You are on page 1of 5

Filipino VI

Unang Markahan
Ikasiyam na Linggo
8:15 - 9:05 A.M.

I- Layunin:
 Nabibigyang kahulugan ang pahayag sa tauhan sa
napakinggang teksto
 Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng
napakinggang teksto
 Nabibigyang kahulugan ang pahayag sa tauhan ng
napakinggang usapan

II- Paksang Aralin:


A. Kasanayan: Paggamit ng dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng
napakinggang teksto
B. Sanggunian: Ugnayan Wika at Pagbasa pahina 48-49
Bagong Likha Wika at Pagbasa pahina 197-200
C. Mga Kagamitan: mga larawan, cartolina, pentel pen, manila paper,
telebisyon

III- Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

Pagsasanay: (indicator #2)


Bilugan ang panghalip na panao. Isulat sa patlang kailanan.
__________1. Hintayin ninyo ang pagdating nina Steve at Harriet.
__________2. Kayo ay magtulungan sa lahat ng gawain.
__________3. Nagdala sila ng pagkain sa mga manggagawa.
__________4. Ako ay gagawa ng proyekto sa Pilipino ngayong Sabado.
__________5. Kumuha ka ng pagkain sa refrigerator.
Balik-aral: (indicator #1)
1. Ano ang panghalip na panao?
2. Magbigay ng halimbawa ng panghalip na panao at ibigay ang
kailanan.

Pagganyak: (indicator #8)


Magpakita ng larawan ng isang batang babae na may dalang pusa
at iniwan ito sa gitna ng daan. Tanungin ang mga bata ang pag-iwan nito sa
daan. Magtanong pa ng karagdagang mga tanong na maaaring makahinuha ang
mga bata sa posibleng mangyayari.

B. Panlinang na Gawain
A. Paglalahad: (indicator #3)
Basahin ang talata.
Malapit na sa dulo si Matsing. May dala siyang sulo na nakatali sa
kanyang baywang. Humangin at lumakas ang apoy sa sulo. Humingi siya ng
tulong kay Pagong ngunit wala itong magawa. Nang hindi na makaya ni
Matsing ang init at usok ay bumulusok siyang pababa.
Ano ang nangyari? (Pagtatalakay)
Talakayin ang detalye sa pagkuha ng wakas sa isang teksto.

Ang paghinuha ay higit na mataas na antas ng pang-unawa kaysa literal.


Ang literal ay pagtukoy lamang sa nakalahad na detalye samantalang ang
paghinuha ay batay sa mga pahiwatig na nasa teksto. Ang mga pahiwatig ay
mabibigyang-kahulugan batay sa dating kaalaman ng mambabasa tungkol sa
detalyeng nakalahad. Ang mga dating kaalamang ito ay bunga ng mga nabasa,
nakita o nararanasan ng mambabasa.
B. Pangkatang Gawain: (indicator #4)
“Paint me a Picture” Pangkatin ang mga bata sa limang ( 5 ) grupo.
Atasan ang mga bata na isadula ang maaaring wakas ng sitwasyon. Bigyan sila
ng isang minuto sa pag-iisip at pagsasadula ng maaaring wakas.

Sitwasyon: Isang hapon, Si Martha ay inutusan ng kanyang nanay


mamalengke. Pagkatapos niyang mamalengke ay inutusan na rin siya ng
kanyang nanay na magluto ng hapunan. Habang inihahanda niya ang hapunan
ay nanonood siya ng kanyang paboritong teleserye at nakalimutan niya ang
kanyang niluluto.

C. Gawin Ninyo: (indicator #6)


Piliin ang inyong hinuha sa sumusunod na mga sitwasyon. Maglagay ng
tsek sa patlang sa katapat ng sagot mo.

1. Nagtatrabaho sa araw at nag-aaral sa gabi si Michael.


_____ Magkakasit at titigil na sa pagtatrabaho at pag-aaral
_____ Makatatapos siya ng pag-aaral at makakukuha ng magandang trabaho.

2. Inutusan ng nanay si Ben na maghatid ng labada sa bahay ni Gng.


Samson. Nagmamadali siyang makabalik sa paglaro kaya tumakbo siya habang
bitbit ang balutan ng damit.
_____ Maayos at malinis ang damit na iaabot ni Ben kay Gng. Samson.
_____ Madarapa si Ben at madudumihan ang kanyang bitbit na balutan ng
damit.

3. Nag-brown out habang tinatapos ni Nena ang kanyang proyektong


ipapasa kinabukasan.
_____ Hihintayin niyang bumalik ang kuryente para matapos ang kanyang
proyekto.
_____ Matutulog na siya at idadahilan sa guro ang brown out kaya hindi niya
natapos ang kanyang proyekto.

4. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at sinilid sa sako ng
magsasaka.
_____ Ipapakain sa mga alagang hayop.
_____ Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay.

5. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng mga basura sa ilog.


_____ Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtatapon ng basura sa ilog.
_____ Dudumi ito at mamatay lahat ng isda sa ilog.

D. Paglalahat: (indicator #7)


Paano magbigay ng wakas mula sa napakinggang teksto. Anu-ano
ang maaaring isaalang-alang ng mga detalye?

E. Paglalapat: (indicator #5)


Pipili ang guro ng isang maikling kwento na babasahin ito sa
harap ng mga bata. Pagkatapos, bigyan ng pagkakataon ang mga bata na
magbigay ng sarili nilang wakas ayon sa kanilang ibig na mangyari. Ipaliwanag
sa kanila kung bakit ganoong wakas ang kanilang katapusan.

IV- Pagtataya: (indicator #9)


Basahin ang seleksyon. Alamin ang mga detalyeng nakapaloob dito.
Pag-isipan ang magiging wakas nito.

Hindi kaila sa lahat ang unti-unting pagkasira ng kapaligiran. Kapag


tuluyan itong pinabayaan ay lalong maghihirap sa darating na panahon ang
mga mamamayan.
Kaugnay nito, nakiisa sa proyektong pangkapaligiran ng Kagawaran ng
Turismo at Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ang mga mag-aaral
sa ikaanim na baitang. Ang kanilang samahan ay tinaguriang “ Ang Buklod”.
Sila’y nakiisa sa mithiing mapanumbalik ang kagandahan ng paligid. Bilang
panimula, sila ay naglunsad ng isang kampanyang “ Turismo at Kapaligiran,
Sagot sa Kahirapan. “ Ang bawat pangkat ng kanilang samahan ay may mga
hakbang tungo sa kaunlaran. Sinimulan nila ang paglilinis at pag-aayos ng pook
na nangangailangan ng wastong kaalaman kung paano maibalik ang balanseng
ekolohiya ng kapaligiran. Namigay ang bawat pangkat ng libreng paglalagyan
ng mga basura sa mga publikong lugar. Naglunsad din sila ng paligsahan sa
pagpili ng pinakamagandang barangay.

V- Takdang Aralin:
Maghanap ng isang kwento ayon sa inyong gusto. Paghandaan ang
pagbabasa nito sa susunod na araw.

Inihanda ni:
Catherine V. Miedes
Grade VI- Adviser

You might also like