You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Learners’ Activity Sheets

Filipino 10
Quarter 4 – LAS 1
El Filibusterismo
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusandel Sur
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Operating Unit (Empowered School)
Website.asnhs.webs.com
School I.D.: 304703

Filipino 10
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
QUARTER 4
LAS 1

DAY & TIME LEARNING LEARNING COMPETENCY LEARNING TASKS MODE OF


AREAS DELIVERY
Wake up, make up your bed, eat breakfast and get ready for an awesome day!
Have a short exercise / meditation / bonding with family.
10:00-12:00 am Filipino 10 F10PB-Iva-b-86 Natitiyak ang Mga Pagsasanay
RECESS kaligirang pangkasaysayan Gawain 1. Sagutan ang • Modular (Send
LUNCH
ng akda sa pamamagitan ng: mga pahayag batay sa by Barangay)
1:00- 3:00 pm  Digitized
-pagtukoy sa mga kondisyon tekstong nabasa.
Gawain 2. Batay sa buod (messenger and
sa panahongisinulat ang
ng El Filibusterismo, email)
akda pagpa- patunay ng
pag-iral ng mga kondisyon magbigay ng tig-aapat na
ito sa kabuuan o ilang katangian ni Simoun.
bahagi ng akda, pagtukoy sa Ipaliwanag ang inyong
layunin ng may-akda sa una at ikaapat na mga
pagsulat ng akda. sagot sa positibo at sa
negatibong katangian.

Gawain 3: Opinyon mo,


Ipaliwanag mo! Sagutan
ang mga katanungan
batay sa nilalaman ng
buod.

Pangwakas na Gawain –
Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang mga pokus


na tanong na nasa loob
ng kahon
Katibayan ng Kaalaman

Learners’ Activity Sheets


Filipino 10
Quarter 4 – LAS 1
Pangalan:________________________ Antas at Seksyon:_______________________
Paaralan:_________________________ Petsa:___________________ Iskor:________

I. Pamagat: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


A. Panitikan: Buod ng El Filibusterismo (Dr. Jose P. Rizal)
B Sangguniang Aklat : El Filibusterismo , Muling Paglilimbag 2005,
Karapatang Ari 1999 , Abiva Publishing House, Inc.,
C.Kaalamang Kompetensi:
F10PB-Iva-b-86 – Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng: -pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda, pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda.

II. Tagubilin: Basahin at unawain ang mga talata mula sa El Filibusterismo


El Filibusterismo (Buod)
Isinulat ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda

