You are on page 1of 2

DepEd Learning Activity Sheets (LAS)

PANITIKANG PANDAIGDIG – FILIPINO 10

Section/Seksiyon: ______________________________________ Date/Petsa: ________________

LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

MGA AKDANG PAMPANITIKAN


NG MEDITERRANEAN
Background Information for Learners/Panimula (Susing Konsepto)
(Brief discussion of the lesson, if possible cite examples)
Ang Dagat ng Mediterranean ay matatagpuan sa pagitan ng Europe, hilaga ng Africa, at timog-kanlurang
Asia. Sinasaklaw ng Mediterranean ang dalawampu’t dalawa na iba’t ibang bansa mula sa tatlong
kontinente. Ang mga bansang ito ay Algeria, Egypt, Libya, Morocco, Tunisia na nasa kontinente ng Africa,
sa kontinente naman ng Asia – Cyprus, Israel, Lebanon, Syria, at sa kontinente ng Europe – Albania,
Bornia at Herzegovina, Croatia, France, Greece, Italy, Malta, Monaco, Montenegro, Slovenia, Spain, at
Turkey.

Ang Sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na nagpabago at humubog


sa kasaysayan ng mundo. Unti-unting umunlad ang pagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng
komunikasyon tungo sa likhang-sining at panitikan. Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging
batayan ng iba’t ibang uri ng panitikan sa buong mundo.

Sa pagtatapos ng Modyul 1, inaasahang mauunawaan at mapahahalagahan mo ang mga akdang


pampanitikang nakaimpluwensiya sa buong daigdig tulad ng mitolohiya ng Rome, sanaysay ng Greece,
parabulang mula sa Syria, nobela at maikling kuwento ng France, epiko ng Mesopotamia (Iran) at tula ng
Egypt. Malilinang mo rin ang iyong kasanayan sa gramatika at retorika. Masusi mong mapag-aaralan ang
mga pandiwang ginagamit sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari, ekspresiyon sa
pagpapahayag sa konsepto ng pananaw, mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay, panghalip bilang
panuring sa mga tauhan, mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, pagpapahayag ng mga
emosyon, paggamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad. Pagkatapos mong mapag-aralan ang lahat
ng mga ito, malalaman mo kung paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na gramatika at
retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay ng impormasyon (panitikan at iba’t
ibang uri ng teksto). Mapatutunayan mo kung masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay,
paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Maihahambing mo ang mga banyagang panitikan sa ating sariling panitikan. Tiyak na ang lahat ng iyong
pag-aaralan sa modyul na ito ay magpapaunlad sa iyong pagkatuto at pagkatao, at magpapalawak sa
iyong pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas at ng daigdig.

Bilang pangwakas na gawain, magsusulat ka ng suring-basa upang maipahayag mo ang sariling


pananaw, at pagpapakahulugan sa akdang pampanitikan. Ibabahagi mo ito sa isang simposyum na
isasagawa ng buong klase. Magiging gabay mo ang sumusunod na pamantayan: I. Suring-basa: a.)
mabisang panimula, b.) pagsusuring pangnilalaman, c.) pagsusuring pangkaisipan, at d.) buod; II.
Pagbabahagi sa simposyum: a.) kahandaan, b.) paghahatid ng impormasyon, at c.) lalim ng pagsusuri.

Sasagutin mo ang kasunod na paunang pagsusulit sa sagutang papel. Susukatin lamang


sa pagsusulit kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa mga paksang iyong pag-aaralan sa
unang markahan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda

Directions/ Instructions / Panuto

Exercises / Activities / Pamaraan

Guide Questions (if necessary)

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos (if necessary)

Reflection / Pangwakas

References for learners/Mga Sanggunian

Answer Key/Susi sa Pagwawasto

Prepared by/Inihanda ni:

Name of writer/Pangalan ng may akda

You might also like