You are on page 1of 14

Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

ARALIN 11.1
Ang Graft and Corruption

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 2

Pag-aralan Natin 4
Kahulugan ng Graft and Corruption 4
Mga Uri, Pamamaraan, at Dahilan ng Graft and Corruption 5
Mga Batas upang Sugpuin ang Graft and Corruption sa Bansa 7

Sagutin Natin 9

Suriin Natin 10

Pag-isipan Natin 11

Gawin Natin 11

Dapat Tandaan 12

Mga Sanggunian 13
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Aralin 11.1
Ang Graft and Corruption

Panimula
Ang tiwala ng mamamayan sa mga opisyal ng pamahalaan ay mahalaga. Ang mga opisyal na
ito ang pangunahing tagapagsulong ng ating bansa tungo sa kaunlaran. Gayunpaman,
kaakibat ng kapangyarihang ito ay ang pagmamalabis ng iilan. Kabi-kabila ang mga balita na
sangkot ang mga opisyal ng pamahalaan sa katiwalian at korupsiyon.

Sa araling ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng graft and corruption at ang mga gawaing
saklaw ng konseptong ito.

1
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Mga Layunin sa Pagkatuto

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Natatalakay ang konsepto ng graft and corruption.

● Nasusuri ang mga uri, pamamaraan, at dahilan ng graft and corruption.

● Natutukoy ang mga ahensya ng pamahalaan at batas sa pagsugpo ng

graft and corruption.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag ang
konsepto, uri at pamamaraan ng graft at corruption (AP10IPP-Iid-7).

Subukan Natin

Iguhit Mo
Panuto
Batay sa iyong kaalaman tungkol sa mga usaping panlipunan, gumawa ng isang simpleng
likhang sining na nagpapakita ng kahulugan, katangian, at uri ng graft and corruption.
Ipaliwanag ang iyong gawa.

2
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-anong mga simbolismo ang iyong iginuhit sa itaas? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit nagaganap ang graft and corruption?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. Masasabi mo bang kultura na ang graft and corruption sa ating bansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Pag-aralan Natin

Kahulugan ng Graft and Corruption

Ang graft ay naglalarawan sa ilegal na pagkuha at paggamit ng salapi o pondo ng bayan ng
mga opisyal ng pamahalaan para sa sariling kapakinabangan. Samantala, ang corruption ay
tumutukoy sa kawalan ng katapatan ng nasa posisyon sa pamahalaan. Ang isang tiwali na
opisyal ay umaasal sa kaniyang kapasidad bilang opisyal ng gobyerno para sa pansariling
kapakinabangan.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

Corruption datos tungkol sa antas ng korupsyon sa isang bansa

Perception Index ayon sa pananaw ng mga mamamayan

pekeng empleyado sa isang pekeng kompanya o

ghost employees
negosyo; imbentong empleyado

salapi na tumutukoy sa ilegal na komisyon mula sa

kickback
opisyal na badyet o proyekto

Ayon sa ulat ng Transparency International noong 2016, naitala ang Pilipinas na may 35%
Corruption Perception Index. Sa 176 na bansang isinailalim sa pag-aaral na ito, gamit ang 1
bilang pinaka walang korupsiyon at 176 bilang pinakatiwaling pamahalaan, ang Pilipinas ay
nasa ika-101 na puwesto.

Mahahalagang Tanong
● Ano ang hitsura ng mukha ng graft at corruption?
● Bakit may graft and corruption?

4
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Mga Uri, Pamamaraan, at Dahilan ng Graft and Corruption

Maraming uri, pamamaraan, at dahilan ang graft and corruption. Ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

Uri Kahulugan

pangingikil Ito ay ang panghihingi ng mga opisyal ng pamahalaan ng

salapi o anumang bagay na may halaga mula sa mga
mamamayan na may transaksiyon sa gobyerno.

panunuhol o Ito ay ang sistemang ginagawa ng mga mamamayan sa mga

paglalagay opisyal ng pamahalaan na may mahalagang posisyon.
Karaniwan itong ginagawa upang mabilis silang makakuha ng
pabor, kontrata, o kinakailangang dokumento.

tax evasion Ang hindi wastong pagdedeklara ng mga negosyo at taunang

kinita upang umiwas sa mataas na pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan.

mga ghost project Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan kung saan
at pasahod hindi na umiiral ang mga proyektong pinopondohan. Ang
mga ghost employees naman ay tumutukoy sa patuloy pa ring
pagpapasahod sa mga pekeng empleyado o imbentong
empleyado ng isang kompanya o proyekto.

pag-iwas sa Ang bawat transaksiyon ng gobyerno sa mga pribadong

public bidding kumpanya para sa mga proyekto ay dumadaan sa bidding.

