You are on page 1of 4

MINALABAC NATIONAL HIGH SCHOOL

Del Carmen-Del Rosario, Minalabac, Camarines Sur


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MASUSING BANGHAY SA FILIPINO


(Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga hakbang)

I. MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. natatalakay ang proseso sa paghahanda ng tekstong prosidyural,
b. naipaliliwanag ang mga uri ng tekstong prosidyural,
c. nasusundan ang mga hakbang sa isang tekstong prosidyural, at
d. nakagagawa ng presentasyon batay sa isang tekstong prosidyural.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
p. 100-109
Mga kagamitan: laptop, projector

III. PAMAMARAAN:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PAUNANG GAWAIN
1. Pagbati
“Magandang araw sa inyong “Magandang araw din po, Gng Sacramento.”
lahat.”
2. Panalangin
“Magsitayo ang lahat para sa
Panalangin.”
(Pangungunahan ng isang mag-aaral) “Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito
na ipinagkaloob mo sa amin, nawa’y gabayan mo
po kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw
na ito. Sana gabayan nyo rin po ang aming mga
guro na siyang nagtuturo sa amin araw-araw.
AMEN.”

3. Pagsasaayos ng silid- aralan


“Bago kayo umupo maaari bang “Opo, Ma’am.”
pulutin ninyo ang mga kalat at
paki- ayos na rin ng mga silya
ninyo?”

“Maaari na kayong umupo” “Salamat po.”

4. Pagtsek ng atendans
(tatawagin ng guro isa-isa ang
Mga pangalan ng mga
mag-aaral).

5. Pagkuha ng takdang-aralin
“klas, nagawa nyo ba ang inyong “opo, ma’am”
mga takdang-aralin?”

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
“Magpapakita ang guro ng
mga larawan tungkol sa mga gawaing
May sinusunod na prosidyur”.
2. Pangganyak na tanong:
Bakit kaya sa tingin ninyo May mga gawain tayong ginagawa na kailangan ng
may mga bagay tayong gabay para maisagawa ng maayos. Kung walang
mahirap gawin?. mga hakbang, maaaring hindi maging maganda
ang kalabasan ng isang gawain.

C. PAGLALAHAD
“Ang ating aralin sa araw na ito ay “Opo, Ma’am”
tungkol sa Tekstong Prosidyural”.

D. PAGTALAKAY
“Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral
para basahin ang kahulugan ng:

 Tekstong Prosidyural Ang Tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na


nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa
ang isang bagay o Gawain. Sa Tekstong ito,
pinapakita ang mga impormasyon sa chronological
na paraan o mayroong sinusunod na
pagkakasunod-sunod.

 Apat na bahagi ng Tekstong 1. Layunin


prosidyural 2. Mga kagamitan / sangkap
3. Metodo/hakbang
4. Konklusyon/ebalwasyon

 Mga karaniwang 1. Pamagat


pagkakaayos/pagkakabuo ng 2. Seksyon
Tekstong prosidyural 3. Sub-heading
4. Mga larawan o visuals

E. PAGLALAHAT
 Ano ang tekstong prosidyural?
 Ano-ano ang apat na bahagi ng
tekstong prosidyural?
 Paano naaayos o nabubuo ang
Tekstong prosidyural?

F. PANLINANG NA GAWAIN
“Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat,
Ang bawat pangkat ay magpapakita ng isang
presentasyon na nagpapakita ng prosidyur kung
paano gawin ang isang bagay”.

“Mayroon lamang 5-7 minuto ang bawat pangkat


upang ipakita ang prosidyur ng kanilang
presentasyon”.
Tatayahin ang inyong kakayahan batay sa
sumusunod na panukatan:

BATAYAN NG KAUKULANG
GRADO PUNTOS GRADO
Napapanahon
at kapaki-
pakinabang 10
ang napiling
paksa.
Tumpak ang
mga datos at 10
impormasyon
g ginamit sa
presentasyon.
Sistematiko
ang
paglalahad ng 10
bawat
hakbang.
Malikhain at
maayos ang 10
kabuuang
presentasyon.
KABUUAN 40

G. PAGPAPAHALAGA
“Bakit mahalaga sa pag- aaral ang pag-
unawa sa mga Tekstong prosidyural?
Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA:

Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang


letra ng tamang sagot.

1. Ito ay naglalaman ng mga pamamaraan Mga sagot:


kung paano masusukat ang tagumpay ng 1.A 6.TAMA
prosidyur na isinagawa. 2.C 7.MALI
a. Ebalwasyon 3.B 8.MALI
b. Metodo 4.A 9.TAMA
c. Kagamitan 5.C 10.TAMA
d. Target na awtput

2. Nakalista ito sa pamamagitan ng


pagkakasunod-sunod kung kalian
gagamitin.
a. Ebalwasyon
b. Metodo
c. Kagamitan
d. Target na awtput
3. Serye ng mga hakbang na isinasagawa
upang mabuo ang proyekto.
a. Ebalwasyon
b. Metodo
c. Kagamitan
d. Target na awtput

4. Nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa


kung anong bagay ang gagawin o
isasakatuparan.
a. Pamagat
b. Seksyon
c. Sub-heading
d. Visuals o mga larawan

5. Mahalaga ito sapagkat may mga bagay na


mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga
salita.
a. Seksyon
b. Sub-heading
c. Visuals o mga larawan
d. Pamagat

II. Tama o Mali.


_____6. Ang pagbibigay ng malinaw at
detalyadong deskripsyon ay dapat na isakatuparan
sa paglalarawan.
_____ 7. Ang paggamit ng isang di-tiyak na wika at
mga salita sa Tekstong prosidyural ay dapat na
isaalang-alang.
_____ 8. Mahalagang isaalang-alang ang seksyon
upang magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
_____ 9. Ang sub-heading ay binibigyan din ng
pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng
prosidyur.
_____ 10. Ang ebalwasyon ay pagtataya kung
nakamit ang kaayusan ng prosidyur.

V. TAKDANG-ARALIN:
Basahin ang sumusunod na seleksyon
hinggil sa pagiging ligtas sa paggamit
ng internet. Sundin ang prosidyur at
sagutin ang sumusunod na mga
tanong sa isang buong papel.
P. 105-108 sa ating batayang aklat.

Inihanda ni:

NENITA F. SACRAMENTO
Guro

You might also like