You are on page 1of 1

Pananagutan/Komitment

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon


ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat,
at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan
at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Narito ang ilan:
Maging tapat sa inyong pamilya. Bawasan ang mga aktibidad sa labas
at gumugol ng mas maraming oras sa piling nila.
Tuparin ang mga pangako sa ibang miyembro ng pamilya.
Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha.
Maging maaasahan. Tumawag sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi.
Tumawag at magsabing “mahal kita” kung naglakbay ka sa malayo.
Bumuo ng mga alaalang pampamilya. Magtago ng family album na may mga
retrato at kuwento.
Kapag may problema, tumawag kaninuman, sa isang kamag-anak, kaibigan o
isang tagapangalaga ng kalusugan*, para matulungan kayong harapin ito.
Ano pa ang ibang paraan para maipakita ninyo ang pananagutan?

You might also like