You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Sirawai I District
______________________________________________________________

SIRAWAI I DISTRICT UNIFIED LEARNER’S ACTIVITY SHEET IN FILIPINO 9 (Week 1)


Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
(Mateo 20:1-6 sa Bagong Taon)

Pangalan:_________________________________ Lebel:______________________
Seksiyon:__________________________________ Petsa:______________________

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


 Napatunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay
sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)

Panimula (Susing Konsepto)


Handa ka na ba? Alam kong sabik ka na at talagang masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo
habang pinag-aralan ang araling ito.

Panuto: Simulan mo na ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa nang may pag-unawa sa akda at
sa teksto.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


(Mateo 20:1-6 sa Bagong Taon)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping
pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang
muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi
niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng karampatang
upa.” Pumunta nga sila sa ubasan. Lumabas na naman siya nang mag-ikakalabindalawa ng tanghali at
nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y
lumabas muli’y at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo
lang kayo rito buong maghapon?” “Eh kasi wala pong magbibigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t
sinabi niya sa kanila na pumunta din sila at magtrabaho sa kanyang ubasan.
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala na, “Tawagin mo na ang
mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga
nagsimula nang magikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit na ang
nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang
salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtatrabaho sa may-ari ng ubasan. “Sinabi nila, isang oras lamang
gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon silang nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong
init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo an gaming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?” Kunin mo na ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung
ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?
Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y nainggit dahil
ako’y nagmamagandang- loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay
nahuhuli.”
Mula Panitikang Asyano 9
Peralta , Romulo N. et al 2014
pp.193-194
Alam mo ba na …
Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na
maaaring tao,hayop, lugar o pangyayari) para paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring
naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot
dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe nito ay
isinulat sa patalinghagang pahayag at hindi lamang ito lumilinang ng mabuting asal na dapat nating
taglayin kundi binubuo rin nito an gating moral at ispiritwal na pagkatao.

Gawain
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang
pangyayari mula sa akda ay nagaganap hanggang sa kasalukuyan at bigyan ng patunay sa pamamagitan
ng pagsulat ng kaparehong pangyayari sa nakalaang espasyo. (2 puntos bawat bilang)

1. Nakita ng may-ari ng ubasan na walang magawa ang mga tao na nasa palengke kaya tumayo
nang tumayo nalang sila buong maghapon.
Kaparehong
Pangyayari:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Pinapunta ng may-ari ng ubasan ang mga manggagawa upang magtrabaho sa kanyang
ubasan.
Kaparehong
Pangyayari:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nakatanggap ng parehong sahod ang lahat ng mga manggagawa kahit hindi pareho ang oras
na iginugol nila sa pagtatrabaho.
Kaparehong
Pangyayari:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Nagreklamo ang mga mangagawang nakatanggap ng parehong sahod sa mga manggagawang
mas kaunti ang oras na iginugol sa paggawa.
Kaparehong
Pangyayari:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Naiinggit ang iilang manggagawa sapagkat malaki pa rin ang sahod na natanggap ng kanilang
ibang kasamahan kahit na isang oras lang nagtrabaho sa ubasan.
Kaparehong
Pangyayari:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Gawain : Depende sa sagot ng mag-aaral .

Sanggunian:

MELCS 2020-2021
Peralta, Romulo N. et al (2014), PanitikangAsyano 9 Modyul ng Mag-aaralsa Filipino Unang EdisyonD
Meralco Avenue,Pasig City. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS). pp.196-197

Inihanda ng mga Guro sa Sirawai National High School Departamentong Filipino

Note: Practice personal Hygiene Protocol at all times.

You might also like