You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE FOR NATIONAL READING PROGRAM


FILIPINO 3
(Reading Enhancement/Intervention)

School Grade 3
Learning NRP-FILIPINO
Teacher Area: (Intervention)

Teaching Date March 22, 2024 Quarter: Ikatlong Markahan


Teaching Section/Time Checked
Guide by:

Session Objectives Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:


(Focus on reading a. natutukoy ang sanhi at bunga ng pangyayari
skills) b. nakapagtatala ng sanhi at bunga na nakapaloob sa
kuwento
No. of
Activities and Procedures
Components Mins

Preparation and 10  Kumusta mga bata? Biyernes na namang muli. Tiyak


Settling In kong magiging masaya at makabuluhan na naman ang
araw na ito.

Pagkatapos ng kumustahan, susundan naman ito ng


interaktibong gawain

Gawain 1

Ipapaawit sa mga bata ang kantang pinamagatang


“Magbasa, Matuto, Magtagumpay”

Song link: https://www.youtube.com/watch?


v=nyS28atz63c

Gawain 2
Matapos ang masayang pag-awit, subukan naman natin
ang pagbabasa ng mga salita gamit ang plaskards

sanhi bunga pangyayari


dahilan resulta

Gawain 3

Paghahawan
© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.
Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 1 of 6

Email Address: ncr@deped.gov.ph


Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

ng balakid:

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang


may salungguhit.Piliin sa loob ng kahon ang wastong
sagot.

malapit ng umulan
nagpapahiwatig
nararamdaman

1. Nagbabadya na umulan nang malakas kaya


umuwi ng maaga ang mga magsasaka.
2. Bumalik na ang mga mangingisda dahil sa
makulimlim na ang panahon.
3. Nabasa ng ulan si Karla kaya sumama ang
kaniyang
pakiramdam.

Dedicated Reading Time 30 1. Pangganyak


Sino sa inyo ang kasama ang nanay at tatay sa
bahay? Ikaw ba ay naging masunurin sa
kanilang mga ipinagbibilin?

2. Pangganyak na tanong
Tungkol saan kaya ang kuwento? Bakit sumama ang
pakiramdam ni Kardo? Ano ang dapat nating gawin
sa bilin ng ating mga magulang?

3. Pamantayan sa pagbabasa ng kuwento:

 Basahin at unawaing mabuti ang kuwento,


tandaan ang mga detalye na nakapaloob sa
kuwento.

 Imomodelo ng guro ang tamang pagbabasa habang


nakikinig ang mga bata.

 Pagbasa ng mga bata:


 lahatan
 pangkatan
 isahan

Si Kardo
Lunes ng umaga, sinabihan si Kardo ng
kaniyang ama na magdala ng payong sapagkat
nagbabadya ang
© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.
Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 2 of 6

Email Address: ncr@deped.gov.ph


Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

malakas na ulan dahil sa makulimlim ang kalangitan.

Dahil sa pagmamadali ni Kardo ay hindi na niya


pinansin ang bilin ng kaniyang ama at nagmamadali na
siyang umalis papuntang paaralan. Naglalakad na si Kardo
at malayo na mula sa kanilang bahay ng biglang
bumuhos ang malakas na malakas na ulan. Siya ay dali-
daling tumakbo at nakarating na sa paaralan. Sa huli
matapos ang araw ay umuwi si Kardo na masama ang
pakiramdam
Gawain 4: Pag-unawa sa binasa

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Bakit sinabihan si Kardo na magdala ng payong?
3. Ano ang bunga ng hindi niya pagsunod sa bilin ng
ama?
4. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng masamang
pakiramdam ni Kardo?
5. Kung ikaw si Kardo,susundin mo ba ang bilin ng
iyong ama? Bakit?

Activity 20 Gawain 5: Pagsasanay sa pagbasa


A. Para sa Full Refresher
Panuto: Pag-ugnayin ang pangungusap sa hanay A sa
tulong ng mga larawan sa hanay B upang maipakita ang
sanhi at bunga ng pangyayari.

HANAY A HANAY B
1. Kumain si Mara ng
maraming kendi

2. Nag-aral mabuti si Mina

3. Kumain ng
masustansiyang pagkain si
Sarina

HANAY A HANAY B

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 3 of 6

Email Address: ncr@deped.gov.ph


Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

4. Nagtapon ng basura sa
kanal

5. Pinutol ang mga puno

B. Gawain
Moderate Refresher

Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba

Naririto ang mga ilang pangyayari sa kuwentong binasa.

Pagtambalin ang sanhi na nasa hanay A at bunga sa


hanay B.

SANHI BUNGA
1. Ulilang lubos na si Irish A. minahal siya na parang
tunay na anak
2.Walang anak ang tiyahin B. naging mas masaya ang
kanilang pamilya
3.Masipag at matiyaga si C.inampon siya ng
Irish matandang tiyahin
4.Mabait ang matandang D.matagumpay ang
tiyahin kaniyang buhay
5.May sarili ng pamilya si E. itinuring siyang parang
Irish tunay na ina

C. Gawain
Grade Level Ready
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isulat kung ano
ang sanhi at
© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.
Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 4 of 6

Email Address: ncr@deped.gov.ph


Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

bunga ng bawat pangyayari.


1. Bumagsak ang gusali dahil sa lakas ng lindol.
Sanhi:
Bunga:

2. Natuyo ang lupa dahil sa tindi ng sikat ng araw.


Sanhi:
Bunga:

3. Tumakbo nang mabilis si Carlo sapagkat maiiwanan


ng bus.
Sanhi:
Bunga:
4. Tumaas ang tubig-baha sa Mandaluyong dahil sa
pag- apaw ng tubig sa ilog.
Sanhi:
Bunga:

5. Itinabi ni Karen ang bulaklak na ibinigay ng


kaniyang ate dahil hindi naman ito mabango.
Sanhi:
Bunga:

Reinforcement and 5 Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba, pagkatapos ay


Reflection iguhit sa bilohaba ang maaaring maging bunga nito.
SANHI
Pagputol ng punungkahoy
Bunga (iguhit)

Wrap Up 5
Pagbabahagi ng natutuhan:
-Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba.

Ang mga dahilan


© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.
Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 5 of 6

Email Address: ncr@deped.gov.ph


Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

at epekto sa isang pangyayari ay tinatawag na ________at


___________.

Ginagamit ang sanhi at bunga upang madali nating


matukoy ang_________ at magiging wakas ng isang
__________.

Ang ________ay ang pinagmulan o dahilan ng isang


pangyayari.
Ang ________ay ang kinalabasan o resulta ng isang
pangyayari.

Prepared by: Reviewed and enhanced by:

CAROLYN C. AVISADO ELISA Q. RUALES


Teacher I Head Teacher III

Checked by:

ROWELA REYES CADAYONA MA. GLORIA G. TAMAYO PhD.


Education Program Supervisor Education Program Supervisor, Filipino
CLMD
WERLITO C. BATINGA
Education Program Supervisor

Approved by:

ALYN G. MENDOZA
Chief Education Supervisor
CID

MICAH D. PACHECO
Education Program Supervisor
Officer-In-Charge, Chief-CLMD

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 6 of 6

Email Address: ncr@deped.gov.ph


Website: depedncr.com.ph

You might also like