You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 5 SY - 2023 - 2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Layunin Bilang Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan


ng Araw Aytem
1. Nakapagbibigay ng kayang tulong 5 13% 7 1-7
para sa nangangailangan
-Biktima ng kalamidad
2. Nakapagbibigay alam sa 5 13% 7 8-14
kinauukulan tungkol sa kahulugan at
iba pa (pagmamalasakit sa kapwa na
sinasaktan/kinukutya,binubully)
3. Naisasagawa ang paggalang sa 5 13% 6 15-20
mga dayuhan sa pamamagitan ng:
- Mabuting pagtanngap/ pag aasikaso
sa kanila
- Paggalang sa mga natatanging
kaugalian/paniniwala sa dayuhan
kakaiba sa kinagisnan
4. Nakakabuo at naipapahayag ang 5 13% 6 21-26
mabuting ideya/ opinyon
5. Naisasaalang-alang ang karapatan 5 12% 6 27-32
ng iba
6. Nakikilahok sa mga patimpalak o 8 20% 10 33-42
paligsahan
7. Nagagampanan ang buong husay 7 17% 8 43-50
ang anumang tungkulin sa programa o
proyekto gamit ang anumang
teknolihiya sa paaralan

40 100% 50
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 5 SY - 2023 - 2024

Pangalan: _______________________________________________________ Iskor: _________

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
bago ang numero

1. Napansin mong tila gumagalaw ang pintuan ng inyong silid. Di ito namamalayan ng iba mong
kamag-aral at ng inyong guro. Sigurado kang lumilindol ano ang yong unang gagawin?

A. Ipagwawalang bahala ko na lang ito.


B. Hindi ko na lang ito sasabihin sa aking guro.
C. Sasabihin ko ito sa aking guro.
D. Tatakbo ako at lalabas ng silid-aralan na mag-isa.

2. Dahil sa super-typhoon "Ompong" marami


sa ating mga kababayan ang nasalanta ng bagyo.
Napagpasyahan ni Victor na magrepack at mamahagi ng pakain para sa mga nasalanta ng bagyo.
Kung ikaw si Victor tutulong ka rin ba?

A. Oo, dapat tayong tumulong sa mga nangangailangan sa oras ng sakuna.


B. Oo, para makaipon ng tirang pagkain at iuuwi ko sa amin.
C. Hindi dahil wala naman akong bayad kung tutulong ako.
D. Hindi wala akong pakialam sa ibang tao.

3. Patuloy na tumataas ang baha sa inyong lugar dahil sa walang tigil ang malakas na ulan dulot ng
habagat. Marami sa mga biktima ay nawalan ng tirahan, damit at pagkain. Ano ang gagawain mo
upang maibsan ang nararasanasan na hirap at gutom ng ibang tao?

A. Hindi ko sila papansinin.


B. Magbibigay ako ng tulong sa kanila.
C. Pababayaan ko lang silang magutom.
D. Tatawanan ko lang sila.

4. Napanood ni Chester sa telebison ang nangyaring pagbaha sa kanilang probinya. Agad nitong
tinipon ang mga hindi na niya ginagamit na maayos na damit at ilang de lata upang ipadala sa mga
binaha. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?

A. Mali, hindi siya dapat magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.


B. Mali, sayang lamang ang damit at delata na ipadadala niya.
C. Tama, dahil napilitan lamang siyang magbigay ng tulong.
D. Tama, dapat tayong magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

5. Pinagtawanan lamang ni Onay ang isang matandang babae na naipit ng malaking gusali ng dahil
sa lindol. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?

A. Mali, dapat tumawa siya kapag wala ng nakakakita sa kanya.


B. Mali, hindi niya dapat pagtawanan ang matandang babae dahil maling asal ito.
C. Tama, dahil mabagal kumilos ang matanda kaya siya naipit sa malaking gusali.
D. Tama, dahil tanga ang matanda kaya siya naipit sa malaking gusali.

6. Nakita mong nasusung ang bahay ng iyong kaibigan. Natatakot kang pasukin ito dahil sa agam-
agam na baka makulong kang apoy sa kanilang bahay. Ano ang gagawin mo?

