You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 9

Oktubre 14, 2019


I. Mga Layunin
 Napag-uusapan ang Mongolia bilang isang bansa sa Silangang Asya
 Natutukoy mula sa talaan ang mga elemento ng dula
 Naiisa-isa ang mga bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang
pamumuhay ng mga Mongolian

II. Paksang Aralin : Munting Pagsinta ( Dula - Mongolia )


Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Kagamitan : Modyul ng mag-aaral, mga pantulong- biswal

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Paglilinis ng silid-aralan, pagdarasal, at pagbati
2. Pagtatala ng mga liban

B. Panimula
1. Balik-aral
2. Paghahanda sa kamalayan ng mga mag-aaral sa tatalakaying aralin

C. Pagtukas
1. Ang Mongolia at mga Mamamayan Nito
2. Gawain 1. Piliin Mo!
Panuto: Piliin ang mga elemeno ng dula sa kaliwang maskara at
isulat mo ito sa loob
ng maskara sa g awing kanan. ( p. 149 ).
3. Pumili ng mga mag-aaral na babasa ng dula mula sa Mongolia, ang “
Muling Pagsinta”. Ipabasa ito sa isang masining na paraan.

D. Pagtalakay
1. Talasalitaan
2. Isa-isahin ang mga bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang
pamumuhay ng mga Mongolian.
3. Mga Gabay na Tanong

E. Pangwakas na Gawain
Pagsulat ng Journal

Magbigay ng reaksyon tungkol sa maagang pag-aasawa. Sang-


ayon ka ba rito o hindi? Pangatwiranan.

Gng. Dyna R. Bonaobra


Guro sa Filipino 9
IV. Takdang Aralin
Basahin mo ang bahagi ng dula na mula naman sa Pilipinas, ang “
Dahil sa Anak” at suriin
kung ano ang nangingibabaw sa dula.

Banghay Aralin sa Filipino 9

Oktubre 15, 2019


I. Mga Layunin
 Naisasadula ang binasang akda
 Naiisa-isa ang mga bahagi ng dula na naglalarawan ng karaniwang
pamumuhay ng mga Mongolian
 Nakapaglalahad ng saloobin hinggil sa napanood na dula

II. Paksang Aralin : Munting Pagsinta ( Dula- Mongolia )


Dahil sa Anak ( Dula- Pilipinas )
Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Kagamitan : Modyul ng mag-aaral, mga pantulong- biswal

III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Paglilinis ng silid-aralan, pagdarasal, at pagbati
2. Pagtatala ng mga liban

B. Panimula
1. Pagpapangkat ng mga mag-aaral
2. Paghahanda sa gagawing pagsasadula

C. Pagsasagawa
Pagsasadula ng mga pangkat

D. Pagtalakay
1. Sa dulang “ Munting Pagsinta”, magbigay ng mga bahagi ng dula na
nagpapakita ng pamumuhay
ng mga Mongolian. Ipaliwanag.
2. Sa dulang “ Dahil sa anak “, bakit nagtatalo ang 2 tauhan?
3. Batay sa napanood na dula, bakit mahalaga ang payo ng isang
kaibigan?
4. Sino sa mga tauhan ang iyong nauunawaan/hindi nauunawaan?

Gng. Dyna R. Bonaobra


Guro sa Filipino 9
5. Dapat bang pakialaman ng magulang ang pagpapasya ng anak?
Pangatwiranan ang sagot.

E. Pangwakas na Gawain
Sagutin : Sang-ayon ka ba sa maagang pag-aasawa? Bakit/Bakit
hindi?

IV. Takdang Aralin


Basahin ang huling bahagi ng Aralin 2.5 ( Gramatika : Anapora at
Katapora )

Banghay Aralin sa Filipino 9

Oktubre 16, 2019


Miyerkules

I. Layunin :
a. Nakapagbabalik-aral bilang paghahanda sa Ikalawang Panahunang
Pagsusulit
b. Nabibigyang halaga ang mga nagdaang paksa bilang paghahanda sa
Ikalawang Panahunang Pagsusulit.

II. Paksang Aralin : Ikalawang Panahunang Pagsusulit


Sanggunian : Modyul ng Mag-aaral – Ikalawang Markahan
Mga Kagamitan : reviewer, papel at panulat

III. Pamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-aayos ng silid-aralan, pagdarasal at pagbati
2. Pagtatala ng mga liban

B. Panimula
Pamamahagi ng reviewer

C. Pagsasagawa
1. Ipabasa at pasagutan ang mga tanong.
2. Pagwawasto
3. Pagtakalay at pagpapaliwanag sa mga sagot

D. Pangwakas na Gawain
Paglilikom ng mga reviewer

IV. Takdang Aralin


Maghanda para sa Ikalawang Panahunang Pagsusulit :
Gng. Dyna R. Bonaobra
Guro sa Filipino 9
1. Pumasok sa takdang oras.
2 Dalhin ang mga kakailanganin sa pagsusulit.
3. Magsuot ng tamang uniporme at sapatos.

Banghay Aralin sa Filipino 9

Oktubre 18-19, 2019


Huwebes at Biyernes

I. Layunin :
a. Nakakukuha ng Ikalawang Panahunang Pagsusulit nang tapat, wasto, at
maayos.

II. Paksang Aralin : Ikalawang Panahunang Pagsusulit


Sanggunian : Modyul ng Mag-aaral – Ikalawang Markahan
Mga Kagamitan : sipi ng pagsusulit, papel at panulat

III. Pamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-aayos ng silid-aralan, pagdarasal at pagbati
2. Pagtatala ng mga liban

B. Paghahanda
1. Pagbibigay ng mga paalala
2. Pamamahagi ng mga sipi ng pagsusulit

C. Pagsasagawa
Pagkuha ng Ikalawang Panahunang Pagsusulit nang tapat, wasto, at
maayos

D. Pangwakas na Gawain
1. Paglilikom ng mga sipi ng pagsusulit at mga sagutang papel
2. Pag-aayos ng silid-aralan
3. Pagpapauwi sa mga mag-aaral

IV. Takdang Aralin


Basahin ang panimulang bahagi Aralin 3.1 at ang parabulang Ang
Talinhaga ng May-ari ng Ubasan.

Gng. Dyna R. Bonaobra


Guro sa Filipino 9

You might also like