You are on page 1of 5

Mangas-as Integrated School

Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)


Third Quarter

NAME:________________________________________________ Section: _________________ Date:_______________


TEST I - Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

____ 1. Ano ang ibig ipakahulugan ng talinghagang pahayag na “ang nauuna ay nahuhuli, at ang
nahuhuli ay nauuna”.

A. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
B. lahat tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos
C. bigyan ng halaga ang pagkakataon
D. mahalaga ang oras sa paggawa ____ 2. Saan hango ang mga parabula?
A. sa pahayagan C. sa telebisyon
B. sa aklat D. sa Bibliya
____ 3. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho.
Ang ibig sabihin ng upa ay _____.

A. pautang C. utang
B. bayarin D. kaukulang bayad sa paggawa
____ 4. Ang parabula ay lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin, maliban dito ano pa ang binubuo nito sa atin?

A. ang ating moral at espirituwal na pagkatao


B. kinabukasan nating lahat
C. ang katatagan ng bawat isa
D. taglay na paniniwala ng lahat

____ 5. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng
mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
A. pabula C. anekdota
B. parabula D. talambuhay

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan”


(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa
para isa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay
pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag- ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-
tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila,
“Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas
na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang
mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa
kanila, “Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?” Kasi po’y walang magbigay sa amin ng
trabaho,’ sagot nila. Kaya’t sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking
ubasan.’
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa
at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.” Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon;
ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho
at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong
bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y
nagmagandang-loob sa iba?”
Ayon nga kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”
Pinagkunan: modyul 9 (pahina 208-209) Panitikang Asyano
6. Anong oras huling lumabas ang may-ari ng ubasan para maghanap ng mga manggagawa?
A. mag-Ikaanim ng gabi C. mag-Ikaapat ng hapon B. mag-Ikalima ng hapon D. mag-
Ikatatlo ng hapon
7. Saan inihahambing ang ubasan?
a. kaharian ng langit C. paraiso
b. trono D. kasaganaan
8. Ano ang naging reklamo ng mga naunang manggagawa?
a. na mas marami silang ginawa at maliit lang ang sahod
b. ang oras nila sa trabaho ay mas mahaba at maliit lang ang sahod
c. pantay ang sahod nila sa mga nahuling dumating kahit na mas mahaba ang oras nila sa trabaho
d. naging madamot ang may-ari ng ubasan
9. Ano ang ibig sabihin ng salitang upa ayon sa gamit nito sa akdang binasa?
a. bayad sa renta C. babayarin
b. sahod D. utang
10. Bakit pantay ang ibinigay na sahod ng may-ari sa lahat ng manggagawa?
a. dahil pareho silang lahat nagtatrabaho
b. kapwa silang lahat nakatapos sa tamang oras
c. iyon ang usapan nilang sahod sa simula pa lang at hindi ang oras ng kanilang pagsisimula sa mga gawain
d. mapagbigay at mabait ang may-ari ng ubasan
Makikita sa parabula ang mga matatalinghagang pahayag o mga tayutay kung saan hindi lantaran ang kahulugan ng
mga bagay na inihambing dito. Nakatago ang kahulugan upang mas mabigyan ng diin ang mensahe, damdamin o
kaisipan ng may-akda.

11. Tumutukoy sa taong kasangkot sa tula/elehiya.


a. damdamin C. tauhan
b. tagpuan D. tema
12. Ito ay paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o kaisipan.
a. simbolismo C. tradisyon
b. tauhan D. wikang ginamit

13. Uri ng wikang ginamit na madalas gamitin sa pang-araw-araw na paguusap.


a. balbal C. kolokyal
b. impormal D. pormal

14. Elemento ng elehiya na nagsasaad sa lugar o panahon na pinangyayarihan ng isang sitwasyon.


a. kaugalian C. simbolismo
b. tema D. tagpuan

15. Ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan
ang karanasan.
A. damdamin C. tema
B. kaugalian D. tradisyon
16. Ito ay isang elementong napapaloob sa banghay na tumutukoy sa pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kaniyang kakaharapin.
a. Tauhan B. Kasukdulan C. Tunggalian D. Kakalasan