A. Aalis na lang ako para hindi ko makita ang sunog.


B. Pababayaan ko sila.
C. Panonoorin ko ang nasusunog na bahay.
D. Tatawag ako ng bumbero.

7. Biglang lumindol ng malakas at mabilis kang nakatakbo kasama ang iyong guro at kamag-aral
palabas ng silid-aralan. Ikaw ang pangulo sa klase at ikaw ang inatasan na magbantay sa iyong mga
kamag-aral napansin mong isa sa iyong kamag-aral ang wala. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi ko ito sasabihin sa aking guro.


B. Hindi ko nalang papansinin ang aking nakita.
C. Magkukunwari akong hindi ko alam na kulang kami.
D. Sasabihin ko sa aking guro na wala ang isa sa amin.

8. Dahil salat sa pera nahinto sa pag-aaral si Loki at sapilitan siyang pinagtatrabaho ng maghapon ng
kanyang ama sa pangangalakal, habang ang kanyang ama ay naglalasing lamang maghapon. Tama
ba ang ginagawa ng ama ni Loki? Bakit?

A. Mali, responsibilidad ng magulang na papag-aralin at alagaan ang kanyang anak.


B. Mali, dapat silang dalawa ang maghanap-buhay.
C. Tama, para may pambili siya ng alak.
D. Tama, para matuto na siyang kumita ng pera sa murang edad athuwag ng mag-aral.

9. Napansin ni Sif na pinipilit kuhanin ni Mooi ang cellphone ni Victor sa kanyang bag. At nauwi na ito
sa pagtatalo. Agad na tinawag ni Sif ang kanilang guro upang maagapan ito. Tama ba ang naging
desisyonni Sif? Bakit?

A. Mali, dapat pinabayaan na lang niya na magtalo ang dalawa.


B. Mali, hindi niya dapat tinawag ang guro.
C. Tama,para sumikat siya sa kanilang klase.
D. Tama, para hindi na lumala pa ang usapan.

10. Si Myla ay matalik mong kaibigan. Lagi siyang sinasaktan ng walang dahilan ng kanyang ina
kapag ito ay natalo sa sugal. Bilang kaibigan paano mo siya tutulungan?

A. Ilwasan ko na lang siya.


B. Hindi ako makikialam sa problema niya.
C. Hindi ko na lang papansinin ang kanyang sinabi.
D. Tutulungan ko siyang magsumbong sa kinauukulan.

11. Habang naglalakad ka papunta sa tindahan napansin mo ang isang masamang loob na pinipilit
kuhanin ang lahat ng pera sa walet ng matandang lalaki. Agad kang nagsumbong sa mga pulis na
nag-iikot sa inyong barangay. Tama ba ang iyong ginawa?

A. Mali, dapat pinabayaan na lang niya yung matandang babae.


B. Mali, hindi siya dapat makialam.
C. Tama, para bigyan ako ng pera ng matandang lalaki.
D. Tama, para mahuli ng mga kaniuukulan ang mga masasamang loob.

12. Araw-araw ay naririnig ni Nathalie si Mang Oliver na kanilang kapitbahay na sinasaktan ang
kanyang anak. Nagsasawalang kibo na lamang siya dahil takot siyang madamay. Tama ba ang
kaniyang ginagawa?

A. Mali, dapat pagsabihan niya si Mang Oliver.


B. Mali dapat siyang magsumbong sa kinauukulan sa kanyang naririnig.
C. Tama, hindi siya dapat makialam dahil baka siya pa ang saktan nito.
D. Tama, para hindi na lang siya madamay sa guio.

13. Nakita ni Regine na nagtatalo ang magkaibigang Ai-Ai at Lani. Dahil lamang sa isang pustahan at
mukhang nauuwi na ito sa sabunutan. Kaagad na nagpunta sa pinakamalapit na prisinto ng pulis at
ipinaalam ang pangayayari, kung ikaw si Regine gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

A. Hindi, dahil baka madamay pa ako.


B. Hindi, panonoorin ko silang magkagulo para masaya
C. Oo, para hindi na lumala pa ang usapan.
D. Oo, para sumikat ako.

14. Si Mulagat ay may kapansanan sa mata. Lagi na lamang pinagtatawanan ng iyong kamag-aral sa
tuwing ito'y nakikita. Bilang kaibigan paano mo siya matutulungan?
A. Aawayin ko ang aking mga kakiase.
B. Mumurahin ko ang aking mga kaklase.
C. Pababayaan ko na lang na pagtawanan nila ang aking kaibigan.
D. Sasabihin ko sa kanila na mali ang kanilang ginagawa sa taong may kapansanan.

