You are on page 1of 13

Ang Tayutay

Ano ang Tayutaysa?


Ang TAYUTAY ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga
salita upang maging kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito ng
kariktan ng isang katha maging pasulat man o pasalita.

2
Ang mga tayutay?
1. PAGTUTULAD (SIMILE)-payak at lantad na paghahambing; karaniwan nang gamitan ng
mga pariralang katulad ng, tulad sa, para ng, animo’y, aniko’y, gaya ng at iba pa.
 
Halimbawa: “Para ng halamang lumaki sa tubig
Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikinalulungkot ang sandaling init
Gayon din ang pusong sa tuwa’t maniig”
…Balagtas

3
2. PAGWAWANGIS o METAPORA (METAPHOR)-tuwiran ding
paghahambing ngunit di na ginagamitan ng mga pariralang
nabanggit sa itaas; ngunit nagpapahayag ng kahambingan sa
paglalapat ng pangngalan, tawag o katangian o gawain ng isang
bagay sa bagay na inihahambing.
 
Halimbawa: “Sapagkat ang haring may hangad sa yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan”
…Balagtas

4
3. PAGHAHALINTULAD (ANALOGY)-tambalan ng
pagtutulad; ipinahahayag ng paghahalintulad ng
pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan.
 
Halimbawa: “Ang tingin ng paruparo sa bulaklak
damdamin ng binata sa dalaga ang katulad

5
4. PAGPAPALIT-TAWAG (METONIMY)-pansamantalang
pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkakaugnay.

Halimbawa: “Sa ngalan ng hari ay isinambulat


malupit na ordeng nagmula sa sukab”
…Balagtas

6
5. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)-pagbanggit
sa bahagi bilang katapat ng kabuuan o ng kabuuan bilang
katapat ng bahagi.
 
Halimbawa: “At ang balang bibig na binubukalan
Ng sabing magaling at katotohanan
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan”
…Balagtas
7
6. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)-pagpapaalpas sa
haraya (imagination) sa mahinahong larawan ng
katotohanan.
 
Halimbawa: “Bumaha ang dugo sa mga larangan
Salapi’y umulan halos araw-araw”

8
7. PANGITAIN (VISION IMAGERY)-naglalarawan sa mga
laman ng isip na animo’y tunay na nakaharap o nakikita sa
nagsasalita.
 
Halimbawa: “Sa sinapupunan ng Konde Adolfo
Aking natatanaw si Laurang sinta ko”
…Balagtas

9
8. PERSONIPIKASYON o PAGSASATAO
(PERSONIFICATION)-isang tayutay na gumagamit ng
mga katangian ng mga tao at inihahalintulad sa mga bagay
na walang talino tulad ng hayop, bagay at iba pa.
 
Halimbawa: Nakangiti ang langit pag ikaw ay nasa aking tabi.

10
PAGTATAYA
1. Tukuyin ang uri ng tayutay sa mga sumusunod:
2. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
3. Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
4. Si Elena ay isang magandang bulaklak.
5. Lumipad ang mga oras.
6. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Simon.
7. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
8. Hingin mo ang kanyang kamay.
9. Si Haring Edward ang nagmana ng korona.
10. Ang pagsikat ng araw sa umaga ay parang pag-asang sumisikat.
11. Sa aking gunita ay natanaw ang aking sinisinta.
11
11
Sagot:

1. Pagtutulad 6. Pagmamalabis
2. Pagtutulad 7. Pagpapalit-saklaw
3. Pagwawangis 8. Pagpapalit-tawag o Metonimiya
4. Personipikasyon 9. Paghahalintulad
5. Pagmamalabis 10. Pangitain

12
12
Thanks For Staying
Till the END!
BY: Marlyn B. Hernandez

13

You might also like