You are on page 1of 16

MAGANDANG ARAW!

GUHIT KO, PAKINGGAN MO!

 Gumuhit ng isang bagay na naging mahalaga


sa iyo dahil minsan ay kinapulutan mo ito ng
aral. Matapos itong iguhit ay isalaysay mo sa
klase ang mga pangayayari kung bakit mo ito
pinahalagahan.
PARABULA?
 Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na
nagsasaad ng dalawang bagay para
paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangayayaring naganap noong panahon ni Hesus
na nakasaad sa Banal na aklat.
 Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay na mga
tao.
 Ito ay lumilinang ng mabuting asal na dapat nating
taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at
espiritwal na pagkatao.
PAGBASA:

 Basahin ng tahimik ang talinghaga Tungkol sa


May-ari ng Ubasan ( Mateo 20:1-16 sa Bagong
Tipan )
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI

 Maagang- maaga
- humanap ng manggagawa ang may-ari ng
ubasan at nagkasundo sila sa upa na isang pilak
sa maghapon at ang mga manggagawa ay
pumunta sa ubasan.
IKASIYAM NG UMAGA ( 9:00 AM )

 Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng


umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo
lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila
“Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking
ubasan at bibigyan ko kayo ng karampatang
upa.Pumunta ang mga mangagawa.
12:00 NG TANGHALI AT 3:00 NG HAPON

 Lumabas na naman siya at ganoon din ang


ginawa niya.
IKALIMA NG HAPON (5:00 PM)

 Siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga


ibang walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila
Bakit tatayo-tayo lang kayo rito sa buong
maghapon” Kasi po’y walang magbigay sa amin
ng trabahao sagot nila. Kaya sinabi niya kung
gayon pumunta kayo at magtrabaho kayo sa
aking ubasan.
PANGHULING BAHAGI

 Tinawag ang lahat ng manggawa at magmula


sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang
nagsimula ng 5:00 ng hapon ay binayaran ng
tig-iisang pilak. Ang mga naunang nagtrabaho
ay inakalang tatanggap sila nang mahigit doon
ngunit binayaran din ng tig-iisang pilak na
salapi.
 Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan at sinabing isang oras lamang gumawa
ang huling dumating samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong
init ng araw bakit naman pinagpare-pareho
ninyo ang aming upa.
SAGOT NG MAY-ARI NG UBASAN

 Hindi ko kayo dinadaya hindi ba’t nagkasundo


tayo sa isang salaping pilak. Kunin mo ang
para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung
ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng
ibinayad ko sa iyo. Wala ba akong karapatang
gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo
ba’y naiingit dahil ako’y nagmagandang-loob sa
iba?
MGA TANONG, SAGOT MO!
 Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa
pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri ng
manggagawa?
 Bakit ubasan ang tagpuan sa parabula?
 Kung isa ka sa manggagawang maghapon
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng
araw ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho
rin sa isang oras nagtrabaho, magrereklamo ka
rin ba? Bakit?
MGA TANONG, SAGOT MO!
 Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap
ng upa kahit kulang ang oras mo sa paggawa, ano ang
mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa
iyong upa? Pangatuwiranan.
 Suriin ang pahayag” Isang oras lamang gumawa ang
mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw,
Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa.Sa
iyong pagsusuri, anong mabuting asal ang nawawala sa
pangkat ng mga manggagawang maysabi nito.
Pangatuwiranan.
PAGPAPAHALAGA:

 Bilang isang mag-aaral ano ang kahalagahan


ng aralin na ito sa inyong sariling karanasan.?
PAGTATAYA:
 Dugtungan ang panimula ng pangungusap bilang
pagpapakita ng kabisaan ng parabulang binasa.

Matapos kong mabasa “ Ang Talinghaga tungkol sa


May-ari ng Ubasan” nalaman ko at natamo sa aking isipan
na __________________________________. Naramdaman
ko rin at nanahan sa aking puso ang
___________________________________________ dahil
dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula
ngayon ________________________________.
TAKDANG-ARALIN:

 Basahin ang parabula ng Banga pahina 197-


198. Humanda sa talakayan bukas.

You might also like