15. Dahil sa pananalasa ng bagyong "Ompong" sa Cagayan. Maraming dumating na mga dayuhan
na nagbigay ng malaking donasyon sa paaralan nina Janelle at Shane, kaagad nagbigay ang
paaralan ng bulaklak para sa mga ito bilang pasasalamat. Tama ba ang kanilang ginawa?

A. Hindi na dapat pa silang bigyan ng bulaklak.


B. Hindina dapat silang pansinin.
C. Oo, marapat lamang na sila ay pasalamatan dahil sa tulong na ibinigay nila.
D. Oo, para bigyan din sila ng pera.

16. Laging tinutukso si Eloy ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang panlabas na anyo. Dahil siya
ay anak ng Negro. Ano ang gagawin mo?

A. Makikisali na rin ako sa panunukso sa kanya.


B. Pababayaan ko lang na tuksuhin si Eloy.
C. Pagtatawanan ko ang kanyang panlabas na anyo.
D. Sasabihin ko sa aking mga kaklase na hindi tamang mambastos sa kapwa natin anuman ang
kanyang panlabas na anyo.

17. Habang naglalakad sa daan si Edrose nasalubong niya ang isang dayuhang nagtatanong ng
direksyon patungong "Lubao Bamboo Hub". Hindi niya ito pinansin. Tama ba ang kanyang ginawa?

A. Mali, dapat sinagot niya ito at humingi ng malaking halaga ng pera.


B. Mali, kasi binastos niya ang dayuhang nagtatanong.
C. Tama, kasi hindi naman natin sila kalahi.
D. Tama, kasi hindi naman niya ito kilala.

18. Mayroong dayuhang naghahanap sa iyong ama. Ano ang gagawin mo?
A. Babastusin ko siya.
B. Di ko siya papansinin .
C. Pakikitunguhan ko siyang mabuti.
D. Palalayasin ko siya.

19. Nakaranas ng hagupit ng bagyo ang inyong iaiawigan, maraming napinsalang pananim. Ang
iyong ama ay isang gobernador sa inyong lalawigan. Maraming donasyon ang dumating, Biglang
dumating ang mga dayuhang katutubo humihingi ng tulong dahil sa kanilang sinapit.
Bibigyan mo ba sila? Bakit?

A. Hindi, pababayaan ko silang magutom.


B. Hindi, wala akong pakialam sa kanila.
C. Oo, bibigyan ko sila pagkatapos ay papapagtrabauhin ko sila.
D. Oo, dahil kahit dayuhan sila kailangan ko silang tulungan at irespeto.

20. Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Patron sa inyong barangay. Maraming namamalimos
na mga Ita. Marumi ang kanilang pangangatawan. Ano ang gagawin mo?

A. Ipagtatabuyan ko sila.
B. Hindi ko sila papansinin.
C. Sisigawan ko sila para umalis sa aming barangay.
D. Tutulungan ko sila at irerespeto.

21. Patungong kantina ang magkaibigang sina Solenn at Rhian ng makapulot sila ng bag. Binalak ni
Solenn na itago na lamang ang bag ngunit hindi pumayag si Rhian. At pinayuhan ang kanyang
kaibigan na ibigay ito sa Lost and Found. Tama ang naging opinyon niRhian? Bakit?

A. Hindi, dahil hindi naman nila nakita ng may-ari.


B. Hindi, dahil pwedi na nilang paghatiin ang pera sa loob ng bag.
C. Opo, dahii hindi tamang kumuha ng bagay na hindi sa iyo.
D. Opo, dahil kapag hindi nila nakita ang may-ari sa bag ay ibebenta nila ito .
22. Si Pepito ang pangulo ng grupo at ipinipilit niya ang kanyang ideya sa guro gayong alam niyang
malaki ang magagastos dito kumpara sa ideya ni Tommy at iba pang miyembro na mababa ang
gastos. Kung ikaw ang guro kaninong ideya ang pipiliin mo?

