You are on page 1of 46

GRADE 6 YUNIT 1

ARA
LIN 3
KILUSANG PROPAGANDA,
KATIPUNAN, AT HIMAGSIKAN
Essential Araling Panlipunan 6
1896
LAYUNIN
01 Masuri ang ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng
Kalayaan.

02 Maipaliwanag ang ambag ng kilusang Propaganda sa pagpukaw ng


damdaming makabayan ng mga Pilipino.

03 Masuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong


Espanyol.

04 Matalakay ang mga ambag ni Andrés Bonifacio, ang Katipunan, at


Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

05 Mapahalagahan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang


deklarasyon ng kasarinlan ng mga Pilipino.
PAGGABAY
PAGG
ABAY

Sa inyong aklat,
sagutan sa pahina 21-22.
TALASALITAA
N
talasalit
aan
Propaganda

Kilusan Himagsikan

Kasarinlan Republika
Hanapin mula sa kahon ang mga
salitang may kaugnayan sa
sekolarisasyon ng mga parokya.
Bilugan ito at isulat sa pisara ang
nabubuong salita.
Itanong: Anu-anong salita ang nahanap
ninyo?
Pangkatang Gawain
Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang
pangkat para sa isang “debate” na ang paksa
ay kampanya sa sekularisasyon. Unang
pangkat- mga paring Espanyol. Ikalawang
pangkat- mga paring katutubo
Bawat pangkat ay bibigyan ng tiglilimang
minuto upang talakayin ang pagkakaiba
ng dalawang grupo ng mga pari tungkol
sa sekularisasyon.
PAG-UNAWA
PAG- Kilusang Propaganda

UNAW
A
Kilusang Propaganda – Ang mga propagandista na
kinabibilangan nina Dr. José Rizal, Graciano López
Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Juan Luna, Antonio Luna,
Félix Resurreción Hidalgo, at marami pa ay
naniniwalang hindi kinakailangang gumamit ng
sandata o dahas sa pagkamit pagbabago. Marami
silang inilathala upang ipaabot sa Espanya ang
repormang kanilang ninanais gamit ang La Solidaridad
bilang opisyal na pahayagan ng kilusan.
Nilayon ng mga ito ang mga sumusunod:
• Asimilasyon o pagiging probinsiya ng Espanya ang
Pilipinas;
• Maging pantay ang mga Pilipino at Espanyol sa
batas;
• Hayaan ang mga paring Pilipino na mamuno sa
parokya;
• Magkaroon ng kinatawan sa Korte ng Espanya; at
Ipatupad ang karapatang pantao ng mga Pilipino.
• Ipatupad ang karapatang pantao ng mga Pilipino.
Matalinhagang isiniwalat ng mga repormista ang
katiwalian at pang-aabuso ng mga Kastila sa
kolonya. Ilan sa mga naisulat nila ay ang Fray Botod
ni Graciano López Jaena, Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni José Rizal, at ang Diaryong
Tagalog na unang pahayagan sa Tagalog ni Marcelo
H. Del Pilar. Nagkaroon din ng reporma sa kolonya
bilang sagot ng Espanya subalit hindi ito ang
inaasahan ng mga propagandista.
Nabigo man sila sa kanilang hangarin dala ng
mga pagsubok sa kilusan dulot ng kawalan
ng tulong-pinansyal, panlipunang problema
sa Espanya, pakikialam ng mga prayle sa
Pilipinas, at kakulangan sa pagkakaisa ng
mga propagandista, nagtagumpay naman
silang buhayin muli ang diwang nasyonalista
ng mga Pilipino.
Ang La Liga Filipina
PAG- at ang Katipunan

UNAW
A
Ang La Liga Filipina at ang Katipunan –
Sa Pilipinas itinatag ni Dr. Jose Rizal ang
isang samahang naglayong pag-isahin ang
mga Pilipino noong Hulyo 1892 sa Tondo.
Kabilang sa mga kasapi ay sina Andrés
Bonifacio at Apolinario Mabini. Ito ay bukas
para sa lahat ng may pagmamahal sa bayan.
Bilang isang sibikong samahan, nilalayon
nito ang mga sumusunod na adhikain:
Pagkaka-isa ng kapuluan sa iisang
pagkakakilanlan; Pagtutulungan ng mga
Plipino; Pagtulong-tulong na ipagtanggol
ang sarili laban sa karahasan ng mga
Kastila; Pagsulong ng agrikultura, negosyo,
at edukasyon; at Pag-aaral at pagsasagawa
ng reporma.
Ilang araw matapos buoin ang kilusang ito,
dinakip si Rizal na noon pa man ay mainit
na sa mga mata ng mga Kastila dahil sa
kaniyang subersibong nobelang isinulat.
Siya ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga
del Norte. Naging banta sa pamahalaan ang
samahan sa kabila ng kanilang mapayapang
pamamaraan.
Di naglaon ay unti-unting nabuwag ang La
Liga Filipina. Marami sa kanila ang nawalan
na ng pag-asang makakamit pa ang
pagbabago sa mapayapang pamamaraan. Ang
mga kagaya ni Andrés Bonifacio ay
naniniwala na simula na ng paggamit ng
lakas at sandata upang maging malaya mula
sa mapang-aping gobyerno.
PAG- HIMAGSIKAN, 1896

