You are on page 1of 9

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

Wika: Pagpapakahulugang Metaporikal
MODYUL 1 -LINGGO 1 | MARKAHAN 3 | TAONG PANURUAN 2020-202

I. PANIMULA
Ang mga bansang bumubuo sa Kanlurang Asya ay ang mga bansang Turkey, Iraq, Saudi Arabia, Yemen,
Syria, Jordan, Azerbaijan, United Arab Emirates, Israel, Lebanon, State of Palestine, Oman, Kuwait, Georgia,
Armenia, Qatar, Bahrain,at Cyprus. Kabilang sa mga bansang ito ang Jordan at Israel. Ang bansang Israel ay
isa sa pinakamaunlad na bansa sa Kanlurang Asya. Ito rin ay tinaguriang banal na Lupain. Sapagkat, pinili ng
Diyos ang bansang ito upang panggalingan ng Manunubos. Ang nais din ng Diyos para sa bansang Israel ay
sila ang maging tagapagsalita at tagapagturo Niya sa mundo tungkol sa Kanyang mga kamangha-manghang
mga gawa. Ang Israel ay magiging bansa ng mga saserdote, propeta at mga misyonero sa buong mundo. Ang
nais ng Diyos ay maging bukod-tangi ang Israel sa lahat ng bansa, isang bansa na magtuturo sa lahat ng
daan patungo sa Diyos at sa Kanyang ipinangakong Tagapagligtas at Manunubos. Nabigo ang Israel sa
maraming tungkulin nito ngunit ang pinakalayunin ng Diyos para sa Israel ay upang panggalingan ng
Manunubos para sa buong sanlibutan at ito ay perpektong nangyari sa persona ng Panginoong Hesu Kristo.
Ating taluntunin ang isang parabola na nag-iwan ng isang gintong aral. Ginamit ito ni Jesus sa kanyang
pagtuturo.

II. MGA LAYUNIN

A. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabola ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F9PB-IIIa-50)
B. Nauunawaan ang ipinapahiwatig ng mga talinghaga
C. Nakabubuo ng sariling kwento/kaisipan gamit ang mga talinghaga (F9WG-IIIa-53)

III. PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Punan ang patlang ng tamang sagot.

Ang (1)_______________________ay isang simpleng maikling kwento na naglalayong magbigay ng gabay at aral na
(2)_________________ at (3)_________________ sa mga mamababasa. Ang mga kwentong ito ay madalas na hango sa
bibliya na mula kay (4)____________________.

IV. BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______________1. Kawangis ni Jesukristo ang mga ermitanyo. Ano ang

kasingkahulugan ng kawangis?
_______________2. Tinagurian silang mga lagalag sa Silangan, nag-aalaga ng mga
kamelyo, kambing at buriko.
_______________3. Kabisera ng bansang Mongolia.
_______________4. Tanyag na manunulat na nagsabing ang “mundo ay isang teatro”.
_______________5. Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap

V. TUKLASIN
Alam mo Ba?

Nagtatag si David ng Royal Dynasty sa Jerusalem.

Sinakop ni David ang Jerusalem at ginawa niya itong kabiserang lungsod ng Israel. Nakatanggap siya ng pangako
na magkakaroon ng pagdating ng isang ‘Kristo’, at mula noon, ang mga Hudyo ay naghintay para sa ‘Kristo’ na dumating.
Ang anak ni David na si Solomon ang sumunod na naging hari, at si Solomon ay siyang nagtayo ng Unang Templo ng mga
Hudyo sa Jerusalem. Ang mga inapo ni Haring David ay nananatiling mga pinuno para sa 400 na taon. Ang panahong ito ay
sinasabing ang panahon ng kaluwalhatian ng mga Israelita–pinangakuan sila ng mga pagpapala. Ang Israel ay isang
napakalakas na bansa na may isang nangungunang (advanced) lipunan, kultura at ang kanilang templo. Ngunit nakatala rin
F9_K3L1_p.1
sa Lumang Tipan ang kanilang lumalagong korapsyon at pagsamba sa mga idolo sa panahong ito. Ilang mga propeta
noong panahong ito ang nagbigay ng babala sa mga Israelita na ang mga Sumpa ni Moises ay magkakatotoo kapag sila ay
hindi nagbago. Ngunit ang mga babalang ito ay kanilang ipinasawalang bahala.
A. Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat pahayag.