A. Kay Pepito dahil wala naman akong pakialam sa gagastusin nila kahit malaki pa.
B. Kay Pepito dahil siya ang pinuno ng grupo.
C. Kay Tommy para magkagulo sila at tataasan ko ang halaga ng kanilang gastos.
D. Kay Tommy at sa iba pa nilang kasamahan dahil ang mababang gastos lamang ang kaya ng
nakararami.

23. Ibinigay ni Ashley ang kanyang pinal na desisyon bilang lider sa pagpupulong kahit alam niyang
di-sang-ayon ang mas nakakarami. Kung ikaw si Ashley tutularan mo ba ang kanyang ginawa?
Bakit?

A. Hindi dahil kailangan mo ang iyong kagrupo para maging matagumpay ang isang proyekto.
B. Hindi, sasabihin ko na palitan nila si Ashley bilang lider.
C. Oo, dahil hindi ko naman pakikinggan ang kanilang ideya.
D. Oo, kailangan nilang sumunod sa aking desisyon dahil ako ang lider ng grupo.

24. Si G. Manansala punung guro sa mababang paralan ng Sta. Cruz ay nag-anunsiyo na tatanggalin
na sa kantina ang lahat ng mga panindang hindi masusustansiya gaya ng junkfood, tetra pack na
juice at marami pang iba. Alam mo sa sarili mo na ito ay ilan lamang sa mga paborito mong kinakain.
Sang-ayon kaba sa ideya ng inyong punung guro? Bakit?

A. Hindi dahil ito lang ang nagpapasaya sa mga batang tulad ko.
B. Hindi dahil ito lang ang binibili ko sa kantina.
C. Opo, dahil alam ko na wala naman talagang mabuting maidudulot sa aking katawan ang
junkfoods.
D. Oo, sang-ayon ako pero bibili nalang ako sa labas ng paaralan.

25. Upang makapagkopya ng malinaw at mabuting opinion o ideya kailangan ang malinis na puso at
isipan. Sang -ayon ka ba? Bakit?

A. Hindi dahil wala akong pakialam kahit may nasaktan pa sa aking mga opinyon o ideya.
B. Hindi na kailangan pa ng malinis ang puso at isipan ko dahil hindi ko na kailangan pang isipin ang
kapakanan ng ibang tao.
C. Oo, dahil kapag malinis ang aking puso at isipan ay hindi ko lang lisipin ang aking sarili bagkus
ang opinyon ko ay para sa ikakabuti ng nakakarami.
D. Oo, sasang-ayon ako dahil napipilitan lamang ako.

26. Bilang lider ng grupo iminungkahi ni Boss Madam na magbigay ng iba't-ibang ideya sa kanyang
mga miyembro para sa kanilang gagawing proyekto. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?

A. Mali, dahil siya lang ang dapat masunod sa grupo.


B. Mali, dapat siya lang ang magbibigay ng ideya dahil siya ang lider ng grupo.
C. Tama, dahil kailangan ang ideya ng bawat miyembro ng grupo para maging matagumpay ang
isang proyekto.
D. Tama, para mapansin siya ng kanyang miyembro.

27. Si Euan ang lider ng grupo sa paggawa ng proyekto pero binibigyan niya ng pagkakataon ang iba
niyang kagrupo para makatulong sa paggawa ng proyekto. Tama ba ang kanyang ginagawa.

A. Hindi dahii makakaguio lamang ang kanyang kagrupo sa paggawa ng proyekto.


B. Hindi dahil siya ang lider dapat siya lamang ang gumawa nito.
C. Oo, dahil kailangan niyang bigyan ng pagkakataon ang iba upang makapagpahinga siya.
D. Oo, dahil inirerespeto niya ang karapatan ng ibang tao na makatulong sa paggawa ng proyekto.

28. Si Justine ay naglalaro sa loob ng kanilang bahay. Kapag may nagpapahinga siya ay tumitigil sa
paglalaro. Kung ikaw si Justine titigil ka din ba sa paglalaro tulad niya?

A. Hindi ako titigil sa paglalaro kahit na may nagpapahinga.


B. Hindi magkukunwari akong hindi ko sila nakikitang nagpapahinga.
C. Oo titigil ako pero sandali lamang at maglalaro din ako.
D. Oo dahii kailangan natin irespeto ang kahit sino kung siya y nagpapahinga.

