You are on page 1of 9

Detailed Lesson Plan

Araling Panlipunan
Baitang: Apat (4)
Asignatura: Araling Panlipunan 4
Markahan: Unang Markahan; Unang Linggo
I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto
ng bansa.

Pamantayan sa Pagkatuto Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang


bansa.

Pamantayan sa Pagkatuto/ Mga Layunin Sa pagtatapos ng 40 minutong aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang konsepto ng bansa.
2. Napahahalagahan ang mga
elemento na bumubuo sa isang
bansa.
3. Naipapahayag ang mga elemento
ng konsepto ng bansa.

II. Nilalaman Ang Pilipinas ay Isang Bansa

A. Sangguniang Aklat: Araling Panlipunan 4, Yunit 1, pp. 12-15.

B. Mga kagamitang Pampagtuturo Laptop, Mga Larawan, Telebisyon, Marker

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago ang Talakayan
A. Panimulang Gawain

 Pagbati
“Magandang Umaga mga bata!” “Magandang Umaga din po!”

Pagdarasal

“Tumayo ang lahat at iyuko ang mga ulo at
tayo ay manalangin” (Tatayo ang mga mag-aaral at
mananalangin.)
1. “Ama naming makapangyarihan, tulungan
ninyo kaming maging mapagbigay sa aming mga
kaklase. Bigyan niyo po kami ng kahandaan
upang tumugon sa mga pangangailangan ng
aming kapwa. Amen.”
2.

 Pag-tsek ng mga lumiban at hindi


lumiban sa klase
“Magandang hapon mga bata!"
"Bago tayo umupo, pulutin muna ang mga "Magandang hapon din po!"
basura sa ilalim ng inyong mga upuan at ayusin (Ang mga bata ay tumayo at pinulot ang
ang ayos ng mga upuan." mga kumakalat na basura at inaayos ang
"May lumiban ba sa ating klase ngayon?” kabilang mga upuan)
(Ang mga mag-aaral ay sasagot kung may
lumiban o wala)
“Handa na ba ang lahat na makinig at matuto ng
bagong kaalaman?”
“Opo Ma’am!”
B. Pagganyak

“Ating simulan ang ating talakayan ng


masigla kaya naman magkakaroon muna tayo ng
isang palaro. Ang tawag sa larong ito ay Family
Feud.
Hahatiin natin sa dalawang grupo ang klase at
bawat grupo ay pipili ng limang estudyanteng
sasalang sa palaro para sa bawat kategorya. May
ipapakita akong mga salita tapos mag iisip kayo
ng sagot depende sa hinahanap ng nasabing
kategorya. Ang unang tamang makasasagot ay
mabibigyan ng pagkakataon na makapagdesisyon
kung ilalaban ba nila o ipapasagot sa kabilang
grupo ang kategorya. Naintindihan ba ang
mekaniks mga bata? Huwag kayong mag-alala
kayang-kaya ninyo ito. Handa na ba kayo?”

Kategorya 1: Trabaho o Propesyon sa Pilipinas


Kategorya 2: Landmarks ng Pilipinas
Kategorya 3: Mga Bayani ng Pilipinas
“Opo Ma’am!”

 Inaasahang sagot

Kategorya 1:
Teacher
Doctor
Police
Soldier
Nurse

Kategorya 2:
Mt. Mayon
Rizal Park
Banaue Rice Terraces
Chocolate Hills
Boracay Beach

Kategorya 3:
“Magaling!” Jose Rizal
Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo
"Tungkol saan ang ating laro?" Lapu-lapu
Melchora Aquino

"Mahusay! Ito ay tungkol sa mga bagay na


mayroon ang isang bansa na siya ring kanilang
tatak o pagkakakilanlan ng isang bansa.”
"Tungkol po sa mga mahahalagang bagay
C. Pagbabalik-Aral sa isang bansa"

“Noong kayo ay nasa ikatlong baitang


tinalakay ba ninyo ang tungkol sa mga rehiyon?

“Natatandaan niyo pa ba kung ano ang


kahulugan ng rehiyon?