A. Itinuturing itong pinakabanal na ilog sa buong mundo. May pinakamahalagang alaala sa relihiyong
Kristyanismo at Hudismo nang ipinahayag sa bibliya na ang mga Israelita ay tumawid dito patungo sa Lupang
Pangako o Promised Land at dito bininyagan si Hesus ni John de Baptist.

1. Anong ilog ito? Saang bansa matatagpuan ito?

2. Anong bansa naman ang tinaguriang Lupang Pangako?

B. 1. Anong oras na? Tulog ka pa?

2. Kung oras mo na, oras mo na talaga?

3. Alin sa dalawang pangungusap ang maykurot ng talinghaga?

B. POKUS NA TANONG
A. Ano ang layunin ni Jesus bakit gumamit ng parabula sa pagkukuwento?
B. Paano nakatutulong ang mga talinghaga sa kalinangan ng ating kakayahan sa pag-unawa?

VI. LINANGIN
A. Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

__________________1. Tumanggap ng pare-parehong upa ang mga manggagawa.

__________________2. Nainggit ang mga naunang manggagawa sa huling pumasok sa
ubasan dahil nakatanggap sila ng parehong upa.
__________________3. Nagmamay-ari sila ng malawak na taniman ng ubas.

B. Pagbasa sa teksto.

Panuto: Basahin ang parabula.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

Mateo 20:1-16
“Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang taong may-ari ng lupain, isang umaga, maaga siyang lumabas upang
kumuha ng mauupahang mga manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Pagkatapos silang magkasundo ng mga manggagawa sa
halagang isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya ang mga ito sa kanyang ubasan. 3 At paglabas niya nang mag-iikasiyam ng
umaga, nakakita siya sa pamilihan ng ibang taong nakatayo lamang at walang ginagawa. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa
ubasan, at ibibigay ko sa inyo kung anuman ang nararapat.’ 5 At pumunta nga sila. Sa paglabas niyang muli nang magtatanghaling-
tapat na at nang ikatlo ng hapon, ay ganoon din ang ginawa niya. 6 At nang malapit na ang ikalima ng hapon, muli siyang lumabas at
nakakita ng iba pang nakatayo. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo rito at walang ginagawa?’ 7 ‘Wala po kasing
umuupa sa amin,’ sagot nila. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan.’ 8 Papalubog na ang araw, nang sabihin ng may-ari ng
ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa, at ibigay mo sa kanila ang sahod nila, buhat sa mga nahuli hanggang
sa mga nauna.’ 9 Nang lumapit ang mga nagsimulang magtrabaho nang mag-iikalima ng hapon, ang bawat isa sa kanila'y tumanggap ng
isang denaryo. 10 At nang lumapit ang mga nauna, ang akala nila'y mas malaki ang kanilang matatanggap; ngunit tumanggap din silang
lahat ng tig-iisang denaryo. 11 Pagkatapos nilang tanggapin ito ay nagreklamo sila sa may-ari ng lupain. 12 Sinabi nila, ‘Silang huling
dumating ay isang oras lamang nagtrabaho, ngunit ang ibinayad mo sa kanila ay pareho lang ng sa amin na maghapong nagtiis ng hirap
at matinding init.’ 13 Ngunit sumagot siya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, wala akong ginagawang masama sa iyo. Di ba't nakipagkasundo ka
sa akin sa isang sa denaryo? 14 Kunin mo ang nauukol sa iyo at umalis ka na. Napagpasyahan kong ibigay sa huling manggagawa ang
F9_K3L1_p.2
katulad ng ibinigay ko sa iyo. 15 Wala ba akong karapatang gawin ang naisin ko sa sarili kong lupain? O minamasama mo ba ang aking
kabutihang-loob?’ 16 Kaya nga ang hulí ay mauuna, at ang una ay máhuhulí.”