29. Bago inilipat ni Jade Ivan sa ibang channel


ang telebisyon ito ay nagpapaalam muna sa kanyang kaibigan. Dapat bang tularan si Jade Ivan sa
kanyang ginagawa? Bakit?
A. Hindi dahil ililipat ko ang channel kung saan ko ito gustong panoorin.
B. Hindi dahil wala akong pakialam sa mga kasama kong nanonood.
C. Oo, dahil iginagalang niya ang iba pang nanonood ng telebisyon.
D. Oo, paminsan minsan pwede siyang tularan.

30. Araw ng Linggo napag-usapan nina Suseth at Beth na magsimba. At sa loob ng simbahan sila ay
nagkukwentuhan lamang habang nagmimisa ang pari. Tama ba ang kanilang ginagawa?

A. Hindi dahil kailangan nilang irespeto ang mga taong nakikinig sa misa.
B. Hindi siguro tama ang kanilang ginagawa.
C. Tama dahil ito ang oras nilang mag-usap ng matagal.
D. Tama dahil ayaw nilang makinig ng misa.

31. Nakita mong natutulog ang Lola Nelia mo sa kanyang silid, habang ikaw ay nakikinig ng malakas
na tugtog sa cellphone mo. Ano ang gagawin mo?

A. Hihinaan ko ang cellphone.


B. Kakanta ako ng malakas para magising siya.
C. Lalakasan ko ang cellphone para magising siya.
D. Magkukunwari akong hindi ko alam na may natutulog.

32. Galing kayo sa paglalaro ng iba mong kamag-aral. Maingay kayong pumasok sa silid-aralan.
Nagbabasa ang inyong mga kaklase ng aklat sa isang sulok ng silid-aralan? Ano ang gagawin mo?

A. Aawayin ko yung mga nagbabasa.


B. Mag-iingay ako.
C. Tatahimik kami,
D. Tutuksuhin ko yung mga nagbabasa.

33. Nabasa mo sa anunsiyo na may gaganaping paligsahan sa pag-awit sa inyong barangay.


Ngunit kakaunting premyo lamang ang matatanggap ng mananalo. Sasali ka pa rin ba sa
paligsahan? Bakit?

A. Hindi na mapapagod lang ako.


B. Hindi na kasi kakaunting premyo lang ang ipamimigay sa mananalo.
C. Oo, kailangan ko kasi ng pera.
D. Oo maliit man ang premyo ay maibabahagi ko ang aking talento sa aking barangay.

34. Magkakaroon ng paligsahan sa pagandahan ng silid-aralan sa inyong paaralan. Inalok ka ng


yong mga kakiase na mamuno sa kaniia upang makasaii kayo sa paligsahan. Tatangapin mo ba ang
kanilang alok? Bakit?

A. Hindi dahil ayokong sumali sa paligsahan.


B. Hindi, dahil mapapagod lang ako.
C. Oo, dahil gusto kong makiisa at makibagay sa aking mga kaklase.
D. Oo, dahil gusto kong mapansin ng aking mga kaklase.

35. Napili ka para lumahok sa Quiz-Bee sa Division Level. Marami kang nakilalang mga bagong
kaibigan mula sa iba't - ibang paaralan. Ngunit hindi ka pinalad na manalo. Ano ang gagawin mo
tungkol sa ganitong sitwasyon?

A. Hindi ko na papansinin pa ang mga nakilala ko.


B. Magagalit ako sa mga nanalo.
C. Magiging masaya pa rin ako dahil kahit natalo ako nagkaroon naman ako ng maraming kaibigan.
D. Magmumura ako.

36. Natalo sa paligsahan ng sayaw ang grupo ni Baste at tinanggap nila ng maluwag sa kanilang
kalooban ang kanilang pagkatalo. Tama ba ang kanilang ginawa? Bakit?

A. Mali, dapat silang manggulo sa paligsahan.


B. Mali, dapat nilang awayin ang mga hurado sa paligsahan.
C. Tama, dapat lang na tanggapin nila ang kanilang pagkatalo at magsilbi itong daan para lalo nilang
paghusayan sa susunod na paligsahan.
D. Tama, dapat nilang tanggapin para dumami ang kanilang mga tagahanga.
37. Nagkaroon ng paligsahan sa larong agawan ng panyo. Nananalo na ang kabilang pangkat kaya
naisip mo na itulak ang isa sa mga kalaban para siya ay madapa at ititigil na ang laro. Tama ba ang
iyong naisip?