UNAW
A
Noong Agosto 1896, sa Caloocan
nagpulong ang mga katipunero sa
pamumuno ni Andres Bonifacio ang
supremo ng Katipunan.
Bilang tanda ng kanilang pagtiwalag sa
pamamahala ng mga Kastila at simula ng
kanilang paghihimagsik pinunit ng mga
katipunero ang kanilang mga sedula at buong
tapang at madamdaming sinigaw ang mga
salitang, “Mabuhay ang Pilipinas!” Ito ay mas
kilala na Sigaw sa Pugadlawin batay sa kung saan
ito ginanap. May ilan din na nagsasabing sa
Balintawak nangyari ang sigaw.
Lahat ng mga nabanggit na lugar ay
makikita sa Caloocan, kaya nararapat na
kilalanin ito bilang Sigaw sa Caloocan ayon
sa ibang historyador. Matapos nito, ilan sa
mga lalawigan ang nakipaglaban sa mga
Kastila gamit ang mga armas at kasanayan
sa pakikidigma.
Ang Ilan sa mga lalawigang ito ay ang
Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva
Ecija, Pampanga, Rizal, at Tarlac. Kagaya ng
ilang samahan nagkaroon din ng di
pagkakaunawaan ang pinuno. Nahati ito sa
dalawang pangkat ang Magdalo na
pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo sa
Cavite at ang Magdiwang na pinamunuan ni
Mariano Álvarez sa Tondo.
Nahati din ang kanilang paniniwala at
nawala ang tiwala sa isa’t isa.
Naniniwala ang mga Magdalo na
kinakailangan ng panibagong
pamahalaan na papalit sa Katipunan. Ito
ay taliwas sa gusto ng mga Magdiwang.
Deklarasyon ng
PAG- Kasarinlan

UNAW
A
– Nagpasiya si Emilio Aguinaldo na
muling bumalik ng Pilipinas at
pamunuan ang himagsikan. Habang
siya ay nasa Hong Kong, patuloy ang
kanilang pagnanais na lumaya sa
pamahalaang Kastila..
Nagpagawa siya ng bandila na simbolo
ng pagiging malayang bansa. Inatasan
niya si Mariano Ponce na sumulat ng
isang saligang batas pasa sa isang
republikanong pamahalaan.
Lulan ng barkong McCulloch,
nakarating si Aguinaldo aa Pilipinas.
Bilang pagsunod sa payo na mas epektibo ang
pamahalaang diktatoryal sa panahon ng krisis,
itinatag ni Aguinaldo ang pamahalaang diktatoryal
noong Mayo 24. Pagkatapos nito ay ipinahayag ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya noong
Hunyo 12, 1898 sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit,
Cavite. Dito winagayway ang bandila ng Pilipinas
kasabay ng pagpapatugtog ng Marcha Nacional
Filipina ni Julián Felipe.
1. Matagumpay kaya ang pagkakaroon ng
samahan sa pagsusulong ng pagbabago sa
lipunan kagaya ng Propaganda sa
kasalukuyang panahon?
2. Ano ang mga aral na gustong maisapuso
ng mga katipunero batay sa nakasulat sa
Dekalogo at Kar tilya ng Katipunan?
Magsaliksik.
3. Bakit hindi madali ang pakikipaglaban
ng mga Pilipino para sa kalayaan?
PAGSASANAY
1
PAGSAS
ANAY 1
Suriin kung ang mga sumusunod na
impormasyon ay may kaugnayan sa mga
samahang itinatag. Isulat ang titik na
katumbas ng tamang sagot.
PAGSASANAY
2
PAGSAS
ANAY 2
Basahin ang bawat tanong batay sa tinalakay
sa Pag-unawa at isulat sa patlang ang iyong
sagot.
PAGTUKLAS
PAGTU
KLAS
o Nais kong magbigay sa iyo ng dagdag
impormasyon patungkol sa paksang Pagdeklara
ng Kasarinlan ng Pilipinas. I-scan natin ang
code.
PAGGANAP
PAGGA
o Gamit ang social media, suriin kung may mga nalathalang isyu o problema
ng mga NAP
kaibigan, kakilala, o ng mga ordinaryong Pilipino. Bilang isang
kaibigan o mamamayan na nagpapakita ng simpatiya na may adhikang
tumulong, bumuo ng isang pahayag na may limang pangungusap na
tumutugon sa kaniyang kalagayan.
PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA
o I-scan ang QR upang malaman ang mga
gabay o pamantayan sa pagmamarka.
MARAMING
SALAMAT! 
Philippine Copyright 2023 by TechFactors Inc.

All rights reserved. No part of this presentation may be reproduced or copied in any
form, in whole or in part, without written consent of the copyright owner.

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, infographics and
images by Freepik & Canva. Music by Besound.

You might also like