Labintatlong taon ang lumipas bago bumalik sa Pilipinas si Juan Crisostomo Ibarra. Siya’y
naging kilalang-kilala sa pangalang Simoun sa kanyang pagbabalatkayo bilang isang mayamang mag-
aalahas.
Noche Buena noon at nagsadya si Basilio sa libingan upang dalawin ang puntod ng kanyang
inang si Sisa. …Babalik na sana si Basilio sa bayan nang biglang dumating si Simoun at siya nga’y
nakilala ni Basilio. Hindi naman nagkaila si Simoun. Nagtiwala siya kay Basilio at dito’y ipinagtapat
niya sa binata ang kanyang hangaring maghiganti sa pamahalaang umapi sa kanya at sa kanyang
mga magulang. Hinikayat niyang makiisa sa kanya ang binata subalit ito’y hindi sumang-ayon
sapagkat ayon dito’y ibig niyang makatapos ng pag-aaral.
Hindi matingkalang panggigipuspos ang nadama ni Simoun nang sabihin sa kanya ni Basilio na
sumakabilang buhay na si Maria Clara.
Si Juli, anak na dalaga ni Kabesang Tales ay katipan ni Basilio. Si Kabesang Tales ang kaawa-
awang inagawan ng lupain ng korporasyon ng mga prayle. Hinuli siya ng mga gwardya sibil habang
binabantayan niya ang kanyang lupain. Sa kabilang dako, si Juli ay pumasok na alila kay Hermana
Penchang upang makaipon, at magkaroon ng karagdagan ang salaping itutubos sa nakakulong na
ama. Tinubos naman ni Basilio si Juli mula sa pagkaalila at binilhan ng kubo para matirhan kasama si
Tandang Selo.
May mga pasking diumano’y masasama at mapanganib ang natagpuan sa mga pinto ng
pamantasang pinag-aaralan ni Basilio. Pinaghuhuli ang mga mag-aaral at si Basilio ay kabilang sa
mga hinuli. Labag man sa kalooban ni Juli ay nagtungo siya sa kumbento upang humingi ng tulong kay
Padre Camorra. Naging sanhi ng kamatayan ni Juli ang ginawang pagtalon sa bintana sa kumbento
matapos makipagkita kay Padre Camorra. Nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun. Ipinakita ni Simoun
kay Basilio ang bomba na ginawa. Isang lampara na ihahandog sa kasal nina Paulita at Juanito at
sasabog sa kyoskong kakainan at walang maiiwang buhay. Subalit sa araw ng kasal bago pa
sumabog ang lampara ay inihagis ito ni Isagani sa ilog.
Nawala ang balak na paghihiganti ni Simoun at tumalon ito sa ilog. Nagtago siya sa bahay ni
Padre Florentino sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit na ang mga alagad ng batas ay
uminon siya ng lason upang di mahuli ng buhay. Pagkatapos mangumpisal ni Simoun sa pari ay
namatay ito. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas at naging
kasangkapan ng kanyang paghihiganti ay itinapon ito ni Pare Florentino sa karagatan.
Alam mo ba? Ika-2 nobela (satire) ni Dr. Rizal ang El Filibusterismo na ang ibig sabihin ay ang
paghahari ng kasakiman samantalang ang salitang Filibustero ay kalaban ng simbahan at
pamahalaan.
IV. Mga Pagsasanay
Gawain 1. Sagutan ang mga pahayag batay sa tekstong nabasa.
__________ 1. Kasintahan ni Basilio at tanging nakaalam sa lihim ni SImoun.
__________ 2. Paring nagtapon sa kayamanan ni Simoun sa karagatang Pasipiko.
___________3. Katipan ni Simoun na siyang dahilan ng kanyang pagbabalik.
___________4. Umalila kay Juli.
___________5. Nakatira sa may baybaying karagatan ng Pasipiko.
___________6. Namatay na in ani Basilio.
___________7. Bombang sasabog sa aaraw ng kasal.
___________8. Nagtapon ng lampara sa ilog.
___________9. Pangalan ni Simoun bago bumalik matapos ang 13 taong pagtatago.
___________10. Ginawa ni Ibarra para di siya makilala.
___________11. NAging sanhi ng kamatayan ni Simoun.
___________12. Bilang ng taon bago bumalik si Crisostomo Ibarra.
___________13. Natagpuan sa mga pinto ng Pamantasan.
___________14. Inagawan ng lupain ng mga prayle at ikinulong.
___________15. May-akda ng El Filibusterismo.

Gawain 2. Batay sa buod ng El Filibusterismo, magbigay ng tig-aapat na katangian ni


Simoun. Ipaliwanag ang inyong una at ikaapat na mga sagot sa positibo sa
negatibong katangian.

Katangiang Positibo: Katangiang Negatibo:

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

SIMOUN

Paliwanag: Katangiang Positibo

1._______________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________

Paliwanag: Katangiang Negatibo


1.________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________
Gawain 3: Opinyon mo, Ipaliwanag mo
Sagutan ang mga katanungan sa paliwanag na paraan batay sa nilalaman ng buod.
1. Ano ang mga layunin ni Simoun sa pagbabalik at pagbabalat-kayo niya?
2. Ano ang nais ilarawan ni Dr. Jose Rizal sa katauhan ni Simoun?
3. May kaugnayan ba ang tauhang si Simoun sa may-akda na si Dr. Rizal? Bakit?
V. Pangwakas na Gawain
A. Pagnilayan at Unawain
Sagutin ang mga pokus na tanong na nasa loob ng kahon

1. Ano ang nais iparating ni Dr. Jose Rizal sa kasabihang “Ang Kabataan ang
Pag-asa ng Bayan?”
2. Sa palagay mo, bakit El Filibusterismo ang pamagat ng ating bayaning si Dr.
Rizal sa nobelang ito?

B. Katibayan ng Kaalaman: Ilahad ang mga saloobin batay sa mgabpahayag


sa bawat puso.

Natutuhan ko sa Natuklasan ko sa … Masasabi ko sa…


buong LAS 1

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1: Mga kasagutan

1. Juli
2. Florentino
3. Maria Clara
4. Hermana Penchang
5. Basilio
6. Sisa
7. lampara
8. Isagani
9. Juan Crisostomo Ibarra
10. Nagbalatkayo/balatkayo
11. Lason
12. 13 taon
13. Paskil
14. Kabesang Tales
15. Dr. Jose P. Rizal

Gawain 2: Nasa guro ang pagsusuri sa mga kasagutan

Gawain 3: Nasa guro ang pagsusuri sa mga kasagutan

Gawain 4: Nasa guro ang pagsusuri sa mga kasagutan

You might also like