You are on page 1of 6

ANG ULIRANG PAMILYA

Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo? May ilang taong naniniwalang ang
isang pamilyay tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila:
pagmamahal,katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship) at iba pang
magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanmat nais nila ng mga bagay na
ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya. Nagiging
maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga
tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may
makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating
mga
pamilya,
kailangang
magtanim
muna
tayo
ng
pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isat isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa
kahon. Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay magpapabasyo sa kahon sa malaot
madali.
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring
mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa:

isang ina, ama, at mga anak, o

isang ina na may isa o higit pang anak, o

mga lolot lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o

mag-asawang walang anak.

Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tumutulong


silanghumubog ng mga taong nagiging katulad natin. Kung kailangan
nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon
tayo ng matatatag na pamilya.

Anim ang Katangiang Kailangan sa Pagbubuo ng Matatag na Pamilya


Para mapuno ang kahon,
na katangian ang isang pamilya:

kailangang

magkaroon

ng

sumusunod

may pananagutan (komitment) sila sa isat isa;

nagpapakita ng pagpapahalaga;

may mabuting komunikasyon;

may panahong nagkakasama-sama sila;

sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang


mga pagpapahalaga;

nakakaagapay sa stress.

Pananagutan/Komitment
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon
ng pananagutan sa isat isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang
pangkat, at sa pag-aalaga sa isat isa. Maraming paraan para maipakita ang
pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Narito ang
ilan:

Maging tapat sa inyong pamilya. Bawasan ang mga aktibidad sa labas


at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila.

Tuparin ang mga pangako sa ibang miyembro ng pamilya.

Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.

Maging maaasahan. Tumawag sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi.

Tumawag at magsabing mahal kita kung naglakbay ka sa malayo.

Bumuo ng mga alaalang pampamilya. Magtago ng family album na may mga


retrato at kuwento.

Kapag may problema, tumawag kaninuman, sa isang kamag-anak, kaibigan o


isang tagapangalaga ng kalusugan*, para matulungan kayong harapin ito.

Ano pa ang ibang paraan para maipakita ninyo ang pananagutan?

Pagpapahalaga
Kapag ipinakikita natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga salita at
gawa, naipakikita natin sa ating pamilyang pinahahalagahan at itinatangi natin
sila. Maiging isipin kung gaano natin pinahahalagahan ang iba. Ngunit, hindi nila
malalaman ang nararamdaman natin hanggat hindi natin sinasabi. Maraming
pamilya ang may espesyal na pagtitipon kung Araw ng mga Ina o Araw ng mga Ama
upang maipadama ang pagpapahalaga sa magulang. Maraming kultura ang
nagdiriwang ng mga tanging araw para parangalan ang mga bata. Narito ang ilang
ideya tungkol sa ibang paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga:

Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya y mahal ninyo.

Magsabi ng anumang positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.

Sorpresahin ang isang miyembro ng pamilya (halimbawa, isang ginawang


kard) kahit na walang okasyon.

Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya.

Hanapin ang mabuti sa bawat miyembro ng pamilya. Sabihin ito sa kanila.

Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit,


paglalaba, paghuhugas ng pinggan, atbp.)

Maglista ng 5 bagay na gusto ninyo sa isang miyembro ng pamilya. Ibigay


ang listahan sa miyembrong iyon bilang isang regalo.

Pag-agapay
Dumaraan sa panahong nagkakaproblema ang pamilya. Magagamit nila ang
problema para maging lalong matatag at malapit sa isat isa. Kung
medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang
oportunidad
para
maging
matatag. Narito
ang
ilang
bagay
na
maaaring subuking kung dumating ang problema.

Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.

Humingi ng tulong sa sinumang dumaan na sa katulad na krisis (kamag-anak,


kaibigan, kapitbahay), o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng
sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Tumawag sa isang crisis
hotline o minister. Makatutulong silang humanang ng tutulong sa inyo.

Matutong magsama-sama bilang isang pamilya. Sa pamamagitan


pagsasama-sama.Maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap
problema.

Tandaang ang anumang pagbabago sa buhay -- pagsilang ng isang anak,


bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro--ay
laging stressful.

Tandaang ang mga stress, problema at paghihirap ay bahagi ng buhay.

Harapin ang mga problema nang dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga


bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.

Huwag alalahanin ang mga nakalipas o ang mga bagay na wala


kayong kapangyarihangkontrolin.

Manood ng isang nakakatawang sine, tumawag sa isang kaibigan,


makipagkuwentuhan nang masasayang kuwento, piliting tumawa at/o umiyak.

Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan


magrelaks. Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

ng
na

kayong

Komunikasyon
Gaano man kahirap, importante sa isang pamilyang magkaroon ng
komunikasyon. Kailangan nating kausapin, pakinggan, at unawain ang isat
isa. Kailangang may makahati tayo sa ating mga kaisipan at damdamin. Sa ganitong
paraan tayo natututong magtiwala at umasa sa isat isa.
Araw-araw, nagbibigay ng pagkakataon ang buhay para gawin ito. Narito
ang isang halimbawa:

Magbigay ng pagkakataon para mag-usap -- sa paglalakad, pagkain, o habang


naghuhugas ng pinggan. Pag-usapan ang mga pang-araw-araw, gayundin ang
mahahalagang bagay.

Sabihin ang masasakit at nakahihiyang karanasan, gayundin ang mabubuti.

Maging isang mabuting tagapakinig -- sa katandaan man o kabataan.

Kung mainisin o masyadong tahimik ang isang miyembro ng pamilya,


tanungin kung ano ang problema, ngunit maging sensitibo rin kung
nangangailangan ito ng pribasya.

Maging bukas-loob na magsabi kung ano ang nakaaabala sa inyong isip o kung
ano angikinagagalit ninyo; huwag hayaang lumala ito.

Maging ispesipiko. Sabihing isa-isa ang problema. Igalang ang ideya ng


bawat isa kahit hindi ninyo ito sinasang-ayunan.

Alisin ang karahasan sa pamilya. Magtalo nang walang paluan. Disiplinang


walang sampalan.

Oras
Dahil masyadong marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay, wala tayong
panahong makita o makasama ang isat isa. Mahalagang maglaan ng panahon para
magkasama-sama upang makita ang isat isa at maging matibay ang bigkis ng
pamilya. Maraming paraan para magkasama-sama. Nakalista sa ibaba ang ilan:

Basahan ng libro o makipagkuwentuhang kasama ang mga bata bago matulog.

Patayin ang TV at maglarong magkakasama.

Gugulin ang mga holiday at espesyal na okasyon sa piling ng buong


pamilya. Magplano ng mga lingguhang gawaing kalulugdan ng buong
pamilya.

Paminsan-minsan, isama sa trabaho ang inyong mga anak para makita nila
kung ano ang ginagawa ninyo.

Magtrabaho bilang isang pamilya sa isang proyektong pang-eskwela o


pangkomunidad, gaya ng pamumulot ng basura.

Kahit isang beses isang araw, kumaing magkakasalo bilang isang pamilya.

Dumalo sa miting ng mga magulang, sa isang pangyayaring pang-isport o


pang-eskuwela, at sa mga seremonyang kumikilala ng tagumpay ng isang
miyembro ng pamilya.

Gawing malaki o importante ang kaarawan ng bawat isa.

Makipag-ayos sa isang mag-aalaga ng bata para makapag-date kayo ng


inyong kabiyak nang kayo lamang dalawa.

Pagpapahalaga at Paniniwala
Nagsisimba man sila o hindi, may pinananaligang dakilang kabutihan o
kapangyarihan sa kanilang buhay ang matatatag na pamilya. Ang pananalig na iyon
ang nabibigay sa kanila ng lakas atlayunin. Iniimpluwensiyahan nito ang kanilang
pang-araw-araw na kaisipan at kilos. Ang sumusunod ang ilan sa mga paraan kung
paano maipapatupad ng pamilya ang kanilang paniniwala:

Tratuhin ang pamilya kung paano mo tatratuhin ang sarili.

Imbitahan ang isang kaibigang makipaghapunan sa inyong pamilya.

Ipagdiwang ang religious holidays sa piling ng pamilya.

Makipagpangkat sa inyong pamilya sa pangangalaga ng kalikasan: bawasan


ang mga ginagamit; mulit muling gamitin ang ilang bagay, mag-recycle ng
papel, bote, plastik at iba pang karaniwang itinatapon.

Gumamit ng kuwento sa pagtuturo sa mga anak ng pagpapahalagang gaya


ng katapatan,paumanhin at pananagutan.

Magboluntir ng oras o pera sa isang kapaki-pakinabang na layuning


pinaniniwalaan ninyo.

Magkakasamang magsimba o magpasalamat,


ng pagsampalatayangginagawa ng inyong pamilya.

Maging modelo ng inyong pamilya sa pagsasabuhay ng inyong mga


paniniwala.

sa

anumang

paraan

You might also like