You are on page 1of 4

Camarines Norte State CollegeBSITBSIT 1BMga proseso, prinsipyo at etika ng komunikasyon FIL1.

pdf -
MGA PROSESO PRINSIPYO AT ETIKA NG KOMUNIKASYON MGA ELEMENTO\/SANGKAP NG
KOMUNIKASYON 1 Sender

Mga proseso, prinsipyo at etika ng komunikasyon FIL1.pdf -...

This preview shows page 1 out of 23 pages.

Mga proseso, prinsipyo at etika ng komunikasyon FIL1.pdf

BSIT 1B

Mga proseso, prinsipyo at etika ng komunikasyon FIL1.pdf

Viewing now

Interested in Mga proseso, prinsipyo at etika ng komunikasyon FIL1.pdf?

Bookmark it to view later.

You've reached the end of your free preview.

Want to read all 23 pages?

Unformatted text preview: MGA PROSESO, PRINSIPYO AT ETIKA NG KOMUNIKASYON MGA


ELEMENTO/SANGKAP NG KOMUNIKASYON 1. Sender - tumutukoy ito sa taong nagpapadala ng
impormasyon sa ibang tao. Ang mga katangian (kaalaman, relihiyon, paniniwala, kultura, ugali, kiloa
pananaw sa buhay at istatus) ng sender o tagapagpadala ay maaaring makaapekto sa proseso ng
komunikasyon. 2. Mensahe – ito ang impormasyong ipinadadala ng sender sa tagatanggap ng mensahe.
Maaari itong berbal at di berbal na mensahe gaya ng kilos, tono ng pagsalita, simbolo o senyas. 3.
Daluyan – tumutukoy ito sa tsanel upang maiparating ang mensahe sa tagatanggap. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng telepono, sulat gamit ang email o social media application. Ang pagpili ng daluyan ay
maaaring mag-iwan ng malaking epekto sa tagatanggap ng mensahe o magpakita ng kahalagahan ng
mensahe. 4. Receiver – tumutukoy ito sa indibidwal o grupo ng mga taong tumatanggap ng mensahe.
Ang mga katangian (kaalaman, relihiyon, paniniwala, kultura, ugali, kiloa pananaw sa buhay at istatus)
ng sender o tagapagpadala ay maaaring makaapekto sa proseso ng komunikasyon. 5. Sagabal –
tumutukoy ito sa iba’t ibang elemento ng komunikasyon na maaaring maging sanhi ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa proseso ng komunikasyon. IBA’T IBANG URI NG SAGABAL
• Pisyolohikal na Sagabal – may kaugnayan sa kondisyon ng pangangatawan o pisyolohiya ng isang
indibidwal. • Pisikal na Sagabal – ito’y bunsod ng ingay sa paligid gaya ng tungo ng sasakyan, garalgal ng
bentilador, sigawan, mga kagaya nito, at ang temperature ng init at lamig Sagabal na matatagpuan sa
Pisikal Na Kapaligiran. • Semantikong Sagabal – uri ng sagabal na nakaugat sa wika. (isang salita na
parehas ang baybay, hindi maayos na estruktura ng pangungusap, maling pagbabantas, hindi akmang
gamit ng salita at maling ispeling nito) • Teknolohikal na Sagabal – sagabal na nakaugat sa problemang
teknolohikal. (mahina o walang signal ng internet at network ng telepono) •Kultural na Sagabal –
sagabal na nakaugat sa magkaibang kultura, tradisyon, paniniwala at relihiyon. •Sikolohikal na Sagabal –
sagabal na nakaugat sa pag-iisip ng mga participant/kalahok ng proseso ng komunikasyon tulad ng
biases at prejudices. 6. Tugon – tumutukoy sa pidbak ng tagatanggap ng mensahe batay sa
pagpapakahulugan niya sa mensahe. (Berbal o di berbal). Tatlong uri ng Feedback 1. Tuwirang tugon –
agarang o agad ang reaksiyon sa mensahe. Ito ay kung berbal ang naging reaksyon (pasalita o pasulat) 2.
Di-tuwiran – o mas kilalang di berbal na komunikasyon (senyas, sagisag at simbolo). Awtomatiko rin o
kagyat ito gaya ng tuwirang tugon bagama’t hindi ito mensaheng pangnilalaman o panglingguwistika. 3.
