You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

SANGAY NG BOHOL
Kagawaran ng Edukasyon
Region VII, Central Visayas

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Pangalan ng Guro: ERLON J. PARDENO JR. Paaralan: MATER DEI COLLEGE


Posisyon: Guro sa Filipino Petsa: ENERO 23, 2023
Asignatura: FILIPINO Baiting: 06 Kwarter: 3rd Takdang Oras: 50 minuto
Kasanayan Hango sa Koda:
Kurikulum: Naiisa-isa mo ang mga argumento sa binasang (F6PB-IIIe-23)
teksto

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa ang


Susi sa Pag-unawa na Lilinangin
mga argumento sa binasang teksto.
1. Mga Kategorya Kaalaman Nalalaman ang kahulugan ng argumento;
Kasanayan Napag-iisa-isa ang mga argumentong ginamit;
Nakasusulat ng limang dahilan o patunay sa isang
tekstong argumento; at
Kahalagahan Napapahalagahan ang isang argumento.
2. Nilalaman Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa Binasang Teksto
3. Kagamitang Pagtuturo Loptop, Powerpoint, Youtube, Larawan, Chalk, Blackboard.

4. Pamamaraan

* Panalangin
* Pag-tsek ng atendans
4.1 Panimulang Gawain
* Pagpapanatili ng kalinisan
* Pagbabalik aral
* Ipapakilala isa-isa ang mga salitang pananong at gagawan nila ito ng
4.2 Estratehiya
pangungusap.
* Pagtatanong
4.3 Pagsusuri 1. Madali lang bang gamitin ang mga salita?
2. Ano kaya ang tawag sa kanila?
4.4 Pagtatalakay * Pagpapahayag/Bahagian

^ Pagtalakay sa “Pagbuo ng Tanong Matapos Mapakinggan ang Salaysay”


Ang tao ay nagtatanong dahil sa mayroon siyang nais malaman. Mayroon sa
kanya na hindi maliwanag. Kailangan niya nang malinaw na sagot. Kaya,
kailangan niyang magtanong. At sa pagbuo ng mga tanong dapat ito ay
maliwanag, at nauunawaan ng kausap. Tandaan na ang pangungusap na
patanong, ay palaging nagtatapos sa tandang pananong (?).

Ginagamitan ito ng mga salitang pananong tulad ng sumusunod;


a. Ano- ang tanong kung ang nais malaman ay bagay, pangyayari, katangian
o pagpapahalaga.
b. Sino- ang tanong kung ang nais tukuyin ay tao o tauhan.
c. Saan- ang tanong kung ang gustong tukuyin ay lugar.
d. Kailan- ang tanong kung ang nais tukuyin ay oras o panahon.
e. Alin- ang tanong kung pumipili sa pagitan ng dalawang tao, hayop, lugar o
pangyayari.
f. Ilan- ang tanong kung ang itinatanong ay dami o bilang.
g. Bakit -ang tanong kung kailangan nang paliwanag na sagot.
h. Paano- ang tanong kung tinatanong ay paraan o pagkaganap ng kilos.
Upang mas maintindihan, basahin ang talata o ang maikling salaysay na nasa
ibaba.
Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina tuwing recess. Kantina ito ng
paaralan. Ayon sa kanila, may mahal at mura na mga paninda rito. Masarap
ang mga pagkain at malinamnam. Malinis ang mesa. Pero minsan marumi ang
basahan. Maingay ang ilang mga bata ‘pag recess pero, mas marami ang
tahimik. Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila.

Halimbawang tanong tungkol dito.


1. Saan nagpupunta ang mga mag-aaral tuwing recess?
2. Kailan nagsasama-sama ang mga mag-aaral sa kantina?
3. Anong uri ng paninda o bilihin ang mabibili mula sa kantina?
4. Alin daw dito ang minsan ang ay marumi? 5. Sino-sino ang mga maiingay
tuwing recess?
4.5 Paglalapat Bumuo ng tatlong tanong tungkol sa isang salaysay na makikita sa PLM.
(Tatanungin ang mga mag-aaral sa mga tanong na ito.)
1. Bakit mahalagang gamitin ang mga salitang pananong?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga salitang pananong?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo kaya mapapahalagahan ang paggamit
4.6 Paglalahat ng mga salitang pananong sa isang salaysay?

Sa pagbuo ng mga tanong, napakahalaga nito sapagkat dito tayo kumukuha


ng mga impormasyon upang makamit natin ang nais na kasagutan. Kaya,
dapat tayo ay maalam sa paggamit ng mga pananong upang magkaroon pa
tayo ng maraming kaalaman sa ating kinagagalawan.
Magdala ng diksiyonaryo at magkaroon ng paunang pagbasa tungkol sa
/ 4.7 Takdang Aralin
kasingkahulugan at kasalungat.

You might also like