You are on page 1of 2

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Ayala National High School
Zamboanga City

Banghay Aralin sa Filipino 9


Ikalawang Markahan

I. Layunin
Sa loob ng limampung minutong (50 minutes) talakayan, ang mga mag-aaral ng Grade 9- Osmena ay
inaasahang makakamit ang mga sumusunod na may pitumpu’t limang bahagdan (75%) na katiyakan.

a.) Naitatambal ang nabuong salitana na elemento ng dula sa kahulugan nito.


b.) Nailalarawan nang mga mag-aaral ang mga elemento ng dula sa pamamagitan ng pagbibigay ng
kahulugan nito.
c.) Naibibigay ang iba’t ibang elemento ng dula.

II. Pagsang- Aralin


Paksa: Elemento ng Dula
Sanggunian: Panitikang Asyano 9, pahina 154.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Pagsasaayos ng silid- aralan
c. Pag tatanong ano ang kahulungan ng dula at may alam na halimbawa ng dula.

1. Pagganyak
Hahatiin ang Klase sa limang grupo, bawat grupo ay anim o pitong miyembro.sa mga cartolina ay
mga letra, bubuuin ang mga salita na elemento ng dula. (jigsaw puzzle)

1. PIRKSI = ISKRIP

2. ROTAK = AKTOR
3. NALAHGNAT = TANGHALAN
4. ROTKERID = DIREKTOR

5. DOONNAM = MANONOOD

2. Paglalahad
Pagkatapos buuin, piliin sa pisara kung aling kahulugan ito naayon at ididikit.

1. ISKRIP- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang dula.


- Lahat ng mga nangyayari sa isang dula ay naayon sa iskip.
2. AKTOR o Gumaganap- nagbibigay buhay sa dula at naayon sa iskrip.
3. TANGHALAN- ito ay ang lugar kung saan nangyayari ang isang dula.
4. DIREKTOR- ito ay ang taong namamahala sa isang dula sa lider ng mga aktor.
5. MANONOOD- sila ang taong nanonood ng dula at sa kanila ito nakalaan.

B. Pagsusuri
Sa idinikit ng mga mag-aaral sa pisara. Iwawasto ito ng guro habang tinatalakay ang elemento ng dula

C. Paglalapat
Sa isang buong papel, gagawa ang mga-aaral ng malikhaing graphic organizer na nagbubuod sa limang
elemento ng dula. Bibigyan ng sampung minuto upang gawin ito.

Tatawag ng dalawa o apat na mag-aaral upang ipaliwanag sa pinakamadaling pag-intindi ang natalakay
na elemento ng dula na base na rin sa ginawang graphic organizer.
IV.Ebalwasyon
Magkakaroon ng maikling pagsusulit ng mga natutunan base sa tinalakay. Punan ng tamang sagot.

______________1.isang elemento ng dula ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.sila ang nagbibigasng
diyalogo, nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula.
______________2.sa kanila inilalaan ang isang dula at sila ang sumasaksi sa pagtatangal ng mga aktor.
______________3.Ito ang pinakaluluwa ng isang dula.
______________4.Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
______________5. Ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa
itsura ng tagpuan,ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pangaganap at pagbigkas ng mga tauhan.

Ibigay ang limang (5) elemento ng dula.


6.
7.
8.
9.
10.

V. Kasunduan
Basahin ang isang dula na mula sa Mongolia na “Munting Pagsinta” sa pahina 151-154.

Inihanda ni:

Anna Marie C. Mendoza


Guro sa Baitang 10 Filipino

You might also like