You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE FOR NATIONAL READING PROGRAM


(Reading Enhancement/Intervention)

School Grade 3
Learning NRP-FILIPINO
Teacher Area: (Intervention)

Teaching Date March 15, 2024 Quarter:


Teaching Ikatlong Markahan
Guide Section/Time Checked
by:

Session Objectives (Focus on Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:


reading skills) a. naibibigay ang sariling hinuha bago, habang
at pagkatapos mapakinggan ang binasang
teksto,
b. natutukoy ang wastong hinuha sa bawat
sitwasyon, at
c. nakapagtatala nang sariling hinuha gamit ang
graphic organizer mula sa akdang binasa.

Components No. of Activities and Procedures


Mins

Preparation and Settling 10 ➢ Kumustahan ng guro at mag-aaral.


In Song link:
Catch-up Friday Na! Catch-up Fridays Song (by
@micathtv4964 ) (youtube.com)

Catch-up Friday Na!


By: Micath TV
Isang araw na naman
Punong-puno ng kasiyahan
Kami’y maglalakbay
Pagbabasa ang daan
Na, na, na, na, na, na…
Catch-up Friday Na!
Na, na, na, na, na, na…
Kami’y masayang-masaya
Oh kay saya magbasa ng mga libro
Imahinasyon lumilipad na paruparo
Nadadagdagan mga kaalaman
Iba’t ibang lugar ang napupuntahan

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 1 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Paghahawan ng sagabal:

Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa


Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. lulong a. isang laro gamit ang


isang uri ng gadget tulad
ng selpon at laptop

2. online games b. hindi na makapagpigil

3. sinaing c. pagluluto ng bigas upang


maging kanin

➢ Pag-uugnay sa kasagutan ng mga bata sa kuwentong


babasahin.
Ano ang madalas mong laruin?

Pagmasdan ang larawan, at ibahagi sa klase ang


katangiang dapat taglayin ng isang bata sa loob ng tahanan

➢ Pangganyak na tanong:

“Sa inyong palagay, ano ang madalas laruin ng bata sa


kuwentong ating babasahin?
Halina at sabay-sabay nating alamin.”

Dedicated Reading Time 30 Estratehiya sa Pagpapabasa:


Ipaliwanag sa mga bata ang paraan ng pagbasa.
Berdeng linya: Lahat ng mag-aaral
Asul na linya: lalake
Pulang linya: Babae

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 2 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Paghihinuha bago mapakinggan ang teksto


Itanong: Tungkol saan kaya ang kuwento? Bakit
“Mamaya Na Po” ang pamagat nito?

Mamaya Na Po

ni: MAHEStra Catherine M. Alcantara

Si Tony ay isang batang matigas ang ulo at lulong sa


paglalaro ng online games. Hindi niya nagagawa nang
maayos ang mga gawain niya dahil hindi nito mabitawan
ang kaniyang cellphone.

Nanay Celia: Oh Tony, nagawa mo na ba ang iyong


takdang-aralin?

Tony: Mamaya na po mama.

Nanay Celia: Ayan ka na naman Tony. Mamaya na ang


laro at unahin mo muna ang iyong takdang-aralin.

Paghihinuha habang pinakikinggan ang teksto


Katanungan: Ano kaya ang sumunod na
nangyari? Tumigil kaya sa paglalaro si Tony?
Nagawa niya kaya ang kaniyang takdang-aralin?

At tuluyan na ngang nakalimutang gawin ni Tony ang


kaniyang takdang-aralin. Kinabukasan habang nagluluto
si Nanay Celia ay biglang dumating ang delivery ng mga
saging na itinitinda niya.

Nanay Celia: Tony anak, pakitingnan mo nga ang sinaing


at aasikasuhin ko lamang ang ating paninda.

Tony: Opo Inay. Ako na po ang bahala sa sinaing.

Ngunit dahil lulong na naman sa selpon si Tony ay


nakalimutan na niya ang sinaing.

Nanay Celia: Tony! Ang sinaing nangangamoy na!

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 3 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Activity 20 Sagutin ang mga Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano ang katagang paboritong sambitin ni Tony sa
tuwing may ipinag-uutos sa kanya?
3. Ano sa palagay ninyo ang naging reaksiyon ng guro ni
Tony nang malamang hindi niya nagawa ang kaniyang
takdang-aralin?
4. Ano kaya ang nangyari sa sinaing na nakalimutang
bantayan ni Tony? Tama ba ang kaniyang ginawa?
5. Kung ikaw si Tony, gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Bakit?

Ipaliwanag ang paggamit ng graphic organizer sa


pagbibigay ng hinuha.

Pagkatapos kong mabasa ang tungkol sa…


kuwento ng batang si Tony.