Gawain 2
C. Pag-unawa sa Binasa
1. Sino ang tinutukoy na may-ari ng ubasan?
__________________________________________________________________________
2. Ano ang gagawin mo kung isa ka sa mga manggagawa na maghapong nagtiis sa init ng araw, nagtrabaho at nagpagod
ngunit nalaman mo na katumbas lamang ng halaga ng mga huling dumating ang natanggap mong upa? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
________________________________
3. Ano naman ang maramdaman mo kung ikaw naman ay nakatanggap ng parehong upa kahit kulang ang iyong ginugol na
oras sa pagtatrabaho? Tatanggapin mo ba ang upa na ibinigay saiyo? Bakit? Bakit hindi?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
________________________________
4. Ano ang ibig ipakahulugan ni Hesus na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
________________________________

5. May karapatan ba tayong magdamdam sa ating Panginoon kung sakaling tayo ay hinatulan Sa ating ginawa dito sa lupa?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
________________________________

D. Gramatika
Mga Gawain
Gawain 1
IT’S JOKE TIME!
Panuto: Basahin ang ang simpleng joke ng mag-ama.

Nak, Ano ang Tay, yung

ibig sabihin walang Magbigay
ng disyerto? tumutubo. ka ng Yang…ulo
halimbawa. mo, tay

Mga Tanong:
1. Ano ang literal na sagot ng anak sa kahulugan ng disyerto? ________________________
2. Anong naman ang halimbawang ibinigay nito? ________________________

F9_K3L1_p.3
Gawain 2
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL
TANDAAN!

Ang isang salita o parirala ay maaaring magkaroon ng kahulugang literal o metaporikal. Literal ang kahulugan ng isang
salita o parirala kung ginagamit ito ayon sa orihinal o batayang kahulugan nito.
Hal. Disyerto – anyong lupa na tuyo, walang nabubuhay na halaman. (literal)
disyerto ang ulo - kalbo, panot, walang nabubuhay na buhok. (metaporikal)
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay isang pahiwatig o patagong paghahambing. Ginagamit ang salita o parirala
upang tukuyin hindi ang literal na kahulugan nito kundi ang kahulugang ipinahihiwatig nito. Ito ay isang mapanlikhang paraan ng
nakatagong paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkaugnay ngunit nagtataglay ng ilang parehong katangian.

Hal. disyerto ang ulo - kalbo, panot, walang nabubuhay na buhok. (metaporikal)

Gawain 3
Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang mga salitang nasalungguhitan kung may literal o metaporikal na kahulugan. Isulat ang L kung Literal, M kung
Metaporikal.

_______1. Magaganda ang mga bituin ng ABS-CBN sa gabi ng FAMAS AWARD.

_______2. Maliwanag ang bituin sa langit.
_______3. Nais kong makita ang inyong mga tala sa ating aralin ngayong araw.
_______ 4. Mistulang libingan sa loob ng simbahan.
_______ 5. Kapag umuulan, bumubuhos.

Pagsasanay 2
Panuto: Bumuo ng metaporikal na pangungusap mula sa mga salita. Mga

halimbawa metaporikal na pangungusap

Hal. bola – ito ay pagbibiro

Tigilan mo na nga si Lito, puro ka nalang bola.

1. pawis- ito ay pinaghihirapang gawin
Pangungusap: __________________________________________________
3. pilak- ito ay pera
Pangungusap: ___________________________________________________
4. damo – nangangahulugang tao
Pangungusap: ___________________________________________________
VII. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
A.
PANITIKAN
GAWAIN 1
Emoticon mo ako!
Panuto: Iguhit ang MASAYANG MUKHA kung ang pahayag ay tumutukoy sa katangian ng parabola bilang paraan ng pagtuturo
ni Hesus, MALUNGKOT NA MUKHA kung HINDI.
____________1. Ang parabola ay isang paraan ng paghahambing o metaporikal.
____________2. Ito ay nakatuon sa wakas, hindi sa simula.
____________3. Ito ay upang mang-aliw lamang.
____________4. Ang parabola ay nilikha upang isabuhay.
____________5. Ito ay nagtuturo ng isang simpleng aral.
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng sariling kaisipan na may taglay na talinghaga o metaporikal na kahulugan na hango sa lawaran. Tukuyin
din ang aral. Hal.