"Mahusay! Ang rehiyon ay isang lugar kung


saan pinagbubuklod ang may magkakaparehong
katangian at kultura. Ngayon, dumako na tayo sa
ating bagong aralin. Ito ay isa ring lugar na
pinagbubuklod ang mga may magkakaparehong “Opo ma’am!”
katangian, kultura at lengguwahe ngunit mas
malaki ang sakop nito; ito ay ang bansa.
“Ito ay isang bahagi ng daigdig na
pinagbuklod ng magkakaparehong
D. Paglalahad ng mga Layunin at Paksa katangian at kultura.

“Ngayon ay dumako na tayo sa ating aralin, ito


ang ating unang aralin para sa unang markahan.
Ang paksang ating tatalakayin ngayon ay tungkol
sa ‘Ang Pilipinas ay Isang Bansa’. Paano nga ba
natin masasabi na ang isang lugar ay isang
bansa? Bakit tinawag na bansa ang Pilipinas?
Ano ba ang kahulugan ng bansa?”

“Huwag kayong mag-alala, masasagutan ninyo


ang mga katanungang iyan kung kayo ay
makikinig ng mabuti sa ating talakayan ngayon.
Handa na bang makinig ang lahat?”

“Opo Ma’am”

Talakayan
A. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan

“Ngayon mga bata, alam niyo na ba ang


pangalan ng ating bansa?”
“Pilipinas po, Teacher”
“Tama! Ang ating bansa ay tinatawag na
Pilipinas.”

“Alam niyo bang maraming mga bansa sa


buong mundo, kabilang na doon ang
ating bansang Pilipinas?
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may
naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung kaya makikita ang
iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon, at lahi. Dahil tayo ay nakatira
sa iisang bansa, tunay bang tayo’y
magkakatulad ng kultura at wikang
sinasalita?”

“Tama. Tayong mga nakatira sa isang “Opo”


bansa ay may magkakaparehong wika,
pamana, relihiyon, at lahi.”
“Bukod sa Pilipinas, may alam pa ba
kayong ibang mga bansa?”

“Paano ninyo nasabing ang mga


binanggit ninyong lugar ay masasabing (Sasagot ang mga mag-aaral ng kanilang
isang bansa?” mga kilalang bansa)

“Mahusay. Ang isang lugar o teritoryo ay


maituturing na bansa kung ito ay binubuo (Sasagot ang mga napiling mag-aaral ng
ng apat na elemento ng pagkabansa– tao, kanilang mga dahilan)
pamahalaan, teritoryo, at ganap na
kalayaan o soberanya.”

“Ano nga ulit ang apat na elemento ng


pagkabansa?

“Tama. Ano-ano nga ba ito?”

Tao- ang tao ay tumutukoy sa grupong “Tao, Pamahalaan, Teritoryo, at ganap na


naninirahan sa loob ng isang teritoryo na kalayaan o Soberanya”
bumubuo sa populasyon ng bansa.

“Ano ang tawag sa ating mga naninirahan


sa bansang Pilipinas?”

Teritoryo- tumutukoy sa lawak ng lupain


at katubigan kasama na ang himpapawid
at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang
tinitirhan ng mga tao na pinamumunuan
ng pamahalaan. “Pilipino po”

“Malawak ba at maraming mga likas na


yaman ang ating bansa?”

Pamahalaan- isang samahan o


organisasyong politikal na itinataguyod
ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
isang sibilisadong lipunan.
“Opo”
“Kilala niyo ba kung sino ang presidente
ngayon ng ating bansa?”

Soberanya o ang ganap na kalayaan- ay


tumutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa kaniyang
nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa
kalayaang magpatupad ng mga programa
nang hindi pinakikialaman ng ibang
bansa.
“Si President Bongbong Marcos po,
Ang soberanya ay may dalawang anyo: ma’am”
 Panloob- pangangalaga ng
sariling kalayaan
 Panlabas- pagkilala ng ibang
bansa sa kalayaang ito

“Sa tingin niyo, malaya ba ang ating


bansa?”

