo.
Basahin at Unawain.
Bangkang Papel
ni Genoveva Edrosa-Matute
(Bahagi Lamang)
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang
pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan.
Alam nilang kapag iyo‟y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang
patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang
tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel,
nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang
winawasak.
Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking
gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong
malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...

- Almae Solaiman. “BANGKANG PAPEL”.


Mga tanong:
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Tungkol saan kaya ang kuwento?

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

3. Saan nangyari ang kuwento?

4. Sino ang nagsasalita sa akda?

5. Paano isinulat ng awtor ang kuwento?

E. Pagtataya
Panuto: Maghanap at magbigay ng isang maikling kuwento. Isulat ang sagot
sa malinis na papel.

Suriin ito ayon sa


1. Paksa
2. Tauhan
3. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Estilo sa pagsulat ng awtor.

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

V. Sanggunian
Filipino Kwarter 1 – Modyul 5: Banghay ng Maikling Kuwento. Aileen B.
Forescal.et,al.

You might also like