You are on page 1of 2

Petsa: 09-28-22

Pangalan: Dina C. Dalde Guro: Gng. Elvira Salomon


Kurso/Antas ng Taon/Sekyon: BSA 1B Asignatura: Malayuning Komunikasyon

A. Sampung Pangunahing Etika sa Komunikasyon


1. Laging gawing mahusay ang pakikipagkomunikasyon na magkaroon ng
interaksyon sa kausap, indibidwal man o grupo.
2. Makinig kapag nagsasalita ang kausap.
3. Iwasang maging mapanghusga sa pakikipagusap o pagpapahayag,
pagsasalita man o pasulat.
4. Magpahayag nang mula sa sariling karanasan at perspektibong maibahagi
ang sariling naiisip, pangangailangan, saloobin at damdamin.
5. Maging maunawain.
6. Iwasang magsalita para sa iba na hindi naman makatitiyak na pareho ang
inyong pag-unawa, o sinasabing iyon din ang mga opinyon ng nakararami.
7. Magkaroon ng limitasyon sa mga ipinapahayag na kung ano lamang ang
hangganan ng iyong nalalaman ay iyon lamang ang ibahagi o pagiging
sensitibo sa paksa.
8. Igalang din kung ano lamang ang nalalamanng kausap.
9. Iwasan din ang biglang pagsingit habang may sinasabi pa ang kausap at
huwag magbigay ng biglaang komento sa sinasabi ng kausap.
10. Tiyaking ang kausap o mga kausap ay nakakapagsalita rin at hindi
nadodomina ang usapan.

B. Etika ng Pangunahing Teknikal


1. Personal na etika - Ito ang pagpapahalagang natatamo ng tao mula sa
pamilya, kultura at pananampalataya mayroon siya. Halimbawa, wastong
pakikipag-usap sa matatanda.
2. Panlipunang etika - Ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang
panlipunan na kinalakihan ngisang tao. Ito ay karaniwang makikita sa
pakikihalubilo natin sa ating pamayanan. Apat na kategorisasyon kaugnay sa
Palipunang Etika:
a. Karapatan - Pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula ng
siya ay isilang.
b. Hustisya - "umutukoy sa pagbibigay ng patas na pagtingin.
c. Epekto - "inatanaw nito ang interes ng nakakarami kaysa iilan
d. Pagkalinga - "tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapairal ng
pagiging mapangalaga.
3. Etikang pangkonserbasyon - Ang konserbasyon ay tumutukoy sa
pangangalaga, pagmamantini o pananatili ng isang bagay, ideya, pangyayari,
lugar o tao. Kaya ang etika ng pagngkonserbasyon ay tumutukoy sa mga
pamantayan na magpapanatili nito. Halimbawa nito ay pag-ibig at
pagpapahalaga sa mga magulang at pamilya. Pinanatili nito ang buklod ng
isang pamilya o angkan pa nga. Kaya naman may mga kultura pa ding
sinusunod ang ilang angkan upang mapanitili nila ang kanilang lahi o
komunidad.

C. Elemento ng Etika
Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal
1. Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng
impormasyong dapat nilang mabatid.
2. Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan.
3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga
mambabasa.
4. Kung may alinlangan, isagguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop
na payo.
5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo't higit kung makakaapekto
ito saimpormasyong tatanggapin ng mambabasa.
6. Itala ang detalye.
7. Iwasan ang pagmamalabis.
8. Maging patas.
9. Kilalanun ang mga nagbigay ambag sa pagkabuo ng impormasyon.

You might also like