You are on page 1of 7

Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide

Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao


ARALIN Aralin 4: Dula “Lumad, Huwag Lisanin ang Kabundukan” ni Arthur P. Casanova
-Mga pangungusap na walang tiyak na Paksa

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo

F7PT-Ih-i-5 Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram na ginamit sa dula
F9PB-Ig-g-5 Nasusuri ang pagmakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
KOMPETENSI F7PU-IH-i-5 Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan
F7PS-Ih-I-5 Naipapaliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood na dulang panlasangan

Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang kahulugan at elemento ng dula
LAYUNIN 2. Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga tauhan sa napanood na dulang panlasangan
3. Naibabahagi ang nilalaman at simbolismo ng dula

Katapatan
MAHALAGANG PAG-UUGALI Kawanggawa
INILAANG ORAS 4 sesyon (240 minuto)

Balangkas ng Aralin:
1. INTRODUKSYON : (5 minuto)
2. MOTIBASYON : (5 minuto)
3. PAGTATALAKAY : (120 minuto)
4. PAGSASANAY : (25 minuto)
5. PAGPAPALALIM : (60 minuto)
6. EBALWASYON : (25 minuto)

MGA KAGAMITAN Aklat, laptop, at marker


Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

SANGGUNIAN Kalinangan Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan


Aida M. Guimarie (May-akda)
Mercedes DL. Tulaylay (May-akda)

PANGANGAILANGAN NG
PAMAMARAAN
MGA MAG-AARAL

1. INTRODUKSYON (5 minuto)
Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang kahulugan at elemento ng dula


2. Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga tauhan sa napanood na dulang panlasangan
3. Naibabahagi ang nilalaman at simbolismo ng dula

Teacher Tips:
DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang Teacher Tips:
ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay
maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na Teacher Tips:
dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at
hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay
sa isang iskrip.
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

2. MOTIBASYON (5 minuto)
Punan ang grapikong pantulong sa ibaba. Isulat ang mga pagbabago na inyong naobserbahan sa
baryo at lungsod. Matapos ay ipaliwanag ang inyong hinuha at kaugnayan nito sa aralin.

Teacher Tips:

Teacher Tips:

LUNGSOD
Teacher Tips:
BARYO

3. PAGTATALAKAY/PAGLALAHAD (120 minuto Una at Ikalawang araw)

DULA
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa
isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban
na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa
isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

 Ang tagpo ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.


Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

 Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay simula, gitna, at wakas.


 Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
 Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
 Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.

SANGKAP NG DULA
• Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula.
• Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang
mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
• Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula.
• Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
• Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula
tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
• Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
ELEMENTO NG DULA
1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2.Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay depende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

EKSENA AT TAGPO
• Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang
pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

BAHAGI NG DULA
1. YUGTO – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula. inilaladlad ang pangmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.
2. TANGHAL – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng
tanghalan.
3. TAGPO – Ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

URI NG DULA
1.TRAHEDYA – sa dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at ginagamitan
ng masisidhing damdamin. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. 
2.KOMEDYA – ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ang
wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.
3.MELODRAMA – ang dula ay nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting tauhan bagama’t ang uring
ito’y may malulungkot na sangkap. Kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito.
4.PARSA – ang layunin ng dulang ito’y magpatawa sa pamamagitan ng kawil-kawil na pangyayari at mga
pananalitang lubhang katawa-tawa.
5.SAYNETE – ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang ugali. Katulad ng parsa, ang dulang ito ay
may layuning magpatawa.

-(Pagtatalakay ng Dula mula sa aklat)

4. PAGSASANAY (25 minuto)


Gawain 1: Panuto Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap.
1. Anong pagbabago ang naobserbahan ng mangagawang kultural sa kapaligiran ng
kapatagan?
2. Paano ipinakita sad ula na may deskriminasyong nagaganap sa mga katutubong Pilipino?
3. Bakit sinabing mas mapalad ang mga Lumad kaysa sa mga taong naninirahan sa
kapatagan?
Gawain 2: Panuto: Gamitin sa pangungusap and mga hiram na salita na ginamit sa akda.
1. Highway-____________________________________________
2. hamburger-__________________________________________
3. pizza-______________________________________________
4. cultural workers-______________________________________
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

5. kinongkreto-_________________________________________
5. PAGPAPALALIM (60 minuto) Panuto Pangkatang Gawain Ang bawat pangkat ay mayroong
anim hanggang pitong miyembro matapos ito ay pag usapan ang pagbuo ng patalastas o
komersyal. Tiyaking makapupukaw ng interes ang patalastas o komersyal.

Pangkat 1: Bumuo ng patalatas na nag-aanyayang panoorin ang dulang binasa sa pamamagitan


ng paggawa ng poster.

Pangkat 2: Bumuo ng patalatas o komersyal tungkol sa pagpapahalaga sa katutubong kultura ng


ating bansa.

Pangkat 3: Bumuo ng patalasta o komersyal tungkol sa pagkakaiba ng pamumuhay sa baryo at


lungsod.

Pamprosesong tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagpapakita ng kahalagahan sa ating katutubong kultura?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabahagi ang ating katutubong kultura?
3. Ano ang epekto ng pagsasagawa ng patalastas o komersyal upang mahikayat ang mga
manonood na tangkilin ang ating katutubong kultura?

6. EBALWASYON (25 minuto) Quiz IV: A. Punan ng mga salita ang talata. Ang mga salita ay
may kaugnayan sa akdang tinalakay.

Lumad, huwag mong ______________ ang kabundukan. Higit kayong ____________ sa mga tao
sa kapatagan. May sarili kayong _____________, payapang ____________ at malayo sa mga
__________.

B. Ibigay ang kahulugan ng mga salita na ginamit sa dula at gamitin ito sa pangungusap.
1. nangaluntoy-_________________________________
2. masulingan-_________________________________
3. nakabalatay-_________________________________
4. inalipusta-___________________________________
5. pahat-_______________________________________
Subject: FILIPINO 7 Teaching Guide
Essential Topic: WIKA AT PANITIKAN

You might also like