Naantala – maaari itong tuwiran at di-tuwiran kaya lamng ay may delaying tactics. 7. Epekto - tumutukoy
ito sa kung paano naapektuhan ang tagatanggap ng mensahe (emosyonal at sikolohikal) ng mensaheng
ipinadala ng sender. Maaaring ang tugon ay mawala, subalit ang epekto ng mensahe sa tagatanggap nito
ay maaaring tumagal ng mahabang panahon. 8. Konteksto – tumutukoy sa lugar, kasaysayan, at
sitwasyon na kinapapalooban ng komunikasyon. - Ang mga taong malakas ang pakiramdam o sensitibo
sa mga bagay-bagay ay alam kung paano haharapin ang anumang sitwasyon o gawi sa pakikisalamuha sa
iba. LIMANG MUKHA NG KONTEKSTO • Pisikal na Konsteksto – kapaligiran o kalagayang maaaring
makaimpluwensiya sa pakikipag-ugnayan. • Kultural na Konteksto – pakikipag-ugnayan sa malawak na
daigdig. - Kailangang maging bukas ang isip at matalino sa paghusga sa mga bagay-bagay o gawi-gawi.
Hindi mo maaaring sabihing mali ang isang bagay na hindi ginagawa sa inyong lipunan. Laging may
exception to the rule. • Sosyal na Konteksto – kung saang lipunan ka nabibilang. May mga lipunang
konserbatibo at mayroon naming liberal. • Historikal na Konteksto – may kinalaman sa kasaysayan o
mga nagdaang pangyayari. • Sikolohiko na Konteksto – may kinalaman sa uri ng pag-iisip at pananaw
mayroon ang isang tao para sa iba. MENSAHE SENDER DALUYAN RECEIVER RECEIVER SENDER TUGON
MGA POTENSYAL NA SAGABAL ESTILO NG KOMUNIKASYON Ito ay ang mga gawi o paraan na ginagamit
sa pakikipagkomunikasyon o sa paraan ng pakikitungo sa iba. DALAWANG PANGUNAHING DIMENSIYON
(DR. EILEEN RUSSO) 1) ASERTIBO (ASSERTIVENESS) 2) EKSPRESIBO (EXPRESSIVENESS) Sa tulong ng
dalawang antas ay may mabubuo pang apat na pag-uuri-uri depende kung saan dimensiyon ang higit na
nangingibabaw. Mahinang pagiging ekspresibo + mahinang pagiging asertibo = SISTEMATIKO Mahinang
pagiging ekspresibo + malakas pagiging asertibo = DIREKTA Malakas pagiging ekspresibo + malakas
pagiging asertibo = MASIGASIG Malakas pagiging ekspresibo + mahinang pagiging asertibo =
MAPAGKONSIDERA ESTILO NG DIREKTANG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON (Mahinang pagiging ekspresibo +
malakas pagiging asertibo ) ❑ Sila yaong tiwala sa sarili, kapaki-pakinabang, madalas na dahilan kung
bakit nananalo ang isang grupo, matipid silang magsalita at magkahiwalay ang personal at ibang bagay
na ginagawa. ❑ Hindi sila palaimik, hindi palasalita pero hindi rin marunong making at napagkakamalang
lagging naiinip. ❑ Sila ang taong nakapokus sa resulta kaysa sa emosyon. ❑ Mas pinangingibabaw sila
ng aksiyon upang magawa ang isang trabaho, serbisyo o produkto nang hindi masyadong nakikipag-usap
sa iba. ❑ Ito ang estilo ng komunikasyon na ang isang tao ay mataas ang kompiyansa sa sarili at kayang
panindigan ang kaniyang mga sinasabi. ❑ Mas angkop sa kaniya ang magbigay ng mga Gawain sa ibang
tao kaysa pakinggan ang kanilang mga opiunyon. ❑ Ito rin ay nagbibigay ng malinaw na mensahe sa
tagapakinig. ESTILO NG MASIGASIG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON (Malakas pagiging ekspresibo + malakas
pagiging asertibo) ❑ Kailangang igalang mo ang napagkasunduan adyenda at limitasyon sa oras ng
bawat miting. Subukan ding pigilan ang pagsisingit ng mga personal na pagkukuwento na maaaring
makalayo sa usapan sa ideya o paksang nais talakayin. ❑ Hayaang makapag bahagi ang iba ng kani-
kanilang mga ideya at tiyaking making sa mga ito. Idagdag pa na maging malinaw sa mga pakiusap at
