You are on page 1of 5

ULAT SA FILIPINO 2

Inihanda ni: ROVELYN JOY J. RATERTA


BEED-II

PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN


ANG PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK
Sanligang Kasaysayan
• Nabigo ang propagandista sa inaasahan nilang pagbabago sa mapayapang paraan.
Ang pamahalaan ay naging bingi sa kanilang mga kahilingan. Hindi naisasagawa ang
mabubuting balak ng Inang Espanya sapagkat nasasalungat agad ng mga prayle.
• Nagpatuloy ang pamahalaan at simbahan sa pang-aapi, pagsasamantala, paghamak
at labis na paghihigpit sa mga Pilipino. Ipinatapon sa Dapitan si Jose Rizal, ang
nagtatag ng “La Liga Filipina”, isang pamahalaang sibiko na pinaghinalaang
mapaghimagsik.
• Bunsod ng pangyayaring ito, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa niyang kasama sa “La
Liga Filipina” ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (K.K.K.). Ang ibang kabilang sa gitnang uri na patuloy na umaasa sa
pagbabago ay hindi sumapi sa K.K.K.
• Nawalan na ng pag-asa ang mga sumanib sa pangkat na ito na makakamit nila sa
mapayapang paraan ang kanilang hinihiling at sa palagay nila ay wala nang natitirang
lunas kundi ang paghihimagsik.
• Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan ang naging laman ng panitikan at
mga payo sa mga Pilipino na gumising, magkaisa at lumaban upang matamo ang
hinahangad na pagbabago at kalayaan.

Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Himagsikan


=maalab na damdaming makabayan
=panunuligsang pampulitika
Mga Taluktok ng Tahasang Paghihimagsik
 Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinari Mabini.
ANDRES BONIFACIO
• kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO” at “AMA NG KATIPUNAN”
sapagkat siya ang namuno sa pagtatatag ng samahang K.K.K.
• hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay ni Bonifacio, kaya’t sinasabing ang
kaniyang mga natutuhan ay pawang galing sa “ paaralan ng karanasan”
• Lubha siyang mapagbasa. Kabilang daw sa kaniyang mga nabasa na lalong
nagpatingkad ng kaniyang diwang mapanghimagsik ay ang “Noli” at “El Fili” ni Rizal.

• Umanib o lumahok si Bonifacio sa kilusang itinatag ni Jose Rizal noong 1982-ang LA


LIGA FILIPINA
• Itinatag niya ang Katipunan na siyang nagging saligan ng diwang malaya nang
ipatapon si Rizal sa Dapitan, Mindanao.
• Si Bonifacio ay lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit
mayroon din naman siyang nagging akdang nagpaalab sa himagsikan at naging
bahagi ng ating Panitikan.

MGA AKDA NI A. BONIFACIO


1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa Sampung
Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito
2. HULING PAALAM – salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal
3. PAG--IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng
kay Marcelo H. del Pilar
4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG –bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating ang mga Kastila at ang mga
kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila
5. KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS – tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan.
Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa tulang napasimulan ni Herminigildo
Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya. Ito ay tinugon naman
ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS

EMILIO JACINTO (1875-1899)


- isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila noong Disyembre 15,1875
- gumamit ng sagisag-panulat na “DIMAS-ILAW”
- Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN”
- Siya ang tumayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio
- Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang KATIPUNAN
- Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN
- Siya ay nagkaroon ng matiising magulang kaya’t nakapasok sa kolehiyo at naging
bihasa sa Kastila na una niyang natutunan
- Nagpakahusay rin siya sa Tagalog dahil ito ang wikang kailangan para makasapi sa
Katipunan

MGA AKDA NI E.JACINTO


= KARTILYA NG KATIPUNAN – mga kautusan para sa mga kasapi ng Katipunan
= LIWANAG AT DILIM – katipunan ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng
pag-ibig sa bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at
paniniwala
= A MI MADRE (Sa Aking Ina) – isang tulang handog sa kanyang ina
= A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)–ang ipinalalagay na kanyang obra-maestra

Sampung Utos ng mga Anak ng Bayan


• Ibigin mo ang Diyos nang buong puso
• Laging isaisp na ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pag-ibig sa bayan at sa
kapwa tao.
• Ikintal mo sa puso na ang tunay na karangalan at kaligayahan ay natatamo sa iyong
pagkamatay sa pakikilaban sa ngalan ng iyong bayan.
• Ang lahat ng mabuti mong hangarin ay makakamtan kung ikaw ay mahinahon,
matiyaga, makatwiran, may pag-asa sa iyong gawain.
• Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga kautusan at mga hangarin ng
K.K.K.
• Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa pagmamalupit na matupad
ang isang marangal na hangarin, kahit mapilitang ihandog ang sariling buhay at
yaman.
• Bayaang ang ating sariling pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating tungkulin
ay maging uliran ng iba.
• Bahaginan mo ng iyong yaman ang bawat dukha at taong kulangpalad sa loob ng
iyong makakaya.
• Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag ng tunay
na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid, at kababayan.
• May parusa sa bawat salarin at taksil, at gantimpala sa lahat ng mabuting gawa.
Panaligang ang mga puntahin ng K.K.K. na kaloob ng Diyos at ang hangarin hinggil
sa iyong bayan ay hangarin din ng Diyos.
APOLINARIO MABINI
= nagmula sa maralitang angkan
= isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan, Batangas
= nagtapos ng pagkamanananggol
= tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN”
= ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw niyang manumpa sa bandilang
Amerikano
= namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera

Paksyon- dalawang magkaibang grupo sa panahon ng himagsikan


1. Magdalo- Andres Bonifacio
2. Magdiwang- Emilio Aguinaldo

Mga Ranggo sa Katipunan


1. Katipon (Anak ng Bayan) -pinakamababa
2. Kawal (Gomburza) -may mga mataas na posisyon
3. Bayani (Rizal)
-Andres Bonifacio
-Emilio Jacinto
-Apolinario Mabini

Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan


Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang  mga katha. Ang mga sanaysay at
pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari
sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang landas
tungo sa pagkakaroon ng kalayaan
Ilang sa mga pahayagan noon ang:

1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni
PioValenzuela.

2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan
nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito.
Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang
pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging
Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng
Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming
makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng
Setyembre, 1898.

5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.

6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.

7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.

8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

You might also like