A. Mali, dahil hindi tamang manakit ng kapwa sa anumang paligsahan.


B. Mali, dahil sa paligsahan ay laging may dayaan.
C. Tama para makaganti kami dahil natatalo na kami.
D. Tama para kami na ang manalo sa laro.

38. Isinali ka ng iyong guro sa grupo ng mga mananayaw ngunit hindi ka gaanong marunong
sumayaw. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi ako darating sa araw ng paligsahan.


B. papahiya ko ang aming grupo sa araw ng paligsahan.
C. Magagalit ako sa aking guro dahil sinali niya ako.
D. Sasali ako at gagawin ko ito ng buong husay.

39. Si Bosing ay may talento sa pagguhit. Magkakaroon ng paligsahan sa sining sa ibang paaralan.
Siya ang napiling kinatawan ng inyong paaralan. Kung ikaw si Bosing tatanggapin mo ba ang alok?
Bakit?

A. Hindi dahil natatakot ako sa paligsahan.


B. Hindi, dahil mapapagod lang ako.
C. Oo, dahil gusto ko pang mapaunlad ang aking talento sa pagguhit.
D. Oo, para mapansin ako sa paaralan.

40. Si Elsa ay itinanghal na nanalo sa patimpalak sa larangan ng siyensiya. Dahil siya ang nakakuha
ng pinakamataas na iskor. Ngunit ng ibalik ang kanyang papel nakita niyang mali ang bilang ng
kanyang iskor at ito ay sumobra. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Ipagyayabang na siya ang nanalo.


B. Mananahimik na lang siya.
C. Pababayaan na lang ang iskor.
D. Sasabihin ang totoo na mali ang kanyang iskor.

41. Nagkaroon ng paliga sa basketbol ang inyong barangay, nanalo ang inyong kalaban. Sinabi mo
na kaya lang siya nanalo ay dahil sa pandaraya. Tama ba ang iyong sinabi? Bakit?

A. Mali, dapat sinabi mo sa susunod na laban kayo naman ang mananalo.


B. Mali, dapat tanggapin ng buong puso ang pagkatalo sa ano mang paligsahan.
C. Tama, para mainis namin sila.
D. Tama dahil alam kong kami lang ang magaling.

42. Sa unang pagkakataon magkakaroon ng tagisan ng talino sa pagluluto sa inyong asignatura sa


EPP. Sinabi ng guro na huwag lagyan ng vetsin ang iluiutong adobo ngunit ang iyong grupo ay
madaya at kayo ang nanalo. Ano ang dapat mong gawin?

A. Hindi ko sasabihin sa aming guro ang aming ginawa.


B. Hindi na lang ako magsasalita.
C. Mag sasaya ako.
D. Sasabihin ko sa guro na nandaya kami.

43. Dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Physical Fitness ng mga mag-aaral, ang bawat pangkat ay
magkakaroon ng presentasyon na sayaw gamit ang pinag-halong musika o remix. Ano ang gagawin
mo?

A. Gagalingan ko ang pagsayaw gamit ang pinaghalu-halong musika.


B.
Hindi ako sasayaw ng maayos.
C. Hindi ako susunod sa musika.
D. Hindi na lang ako dadalo sa pagdiriwang.

44. Ang pamunuan ng School Pupil Govrnment (SPG) ay nagkaroon ng pagpupulong tungkol sa
gagawin nilang proyekto. Nais ng inyong punong-guro na ilahad nang malinaw ang inyong proyekto
sa lahat ng mga mag-aaral sa susunod na "Flag raising Ceremony. Ano ang gagawin mo para
mailahad nang maayos at malinaw ang inyong proyekto?
A. Magpapaturo kami sa paggamit ng computer at projector upang mabasa ng mga mag-aaral ang
aming proyekto.
B. Magtutulakan kami sa harap ng mga mag-aaral dahil nahihiya kaming magsalita sa maraming tao.
C. Magsasalita na lang kami ng mabilis sa harap ng mga mag-aaral.
D. Mag-uunahan kami sa pagsasalita sa harapan ng mga mag-aaral para agad kaming matapos
You sent
45. Sa asignaturang Araling Panlipunan, tinalakay ng guro ang mga sikat na tanawin sa ating bansa
upang lubos na maunawaan ang aralin nagkaroon sila ng film viewing tungkol sa
ng kanilang guro? Bakit?
magagandang tanawin sa Pilipinas. Sa iyong palagay nakatulong ba sa mga bata ang ginawa

A. Hindi dahil wala naman maitutulong ang makabagong teknolohiya.


B. Hindi dahil nakakasira lang ito sa kanilang pag-aarai.
C. Oo dahil mas maiintindihan nila ang aralin gamit ang makabagong teknolohiya.
D. Oo dahil makapagpapahinga kami sa panonood ng film viewing.