mabuting ipaliwanag ang dahilan ng paghingi ng mga ito. ❑ Sikapin ding ipaabot ang pagkalugod at
pagpapahalaga sa gawa at konstribusyon ng iba sa estilong ito. ❑ Halimbawa: Pilosopo, Manunulat,
Guro, Abogado at Politiko ESTILO NG SISTEMATIKONG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON (Mahinang pagiging
ekspresibo + mahinang pagiging asertibo) ❑ Mas binibigyang pansin ng isang tao ang mga katotohanan
at mga detalyadong bagay kaysa sa mga opinion at hinuha. ❑ Ang mga taong estilong sistematiko sa
pakikipagkomunikasyon ay nahihirapan sa pagpapakita o pagbabahagi ng kanilang mga naiisip at
nararamdaman at ang katotohang hindi rin sila tiwala o kampante sa kanilang sarili. Mga dapat tandaan
sa pakikipag-ugnayan kung ikaw ay may estilong sistematikong pakikipagkomunikasyon. 1) Hindi lahat ng
tao ay sumusunod sa linyar na proseso ng pag-iisip at paggawa ng desisyon. 2) Pagsasaalang-alang ng
damdamin ng Bawat isa sa pagbuo ng positibong relasyon. 3) Pagtatanong ng bagay na makakatulong sa
pagkuha ng mga impormasyong kinakailangan. 4) Pagbuo ng isang ugnayan sa pamamagitan ng pagkalap
ng impormasyon galling sa iba. 5) Siguraduhing alam mo kung hanggang saan ang sakop ng proyekto
upang hindi masayang ang oras sa pagkalap ng mga impormasyon na hindi naman kailangan. 6) Kung
kinakailangan mo pa ng karagdagang oras para sa iyong pagsusuri, tiyakin na kaya mong maipaliwag ang
benipisyo ng mga impormasyon na iyong sinusuri. 7) Mas bigyang-pansin ang may mga basaheng
impormasyon. 8) Makipag-usap ng wasto at tiyak na impormasyon. 9) Maging organisado sa tuwing
makikipag-ugnayan sa iba. 10) Magbigay ng lohikong dahilan para sa iyong mga aksiyon at para sa kung
ano man ang nais mong hingiin sa iba. 11) Magbigay ng sapat na oras para sa pagsusuri bago
magdesisyon at sa huli iwasan ang mga personal na bagay maliban na lamang kung sila ang nagsimula
nito. ESTILO NG MAPAGKONSIDERANG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON (Malakas pagiging ekspresibo +
mahinang pagiging asertibo) ❑ Malakas silang magsalita o magpahayag pero kapag nagkasubuan na ay
natatameme na. ❑ Ito rin ang estilo na nagbibigay ng pagpapahalaga sa damdamin ng tagapakinig. ❑
Ang isang taong may estilong mapagkonsidera ay madalas na mahusay na tagapakinig, may mahabang
pasensiya, magaling makisama, mahusay na tagapayo at nagbibigay ng lakas ng loob para sa iba.
❑Desbentaha: nahihirapang magdesisyon sa mga bagay-bagay, mas pipiliing sabihin ang inaasahang
sagot ng tagapakinig kaysa sabihin ang katotohanan at mas binibigyang-halaga ang nararamdaman ng
iba kaysa makapanakit ng mga mamumutawi sa bibig. ❑Pinahahalagahan nila ang relasyon sa kapuwa.
❑Sila rin ay mapagkakatiwalaan at masarap kausap. ❑Halimbawa: Pari, Doctor, Nars PRINSIPYO NG
KOMUNIKASYON ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ ❖ Alamin o kilalanin ang iyong tagapakinig; Alamin o kilalanin
ang iyong sadya o nais na ipabatid; Alamin ang iyong topic; Asahan ang mga pagtuligsa o mga taliwas na
opinyon; Ipakita ang kabuuan; Gawing mas kapani-paniwala ang sarili sa iyong mga tagapakinig; Huwag
paputol putol; Magkaroon ng koneksyon sa iyong tagapakinig; Magpakita ng impormasyon sa iba’t ibang
pamamaraan; Magisip ng isang magandang paraan upang makuha ang opinyon ng iyong tagapakinig; at,
❖ Gumamit ng iba’t ibang paraan ng komunikasyon. ...

You might also like