You are on page 1of 2

Ano po ba ang Kilusang propaganda?

Paano natin maihahambing ang kilusan


noon at ngayon? At bilang kasapi ng makabagong Kilusang Propaganda, ano-ano
ang nais ninyong sabihin sa pamahalaan? Ang Kilusang Propaganda ay isang
mapayapang kilusan tungo sa pagbabago na itinatag noong 1892. Ang
pangunahing kasapi ay sina Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
at iba pang Pilipinong may pinag-aralan na nagtungo sa Spain. Ang mga layunin ay
bigyan ng Kalayaan ang mga Pilipino na magpahayag ng saloobin. Magkaroon ng
pantay-pantay na pagtingin sa Pilipino sa harap ng batas. Gawing lalawigan o
bahagi ng Espanya ang Pilipinas. At ilagay ang mga paring Pilipino sa parokya.

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, gumamit sila ng lapis, papel, at


pluma upang maipahayag ang kanilang saloobin. Gumawa sila ng mga pahayagan
tulad ng La Solidaridad para mabasa ng mga Pilipino. Ganoon ang pamamaraan ng
pakikipaglaban nila sa pamamagitan ng pagsulat. Ngunit hindi sila nagtagungpay,
dahil sa mga problema. Ang isa sa problema ay di nakipagsundo ng mga
propagandista at kakulangan ng pondo. Dahil di nagtagumpay ang Propaganda,
tinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina. Sa ngayon, maraming nang paraan para
maipahayag ang sarili, tulad ng mga social platforms. Pero masama kung inaabuso
natin ito.
Bilang pagbubuod, nalaman natin na ang Kilusang Propaganda ay isang
mapayapang kilusan tungo sa pagbabago na itinatag noong 1892. Sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol, ang ginamit nilang panlaban ay lapis, papel, at
pluma upang maipahayag ang kanilang saloobin. Sa ngayon, maraming nang
paraan para maipahayag ang sarili, pero masama kung inaabuso natin ito. Sa
panahon ngayon, bilang kasapi ng kilusang propaganda, ang nais ko sabihin sa
pahamalaan ay sana maprotektahan ninyo ang ating mga teritoryo. Pagsilbihan
nyo ang mga tao at sana ay isapuso niyo rin ang buhay ng tao. Para sa susunod na
mga henerasyon, makakamit pa din ng bawat Pilipino ang kalayaan na meron tayo
ngayon. Maprotektahan rin sana ang bawat Pilipino na nangingibang bansa na
nakakaranas ng karahasan sa kanilang mga amo o mga katrabaho.

You might also like