F9_K3L1_p.4
Kaisipang metaporikal:
Kung gusto mong magtagumpay magsimula ka sa mababang palo ng hagdan, hanggang maabot mo ang itaas.
Aral: Magtiis, magtiyaga at magpursigi…

Gawin mo ito...

Nilagang itlog (hard boiled egg)

Metaporikal na kaisipan:

______________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

Aral: ________________________________________________________________

Gawain 3- POKUS NATANONG

1. Ano ang layunin ni Jesus bakit gumamit ng parabula sa pagkukuwento?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang mga talinghaga sa kalinangan (development) ng ating kakayahan sa pag-
unawa?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_________________________________________________
VIII. ILIPAT
Isang magandang simula na malinang ang iyong kasanayan (skill) sa iba’t ibang bagay na siyang
magagamit mo sa iyong buhay na pinapangarap. Sikapin mong linangin ang kasanayang ito.

Panuto: Bumuo ng maikling kwentong talinghaga o parabola mula sa larawang ibinigay.

Ikaw ay isang pastor o pari na inatasang mangaral o magbigay ng counseling sa mga batang

biktima ng pamilyang walang pagkakaisa, walang malasakit at pagtulong-tulongan at iniwan ng pamilya na nasa
bahay ampunan ngayon. Bilang paghahanda, inatasan kang sumulat ng isang maikling parabola na makapukaw sa
kanilang isipan at damdamin na magkaroon ng buklod sa pamilya. Gusto mong gamitin ang walis tinting bilang
halimbawa. Kinakailangang ito ay nagtuturo ng simpleng aral, may simpleng wakas, at may talinghaga na maaari
nilang gamitin sa buhay bilang aral o leksyon.

F9_K3L1_p.5
Rubriks

1. Kalinawan ng kaisipan o aral 10 puntos

2. Pamagat 5 puntos
3. Wakas ng kwento 5 puntos

4. Paggamit ng Talinghaga/ metaporikal 10 puntos

Binabati Kita!
Ang Nanauuna ay nahuhuli, ang nahuhuli ay nauuna!

X. Pagsusulit
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Nakatanggap ng _______________ ang bawat manggagawa sa ubasan.

2. Ang ______________________ay nahuhuli, ang _____________________ay nauuna.
3. Ang parabula ay mga kwentong hango sa ____________________.
4. Gumamit si Hesus ng _____________________kwento sa pagtuturo.
5. Ang ___________________ng parabola ay dapat isabuhay.
6. Ang bansang ____________________ay tinaguriang Lupaing Pangako.
7. Ang ___________________________ay kabisera ng bansang Israel.
8. Ang may-ari ng ubasan ay _______________lumabas upang kumuha ng manggawa. 9. Ang parabulang
____________________, ay galing sa aklat ni
10. ____________________ ng bagong tipan.

XI. Sangunian

MELC- Deped Pitak Bolyum 3

10 Mga halimbawa ng literal at metaporikal na may pangungusap? - Brainly.ph Ano
ang Kasaysayan ng mga Hudyo? - Naiintindihan ang Mabuting Balita (hislife.site)
hard broom - Bing images,
blank comics strips of mother and son talking - Bing, stairs
- Bing images
https://brainly.ph/question/234180
Bakit pinili ng Diyos ang Israel bilang Kanyang bayang hinirang? (gotquestions.org)

Inihanda ni: Bb. LITA D. YADAN

F9_K3L1_p.6
F9_K3L1_p.7
X1. Repleksyon

Pangalan:____________________________________Baitang/Seksyon:______________________
__
Guro: _______________________________________Petsa:
________________________________

Ang Aking Personal na Repleksyon

Laging may pag-asa sa pagbabalik-loob, at pagsisisi. Basahin ang tungkol sa parabulang Ang
Alibughang Anak, ibigay ang iyong kaisipan, opinion ukol dito.
________________________________________________________________________________

F9_K3L1_p.8

________________________________________________________________________

F9_K3L1_p.9

You might also like