May ilang opisyal ng pamahalaan ang nagkakaloob ng

kontrata sa pinapaborang kumpanya kung saan maaaring
patungan nila ng mas mataas na halaga, kung kaya’t iniiwas
nila ito sa public bidding. Kapalit nito ay ang pagtanggap nila
ng suhol.

5
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

nepotismo Ang mga opisyal ay naghihirang ng mga kamag-anak at

kaibigan na walang sapat na kwalipikasyon sa mga posisyon
sa pamahalaan.

pandarambong Ang pagkuha, pagbubulsa, at paglustay ng salapi ng bayan

para sa sariling kapakinabangan ay uri ng pagnanakaw na
tinatawag na pandarambong.

pagpapasa-pasa ng May kasanayan ang ilang mga kontraktor na magpasa ng

kontrata sa mga mga trabaho tungo sa isa pa. Ang ganitong gawi ay maaaring
kontraktor magpapababa ng kalidad ng materyales at serbisyo ng
proyekto.

pakikipagsabwatan Ang pakikipagsabwatan sa kasunduan o kontrata ay

nagbibigay-daan sa kickback o padding sa halaga ng mga
kontratang pinapasok ng gobyerno.

Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Sumusugpo sa Graft and

Corruption
Mayroong iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na binuo at itinalaga para labanan at sugpuin
ang graft and corruption. Ating isa-isahin ang mga ito.

Office of the Ombudsman

Ito ang naatasang magpasimula ng mga imbestigasyon sa mga inirereklamong mga

opisyal ng pamahalaan. Kaakibat nito ang pagpaparusang administratibo sa mga
mapapatunayang may salang opisyal ng pamahalaan.

6
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Civil Service Commission

Ito ang sentral na ahensiya ng mga tauhan ng pamahalaan na naatasan na magtiyak na

mahusay ang pagseserbisyong ibinibigay ng lahat ng kawani ng pamahalaan. May
hurisdiksyon din ito sa mga kasong administratibo kabilang ang katiwalian at korupsiyon.

Commission on Audit (COA)

Ito ang bantay ng mga ahensiya ng pamahalaan pagdating sa paggastos ng mga inilaang
pondo sa kanila. May kapangyarihan itong siyasatin o i-audit ang lahat ng mga account
ukol sa nalikom na buwis, mga resibo, at mga gastos o paggamit ng pondo at ari-arian ng
pamahalaan.

Sandiganbayan

Ito ay ang hukumang laan para sa mga kasong katiwalian sa Pilipinas na may
hurisdiksyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga empleyado at
opisyal ng pamahalaan.

Ito ang nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa

serbisyong pampubliko ng mga opisyal ng gobyerno.

Mga Batas upang Sugpuin ang Graft and Corruption sa Bansa

Mayroon ding mga inilatag at ipinatupad na batas laban sa graft and corruption sa Pilipinas.

1. Artikulo XI ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

Isinasaad sa seksyon 1 ng Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan na ang bawat
opisyal o empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng panahon sa mga
tao, magsilbi sa kanila nang may sukdulang responsiblidad, integridad, katapatan,
kaigihan, akto ng patriotismo at hustisya, at mamuhay ng mga katamtamang
pamumuhay.

7
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

2. Republic Act Blg. 3019

Ito ay kilala rin bilang Anti-Graft and Corruption Practices Act na nagtatala ng lahat
ng gawaing maituturing na tiwali. Ito ang nagdedeklara ng mga hindi naaayon sa
batas at nagbibigay ng kaukulang parusa ng pagkakabilanggo, walang katapusang
diskwalipikasyon sa pagtakbo sa opisinang pampubliko, at pagsamsam sa hindi
maipaliwanag na yaman para sa mga mapapatunayang tiwaling opisyal ng
pamahalaan.

3. Republic Act Blg. 6713

Mas kilala ito bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials
and Employees na nagtataguyod ng isang mataas na pamantayang etika at
nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na gumawa ng isang deklarasyon
ng mga ari-arian at pananagutan o liability bago, habang, at pagkatapos maglingkod
sa pamahalaan.

4. Republic Act Blg. 7080 (An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder)
Ito ang nagpaparusa sa sino mang opisyal ng pamahalaan na napatunayang kumuha,
nangupit, o nagnakaw ng halagang hindi bababa sa 50 milyong piso mula sa pondo
ng gobyerno.

