You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

IKA-8 NG ENERO, 2023


Grade 8-Aquino 7:25-8:25

Kasanayang Pampagkatuto Nabibigyang interpretasyon ang tulang


napakinggan. (F8PN-LLi-j-27)

Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong pag-


aaral ng paksa, 80% ng mga mag-aaral ay
inaasahang:

a. nabibigyang kahulugan ang mga piling


taludtod sa tulang “Ang Guryon”.

Paksa: TULA: ANG GURYON

Sanggunian: Filipino 8- Ikalawang markahan aklat ng


pinagyamang pluma pahina 315-317

Kagamitan: Visual Aids, Laptop, Speaker, Cartolina, Mga


Larawan
PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban sa klase
 Pagbabalik-aral
B. Pagganyak (5 minuto)
Gawain: Ginulong Litrato
Panuto: Ayusin ang mga ginulong litrato para mabuo at ipaskil sa pisara.
 Ipangkat sa anim ang klase
 Ang bawat pangkat ay magtutulongan na buuin ang ginulong litrato.
 Paunahan na makabuo o makaayos ang bawat pangkat sa kung ano ang
kabuuan na litrato.
Panuto: Mula sa “4 pics 1 word”
tignan ang larawan at tukuyin
kung ano ito.

Mula sa ating ginawang aktibiti, ano sa palagay niyo ang tatalakayin nating ngayong umaga?

C. Paglalahad (MATHINIK-5 Minuto)

Objective 2 Used a range of teaching strategies that enhance learner achievement in literacy and
numeracy.

Sa bahaging ito ay huhulaan ng mga mag-aaral ang paksa gamit ang mga numero. Bibigyang solusyon
muna ng mga mag-aaral ang math problem sa ibaba upang makuha ang hinihinging letra na nasa kahon.
Narito ang katumbas ng mga letra sa bawat numbero.

A B C D E F G H I J
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
K L M N O P Q R S T
11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
U V W X Y Z
21 22 23 24 25 26

A N G G U R Y O N

5-4= 10+4= 15-8= 3+4= 7*3= 6*3= 5*5 30/2= 28/2=

 Presentasyon ng Layunin
 Ang klase ay manonood at makikinig ng isang video clip mula sa youtube.
“Tulang Guryon”.
D. Pagtatalakay (15 minuto)
 Tatalakayin ang tulang “Ang Guryon”
 Tungkol saan ang tulang napakinggan?
Tungkol sa pagmamahal ng Ama, pagiging matatag, mapagpasensya, pananalig sa Diyos
at tiyaga na makakamtan ang minimithing tagumpay.
 Anong uri ng tula ang napakinggan?
Tulang Imahismo-nagpapahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal. Nagbibigay ito
ng eksaktong paglalarawan. Ang pagbibigay anyo sa mga ideya ay makikita rin.

Annotation

KRA 1 Objective 1 Applied knowledge of content across the curriculum teaching areas

Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya. (EsPs-la-1.1)

Gawain 1:
Ihanay ang hanay A mula sa pagpipilian sa hanay B.
A B
Lagyan ng tali sa bandang ibaba at sa pinagtalian ng patpat. Siguraduhin
na balanse ang pagkakalagay ng tali upang ito ay makalipad ng maayos.

Idikit ang papel de hapon sa patpat na pinagkabit sa


pamamagitan ng pagdidikit ng papel o palara sa bawat gilid.
Gupitin ang papel de hapon sa hugis na diamond na kasukat lamang ng
patpat na pinagkabit.

Pagkabitin ang dalawang piraso ng patpat at itali ito.

E. Paglalapat (15 minuto)

 Pangkatang-Gawain
 Hahatiin sa anim ang klase.
Annotation

KRA 1 Objective 1 Applied knowledge of content within the curriculum teaching areas
Gawain 2:
Integrasyon sa nakaraang baitang (Filipino 7), Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga
Bibigyan ang
tauhan sa bawat pangkat
pinanood (F7PD -IVcng- dmga
-19).piling taludtod na bibigyan nila ng interpretasyon sa
pamamagitan ng:
Unang pangkat- Maikling pagsasadula
Pangalawang Pangkat- Maikling pagsasadula
Pangatlong Pangkat-Pantomime
Pang-apat na Pangkat-Pantomime
Panglimang pangkat- Duplo
Pang-anim na pangkat-Duplo
PAMANTAYAN:
Nilalaman-25%
Pagkamalikhain-25%
Pamamahala ng oras-25%
Pagkakaisa-25%
Kabuuan-100%

F. Paglalahat

 Bilang isang mag-aaral, saan mo maihahalintulad ang iyong buhay?


IV. Pagtataya
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga piling taludtod, titik lamang ang isulat sa sagutang
papel.
(5pts) 1. Tanggapin mo, anak, itong munting Guryon na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti,asul na may pangalan mong sa gitna naroon.
a. Ipinapakita dito ang pagmamahal nang isang magulang sa kanyang anak, na kung saan
binibigyan niya ito ng guryon na nagpapahiwatig ng anumang unos ang dumating sa kanyang
nais na marating huwag mawalan nang pag asa at ito ay matutupad din.
b. Binigyan niya ng Guryon ang anak dahil walang laruan ang anak.
c. Inilalarawan dito ang pagkabagot ng Ama kaya binigyan niya ng Guryon ang anak upang sila’y
makapaglaro
d. Ipinapakita dito ang pagkagaling ng amang gumawa ng Guryon sa kanyang anak.
(5pts) 2. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang Guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo’t
paulo’y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
a. Pinapayuhan ang anak na galingan sa pagpapalipad ng guryon upang hindi sumabit.
b. Ipinapakita dito ang pagtulong ng ama sa pagpapalipad ng Guryon upang maayos at malayo
itong mapalipad kagaya ng pagsubok sa buhay na anumang hirap ay kayang lagpasan hanggat
hindi sumusuko at mananatiling malakas.
c. Ipinapakita ng Ama kung ano ang tamang pagtitimbang ng Guryon.
d. Ipinapakita dito ang kagalingan ng amang gumawa ng Guryon at magpalipad nito.

(5pts) 3. Saka, pag umuhip ang hangin, ilabas at sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapwa’t ang
pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas.
a. Ang ama ay nalagutan ng hininga.
b. Hayaang lumipad ang Guryon.
c. Ipinapakita dito ang tamang pagbalanse ng pisi ng guryon upang kapag ito’y nasa himpapawid
na ay maayos itong makakalipad.
d. Ang Guryon ay nasari dahil sa hanging malakas.

V. Takdang-Aralin
Iguhit ang mensahe o simbolong nakapaloob sa tulang “Ang Guryon”. Iguhit ito sa inyong
portfolio.

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

Bb. RIZAMAE A. MORAN Gng. Sharon V. Rivera


Teacher I Head Teacher I

You might also like