You are on page 1of 2

Luzonian Center of Excellence for Science and Technology (LCEST) Inc.

Mga 3rd Floor.Bose Bldg., Maharlika Highway, Brgy.Kanluran, Calauan, Laguna


E-mail: lcest.calauan@yahoo.com, lcest.calauan@gmail.com Tel: (049)557-6707

Modyul 7 : Pagsulat ng Talumpati


Layunin
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Natutukoy ang mga wastong hakbangin sa pagsulat ng talumpati;
2. Nakasusulat ng sariling talumpati batay sa mga wastong hakbagin sa pagsulat nito
3. Nabibigyang halaga ang mga tuntunin sa maayos at wastong pagsulat ng isang mabisang talumpati.

Aralin
PAGSULAT NG TALUMPATI

Naaala mo pa ba ang kahulugan kung ano ang isang Talumpati? Ano kaya ang mas madali? Ang pagbabasa
nito o ang pagsusulat?

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na nangangatwiran, or tumatalakay ng isang paksa para sa


tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at
katatagan ng kanyang paninindigan. Sa paghahanda nito kinakailangang tandaan na anag isang mahusay na
talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, nakahihikayat ng mga
konsepto at paninindigan sa mga manonod at tagapakinig.

Sa pagsulat ng Talumpati ay dapat isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na salita na magiging kaaya-
aya at mauunawaan ng tagapakinig. Maghanda ng isang balangkas ng paghahanda at pagbubuod ng talumpati
Simulan ang pagsulat ng introduksyon. Isulat rin ang konklusyon.

Mga Gabay sa Paggawa ng Talumpati

1. Pagpili ng paksa-kailangang suriin ang sarili kung ang paksang naplili ay saklaw ang kaalama, karanasan at
interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales-kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na
gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng
mga impormasyon ay ang dating kaalamanat mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing
kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya-ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
Ang pagsulat ng Simula
4. Paglinang ng mga kaisipan-dito nakapaloob ang mga mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga
pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.

Ang talumpati ay handa ng sulatin kapag naihanda na ang balangkas. Ang talumpati ay tulad rin ng
anupamang komposisyon na may simula, pinakakatawan at wakas.

Ang Pagsulat ng Simula


Ang isang magandang simula ay yaong nakaakit ng pansin sa madla. Ang pag-akit sa nakikinig sa
pamamagitan ng mapang-akit na simula ay maisasagawa sa ibat-ibang paraan. Maaring simulant ang talumpati sa
pamamagitan ng isang dipangkaraniwang pahayag isang pagtatanong, isang naangkop na anekdota o isang
pagpapatungkol sa okasyon.

Ang Pagsulat ng Pinaka-katawan


Ang pinaka-katawan ng talumpati ang nagtataglay ng mga mahahalagang kaisipang ninanais ihatid sa mga
nagtatalumpati. Sa pagbuo ng pinkakatawan ay maaaring sundin ang mga paraan pagbubuo o pagpagpahayag ng
kaisipan na tinatalakay sa leksiyon sa ilalim ng sanaysay. Upang ang katawan ng talumpati ay maging makabuluhan at

Modyul para sa Petsa ng Paggawa: HULYO 2022 MODYUL 7


Pahina
Filipino Sa Piling Larang (Akademik) Inihanda ni: Giselle M. Mata
1 of 2
Grade 12 - ABM Sinuri ni: Arnel S. Gallo
kapanipaniwala ito ay dapat magtaglay ng mga paliwanag, paghahambing o pagtutulad, paghahalimbawa,
pagbanggit sa mga tunay na pangyayari, estadistika at patotoo.

Ang Pagsulat ng Wakas


Ang talumpati ay mahalaga sapagkat ito ay tumitiyak kung matatandaan ng madling nakikinig ang ninanais
ng nagtatalumpati na matandaan nila. Sa pamamagitan ng isang mahusay na wakas, ang paggitnang diwa ng
talumpati ay iniiwan sa isipan ng nakikinig. Maaaring wakasan ang isang talumpati sa pamamagitan ng paglalayon,
pagtatanong, paggamit ng naaangkop na siniping pahayag at iba pang kaparaanan na makatutulong sap ag-iiwan ng
mahalagang kaisipan, damdamin at saloobin sa nakikinig.

Laging isaalang alang sa pagsulat ng talumpati kung sino ang iyong mambabasa o tagapakinig. Mas magiging
makabuluhan ito kung bibigyang halaga ang tamang pag-oorganisa ng mga ideya na sinasabayan ng angkop na kilos
at galaw.

Pagtataya
Panuto: Sa isang buong papel, ibigay ang inyong opinyon o reaksyon hinggil sa paksang nakalahad sa ibaba para sa
pagsulat ng isang makabuluhang talumpati.

“Epekto ng Climate Change”

Paglalapat
Panuto: Sumulat ng isang talumpati na kinapapalooban ng tatlo hanggang limang (3-5) talata tungkol sa Pagbabago
ng Klima. Isulat ito sa isang buong papel.

Pamantayan sa Pagmamarka
 Hitik sa angkop na nilalaman at mga patunay….................................................. 25 puntos
 Kaayusan sa paglalahad at pagtalakay sa paksa……………………………………………… 15 puntos
 Kawastuhang panggramatika…………………………………………………………………………. 10 puntos
Kabuuan: 50 puntos

Sanggunian
 Filipino sa Piling Larang- Akademik TG
 Filipino sa Piling Larang-Akademik Kagamitan ng Mag-aaral at iba pang karagdagang hanguan
 https://shsph.blogspot.com/2021/09/pagsulat-sa-filipino-sa-piling- larang.html?
fbclid=IwAR0jvwBJtwfQI0KmO4D6KexvxwAiPl4P35oBePaer33LhZ5jPds_dw1bZXQ

Modyul para sa Petsa ng Paggawa: HULYO 2022 MODYUL 7


Pahina
Filipino Sa Piling Larang (Akademik) Inihanda ni: Giselle M. Mata
2 of 2
Grade 12 - ABM Sinuri ni: Arnel S. Gallo

You might also like