Mahalagang Tanong
Paano mababawasan, kung hindi man lubusang masusugpo, ang graft at
corruption?

8
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Sagutin Natin

Panuto: Batay sa iyong natutuhan mula sa araling ito, bigyang-kahulugan ang sumusunod
na salita. Limitahan lamang sa isa hanggang dalawang pangungusap ang pagpapakahulugan
sa bawat isa.

1. Sandiganbayan :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. RA 7080 :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. COA :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. tax evasion :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. RA 3019 :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

6. graft :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

7. ghost employee :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

8. corruption :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

9. nepotismo :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

10. pangingikil :
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng graft and corruption?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang uri, pamamaraan, at dahilan ng graft and corruption?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng mga batas at mga ahensiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa

isyung ito?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

10
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Pag-isipan Natin

Bakit sa kabila ng mga batas at ahensiya na naglalayon na sugpuin ang graft at

corruption ay patuloy pa rin ang katiwalian?

_____________________________________________________________________________________________

Gawin Natin
Panuto: Magsaliksik ng mga ahensiya ng gobyerno kung saan naitatala ang pinakamalaking
bilang ng kaso ng graft and corruption. Mula sa mga ito, pumili ng isang ahensiya na nais
mong talakayin. Gumawa ng isang detalyadong sanaysay na tumatalakay sa mga isyu ng
korupsiyon na kinaharap ng ahensiya.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa Nakatugon Lumagpas Puntos

kaysa ng sa sa
Pamantayan
Inaasahan Pagsasanay Inaasahan Inaasahan
1 2 3 4

Kalidad ng Kulang-kula May iilang Maraming Puno ng

Nilalaman ng at walang detalye detalye ang tamang
detalyeng lamang ang sanaysay; detalye at
isinulat sa sanaysay; may isa o maayos na
sanaysay. karamihan dalawang ipinahayag,
sa mga detalye na inilarawan,
puntong hindi lubu- at ipinali-
isinaad ay sang naipali- wanag ang
hindi naipali- wanag. nilalaman ng
wanag. sanaysay.

11
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Tiyaga/ Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang

Pagsisikap sanaysay sanaysay sanaysay na isang
para lamang ngunit hindi may napakagand
may sinikap na kasiya-siyan ang
maipasa sa mapaganda g resulta, sanaysay na
guro. pa itong lalo. may may
pagsisikap masidhing
na pagsisikap
pagandahin na maging
pang lalo. natatangi ito

Kasanayan/ Hindi naipa- Nagpapakita May angking Nagpapakita

Husay pakita ang ng pagna- husay sa ng husay at
pagnanais nais na ma- paggawa; galing sa
na mapag- paghusay kailangan pa paggawa;
husay ang ang pag- ng kaunting may sapat
pagsulat ng gawa ng pagsasanay. na kaalaman
sanaysay. sanaysay. o pagsasa-
nay.

Kabuuang Marka =

Dapat Tandaan

● Ang isang tiwaling opisyal ay umaasal nang higit sa kaniyang kapasidad bilang
opisyal ng gobyerno para sa pansariling kapakinabangan.
● Maraming uri, pamamaraan, at dahilan ang graft and corruption. Isa sa mga ito ay
ang pangingikil.
● May iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang binuo at itinalaga para labanan at
sugpuin ang graft and corruption. Isa na rito ang Office of the Ombudsman.

12
Araling Panlipunan

Baitang 10 • Yunit 11: Graft and Corruption

Mga Sanggunian
Boncocan, K. July 18, 2012. “Graft and corruption, fine, but what about the economy?”
Inquirer.net. Nakuha mula sa
http://newsinfo.inquirer.net/230811/graft-and-corruption-fine-but-what-about-the-ec
onomy.

Del Rosario, G. 2017. Mga Kontemporaryong Isyu. Bulacan: KLEAFS Publishing.

Gonzales, E. 2016. Kontemporaryong Isyu: Pag-unawa at Pagpapahalaga. Maynila: Innovative

Educational Materials, INC..

Panos Mourdoukoutas. February 21, 2018. “Corruption Is Still A Big Problem in The
Philippines.” Forbes. Nakula mula sa
https://www.forbes.com/sites/panosmourdoukoutas/2018/02/21/the-philippines-is-g
etting-more-corrupt-under-duterte/?sh=ee80b8256a18

13

You might also like