You are on page 1of 2

“Ang Talinghaga Patungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan”

MATEO 20:1-16

1. Ito ay sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang may-ari ng sambahayan na lumabas nang maagang-
maaga upang umupa ng mga manggagawa sa kaniyang ubasan.

2 Nang nakipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denaryo sa bawat araw, sinugo na niya sila sa
kaniyang ubasan.

3 Lumabas siya nang mag-iikatlong oras na at nakita niya ang iba na nakatayo sa pamilihang dako na walang
ginagawa. 4 Sinabi niya sa kanila: Pumunta rin naman kayo sa ubasan at kung ano ang nararapat, ibibigay ko sa
inyo. Pumunta ngasila.

5 Lumabas siyang muli nang mag-iikaanim at mag-iikasiyam na ang oras at gayundin ang ginawa. 6 Nang mag-
ikalabing-isang oras na, lumabas siya at natagpuan ang iba na nakatayo at walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila:
Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?

7 Sinabi nila sa kaniya: Ito ay sapagkat walang sinumang umupa sa amin.

Sinabi niya sa kanila:Pumunta rin naman kayo sa aking ubasan.Anuman ang nararapat, iyon ang tatanggapin ninyo.

8 Nang magtatakip-silim na, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala: Tawagin mo ang mga
manggagawa. Ibigay mo sa kanila ang kanilang mga upa, mula sa mga huli hanggang sa mga una.

9 Paglapit ng mga dumating ng mag-iikalabing-isang oras, tumanggap ng isang denaryo ang bawat isa. 10 Nang
lumapit ang mga nauna, inakala nilang sila ay tatanggap ng higit pa. Ngunit sila ay tumanggap din ng tig-iisang
denaryo. 11 Nang matanggap na nila ito, nagbulung-bulungan sila laban sa may-ari ng sambahayan. 12 Sinabi nila:
Ang mga huling ito ay isang oras lamang gumawa at ipinantay mo sa amin na nagbata ng hirap at init sa maghapon.

13 Sumagot siya sa isa sa kanila: Kaibigan, wala akong ginawang kamalian sa iyo. Hindi ba nakipagkasundo ka sa
akin sa isang denaryo? 14 Kunin mo ang ganang sa iyo at lumakad ka na. Ibig kong bigyan itong huli nang gaya ng
ibinigay ko sa iyo. 15 Hindi ba nararapat lamang na gawin ko ang ibig kong gawin sa aking ari-arian?Tinitingnan ba
ninyo ako nang masama dahil ako ay mabuti?

16 Kaya nga, ang mga huli ay mauuna at ang mga una ay mahuhuli sapagkat marami ang mga tinawag ngunit
kakaunti ang mga pinili.
Gawain 1: Kahulugan Mo, Ibigay Mo!
Panuto: Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga salita batay sa dayagram.

Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang sagot sa bawat kataungang nakasulat sa ibaba.

1. Ano ang nais ipakita ng may-ari ng ubasan sa panghihikayat sa kalalakihan upang magtrabaho sa kaniyang
lupain
2. Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”, alin sa mga sumusunod ang pinaka
angkop na kahulugan ng pagkakapantay- pantay?
3. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pahayag na “Ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna’’?
A. Mahalaga ang oras sa paggawa.
B. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
C. Kung sino ang naunang dumating, ay siya ring unang aalis.
D. Lahat ay may pantay-patay na karapatan ayon sa napag-usapan.
4. Alin sa sumusunod ang ipinapahatid na mensahe ng akdang “Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”?
A. Ang pagtitiyaga ay magiging daan sa pagkamit ng salapi.
B. Huwag hintaying may ibang kikilos para sa ikabubuti mo.
C. Ang anomang napag-usapan sa paggawa ay kailangang panindigan.
D. Pantay ang sinoman gaano man katagal ang kaniyang iginugol sa
paggawa

Gawain III: Pagsulat ng sanaysay

 Kung ikaw ang may ari ng ubasan, gagawin mo rin ba ang ginawa ng may-ari sa kwentong iyong nabasa?
Kung hindi, ano ang gagawin mo?

You might also like