“Lagi ninyong tandaan na hindi maituturing na


bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang
kulang sa alinman sa apat na binanggit na
elemento o katangian.”

“Naunawaan ba mga bata?”

“Magbibigay ako ng mga tanong at ito’y inyong


sasagutan para makita natin kung talagang
kayo’y nakinig sa ating talakayan”

Pamprosesong tanong:

“Opo”
1. Ano ang kahulugan ng bansa?

“Magaling!” “Opo”

1. Anu-ano ang katangian ng isang lugar para


masabing isa itong bansa?

“Ang huhusay naman!”  Inaasahang sagot:

“Ang bansa ay lugar o teritoryo na may


1. Maituturing ba na isang bansa ang Pilipinas? naninirahang mga grupo ng tao na may
Bakit? magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan kung kaya makikita ang
iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi.

“Magaling mga bata! Bigyan ng isang


masigabong palakpak ang inyong mga sarili”
“Ang lugar ay masasabi na isang bansa
kapag may tao, teritoryo, pamahalaan at
kalayaan o soberanya”

“Opo, maituturing na bansa ang Pilipinas


sapagkat ang Pilipinas ay may tao,
pamahalaan, teritoryo at kalayaan o
soberanya.”

(Nagpalakpakan ang mga bata)

Pagkatapos ng Talakayan

“Ngayon ay magkakaroon tayo ng laro. Ito ay


tinatawag na kamay sa dibdib. Hahatiin ko ulit
kayo sa dalawang grupo at bawat grupo ay may
tig-iisang representatibo. Paunahan lamang
silang sasagot at ang unang makasasagot ng tama
ay magkakaroon ng puntos ang kanilang grupo.”

Katanungan:
1. Ibigay ang apat na elemento ng bansa?
 Inaasahang sagot:
1. Magbigay ng dalawang halimbawa ng 1. Tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya
bansa maliban sa Pilipinas. o kalayaan

2. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at 2. (Ang sagot ay nakadepende sa bata)


katubigan kasama na ang himpapawid.

3. Ito ay isang samahan o organisasyong


politikal. Ano ito? 3. Teritoryo

4. Ito ay tumutukoy sa mga grupong


naninirahan sa loob ng isang teritoryo. 4. Pamahalaan

“Magaling! Ngayon ay dumako na tayo sa


pagsasanay upang higit ninyong maunawaan ang
ating aralin ngayon. Handa na ba ang lahat?” 5. Tao
“Opo”

IV. Ebalwasyon

Panuto: Isulat sa inyong papel ang TAMA


kapag tama ang pangungusap, samantalang
MALI naman kapag mali ang sinasabi sa
pangungusap.

“Naintindihan ba mga bata?”


“Opo, ma’am!”
Mga Katanungan:
 Inaasahang sagot:

1. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa.


2. Ang bansa ay matatawag lamang na isang 1. TAMA
bansa kung ito ay binubuo ng apat na 2. TAMA
elemento. 3. MALI
3. Ang bansa ay hindi kinakailangan ang mga 4. TAMA
mamamayan. 5. MALI
4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa
dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at
pamahalaan, at may mga mamamayan.
5. Tao, pamahalaan at teritoryo lamang ang
kailangan upang matawag na bansa ang isang
lugar.

“Sa puntong ito, bago matapos ang talakayan


ay bibigyan ko kayo ng takdang-aralin bilang
preparasyon sa ating susunod na aralin. Gawin
ninyo ito sa inyong bahay at ipapasa bukas.”
IV. Takdang Aralin
Panuto: Alamin kung nasaang parte ng mundo
ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa ng
susunod na paksa sa inyong libro mula sa pahina
16. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Republic of the Philippines

Sorsogon State University

Sorsogon City
Ang Pilipinas ay Isang Bansa

PANGKAT 5
Anthonette Hubilla
Jemiah Andrea Dino
Josie Mae Dig
Ma. Liza Monreal
Nica Destacamento
Ayeisa Espino

You might also like