Sa tingin ko…
Marami pa siyang kamaliang magagawa kung
ipagpapatuloy niya ang pagiging lulong sa online games.

Dahil…
Palagi niyang nakalilimutan ang mga bilin sa kaniya at
mas inuuna niya pa ang paglalaro.

Mga Gawain:
Grade Level Ready

Panuto: Unawain ang sitwasyon sa bawat bilang.


Pagkatapos ay bilugan ang letra nang wastong hinuha para
sa susunod na mangyayari.

1. Mahilig sa matamis na pagkain si Greg. Itinatago pa


niya sa kaniyang ina ang pagbili niya ng mga kendi
dahil ipinagbabawal ito sa kanya.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 4 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

A. Magiging masaya ang ina ni Greg.


B. Maiinggit ang mga kalaro ni Greg.
C. Sasakit ang ngipin ni Greg.

2. Nagsuot ng dyaket si Alex pagkatapos ay pinagkiskis


niya ang kaniyang mga palad.

A. Nilalamig si Alex.
B. Bago ang dyaket ni Alex.
C. Naiinip si Alex.

3. Masipag mag-aral si Letty. Kahit hindi siya


paalalahanan ng kaniyang ina ay kusa siyang nag-aaral ng
mga leksiyon niya.

A. Tataas ang marka ni Letty.


B. Malulungkot ang kaniyang mga
magulang.
C. Magagalit ang kaklase niya.

4.Nagdala ng payong at kapote si Kat. Madilim ang


kalangitan bago siya umalis ng kanilang bahay.
A. Mamamalengke si Kat.
B. Uulan nang malakas.
C. Maglalaro si Kat sa labas.

5. Nag-aagawan sina Ana at Ben ng kanilang bagong


laruan. Sinabi ng kanilang ama na ingatan nila ito.

A. Nasira ang laruan nina Ana at Ben.


B. Nagtakbuhan sina Ana at Ben sa labas
ng bahay.
C. Kumain sina Ana at Ben kasama ang
kanilang ama.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 5 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Mga Gawain:
Moderate Refresher
Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon ng mga maaaring
gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
1.Paalis ka ng biglang umulan nang malakas.
2.May nakita kang ahas sa daraanan mo.
3.Dumating ka sa bahay,nandoon si Lola.
4. Marami kang kinain sumakit ang tiyan mo.
5.May dala-dalang walis at pandakot si Nanay.

Tatakbo ng mabilis

Magwawalis sa bakuran

Magmamano

Pupunta sa palikuran

Kukunin ang payong

Mga Gawain:
Full Refresher

Panuto: Iguhit ang inyong hinuha sa isang malinis na


papel.

Umiiyak ang sanggol.Binigyan ni Nanay ng ____________.

Kaarawan ni Nanay.May dala si Tatay na ____________

Si Ate ay magbabasa.Kinuha niya sa bag ang ________.

Walang pasok,pupunta ang mag-anak sa ___________.

Araw ng parangal, tatanggap si kuya ng ___________.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 6 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Reinforcement and 5
Reflection Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Punan
ang graphic organizer sa ibaba.

Sa Hardin ni Tiya
ni: Mahestra Catherine M. Alcantara
Paboritong pasyalan ni Thea ang hardin ng
kaniyang Tiya Rosa. Manghang-mangha siya sa
magagandang paruparo na lumilipad sa ibabaw
ng mga bulaklak.
“Nakatutuwa pong pagmasdan ang
nagliliparang paruparo tiya. Ang sarap ding
makipaghabulan sa kanila.”, sambit ni Thea. “Oo
iha, kaya nga dalangin ko sana ay manatiling
malulusog ang ating pananim upang manatili rin
ang kagandahan dito sa ating hardin.”, tugon
naman ni Tiya Rosa.
Isang araw malakas na bagyo ang
sumalanta sa kanilang lugar.

Wrap Up 5
Pagbabahagi ng Natutuhan:
Kompletuhin ang pangungusap sa ibaba.
Sa araw na ito, ako ay (sabihin ang nararamdaman)
_________________________________________________________.
Sapagkat natutuhan ko na
__________________________________________________________
__________________________________.

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 7 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Prepared by:

BERNICE SHALLIMAR B. PADILLA


Teacher III

CATHERINE M. ALCANTARA
Teacher I

Reviewed and enhanced by:

ELISA Q. RUALES
Head Teacher III

Checked by:

ROWELA R. CADAYONA
Division Learning Area EPS

WERLITO C. BATINGA Dr. MA.GLORIA G. TAMAYO


Division Learning Area EPS Regional Learning Area EPS

Approved by:

____________________________
CID Chief

____________________________
CLMD Chief

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.


Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00
Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 8 of 8
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph

You might also like