17. Ano ang angkop na pang-ugnay para sa pahayag na


_________, nakuhang muli ni Keloglan ang kanyang mahiwagang selyo at namuhay nang maligaya.

a. gayunpaman B. sa wakas C. Totoong D. Kaya

18. Habang naglalakbay ang magkaibigan, nakita nila na binubugbog ng mag-asawa ang aso at naitanong nya sa sarili.
Tutulungan ko ba ang aso? Baka ako ang pagbalingan ng mag-asawa. Anong uring tunggalian ang nabanggit?
a. Pisikal B. Panlipunan C. Sikolohikal D. Temporal

19. Ang maikling kwento ay nangangahulugang _________________.


a. Isang masining na anyo ng panitikan na may isang kakintalan.
b. Naglalahad ng kawing-kawing na mga pangyayari.
c. Isang uri ng panitikan na ang layunin ay itanghal sa tanghalan.
d. Isang akdang nagsasalaysay.

20. Ano ang etimolohiya ng salitang Filipino?


a. Mula sa salitang Filipinas, na galing sa Felipe, ang pangalan ng isang Haring Espanya.
b. Mula sa salitang tagalog na Pilipino.
c. Isa sa mga asignatura.
d. Pambansang wika ng Pilipinas.

21. Ito ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng
panahon.
a. Morpema B. Grapema C. Mitolohiya D. Etimolohiya

22. Pang-ugnay na nagpapahayag ng kronolohikong pagkakasunod- sunod


a. at B. sa wakas C. subalit D. totoo

23. Anong uring tunggalian na ang tao laban sa mga elemento at pwersa ng kalikasan?
a. Pisikal B. Panlipunan C. Sikolohikal D. tao vs tao

24. Anong uring tunggaliaan ang tao vs. tao?


a. Pisikal B. Panlipunan C. Sikolohikal D. tao vs tao

25. Sa koridong Ibong Adarna, anong uring tunggalian ang kinakaharap ni Don Juan sa kanyang mga kapatid?
A. Pisikal B. Panlipunan C. Sikolohikal D. Etimolohiya

26. Uri ng pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap o gaganapin ang kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

27. Makikita tuwing umaga ang mga pulis na nagpapatupad ng batas. Anong uring pang-abay ang sinalungguhitang
salita.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

28. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. Anong uring pang-abay ang sinalungguhitang salita.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

29. Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

30. Ano ang binibigyang turing ng pang-abay?


a. Pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
b. Pandiwa, pang-uri at pangngalan
c. Pandiwa, pang-abay at pangngalan

31. Sa pangungusap na, Naglalako tuwing umaga si Pedro ng mga kakanin upang makatulong sa
kanyang mga magulang. Ang tuwing umaga ay isang pang-abay na
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

32. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. Anong uring pang- abay ang sinalungguhitang salita.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

33. Uri ng pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap o gaganapin ang kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

34. Ang mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag ay ginagamit sa pang- abay na __________.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

35. Makikita sa tuwi-tuwina ang mga pulis na nagpapatupad ng batas. Anong uring pang-abay ang sinalungguhitang
salita.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

36. Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

37. Ano ang binibigyang turing ng pang-abay?


a. Pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
b. Pandiwa, pang-uri at pangngalan
c. Pandiwa, pang-abay at pangngalan

38. Ano ang pananda na ginagamit sa pang-abay na panlunan na sinusundan ng pangngalang pambalana?
A. sa B. kina C. kay
39. Pang-abay na nagsasaad kung paano ginawa ang kilos.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan
40. Ang mga pananda na nang, na, at –ng ay ginagamit sa pangabay na ____________.
a. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan

You might also like