46. Nagbigay ng takdang-aralin ang guro ni Chester Leigh ngunit hindi niya alam sagutin. Mayroon
silang computer at internet sa bahay ngunit tamad siyang gumamit ng mga ito. Kaya hindi na lang
siya gumawa ng kanyang takdang aralin. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?

A. Hindi dahil sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya maaari na niyang mahanap


ang mga aralin na hindi niya maiintindihan.
B. Hindi dahil pagkatapos niyang gumawa ng takdang aralin pwede pa siyang maglaro ng computer
tulad ng "counter strike".
C. Tama para hindi na lang siya matutong gumamit ng makabagong teknolohiya.
D. Tama para hindi na lang siya aksayado sa paggamit ng kuryente.

47. Ang mga mag-aaral ay nagdiwang ng Science Month sa kanilang paaralan, gumamit sila ng
computer at internet para mangalap ng mga proyektong maaaring gawin gamit ang mga patapong
bagay. Tama ba ang kanilang ginawa?

A. Mali, dahil sinayang nila ang oras sa paggamit ng internet.


B. Mali dahil mapapagod lang silang maghanap sa internet.
C. Tama, dahil gumamit sila ng makabagong teknolohiya para makagawa ng magandang proyekto sa
mga patapong bagay.
D. Tama, dahil malilibang pa sila sa paglalaro ng iba't ibang games.

48. Sa Araw ng mga Bayani ay magkakaroon ng pagdiriwang at programa ang inyong klase.
Bawat pangkat ay magkakaroon ng presentasyon tungkol sa pagpapahalaga sa ating mga bayani.
Bilang natasang lider ng pangkat ano ang gagawin mo upang magampanan ng buong husay ang
iyong tungkulin? Bakit?

A. Gagamit ako ng internet upang maibahagi namin ng tama ang mga detalye tungkol sa mga bayani.
B. Magsusulat na lang ako kahit ano para may masabi lamang ang aking miyembro.
C. Pababayaan kong gumawa ng mag-isa ang aking mga miyembro.
D. Wala akong gagawin dahil ayokong mapagod.

49. Bilang pakikiisa sa National Earthquake Drill gumamit ng computer at internet ang gurong
tagapag-ugnay sa DRRMC upang ipakita sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin bago, ,habang at
pagkatapos ng lindol? Tama ba ang kanyang ginawa?

A. Hindi ko alam
B. Mali
C. Siguro tama
D. Tama

50. Bilang pangulo ng inyong klase, inatasan ka ng iyong guro na mag-ulat ng asignaturang Araling
Panlipunan tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas ngunit kulang ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.
Ano ang gagawin mo?

A. Isusulat ko lang kung ano ang malalaman ko tungkol sa aralin.


B. Liliban ako sa araw na ibinigay na ako ay mag-uulat.
C. Maghahanap ako ng mga detalye gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng computer.
D. Magkukunwari akong may sakit sa loob ng klase sa araw na ako'y mag-uulat.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
CABALANTIAN ELEMENTARY SCHOOL
BACOLOR NORTTH DISTRICT

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 5 SY - 2023 - 2024

ANSWER KEY

1. C 26. C
2. A 27. D
3. B 28. D
4. D 29. C
5. B 30. A
6. D 31. A
7. D 32. C
8. A 33. D
9. D 34. C
10. D 35. C
11. D 36. C
12. B 37. A
13. C 38. D
14. D 39. C
15. C 40. D
16. D 41. B
17. B 42. D
18. C 43. A
19. D 44. A
20. D 45. C
21. C 46. A
22. D 47. C
23. A 48. A
24. C 49. D
25. C 50. C

You might also like