You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALI N SA PAGTUTURO NG FILIPINO

KOMPETENSI: Naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa


tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisabuhay ang mga aral at mahahalagang
kaisipang nakapaloob dito.

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nauunawaan ang nilalaman ng akdang parabula na tinalakay


B. Nakapagbibigay ng sariling pananaw na may kinalaman sa paksa
C. Naisasabuhay ang mga aral mula sa binasang paksa

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa : Parabula: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubusan


B. Sanggunian : Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9) p. 198-199
C. Kagamitan : Laptop at Smart Tv

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

I. Panalangin

Tumayo na ang lahat, tayo ay mananalangin.  Opo ma’am (sa ngalan ng ama, ng
Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin ang anak ng diyos espirito santo…)
presensya ng Panginoon (ang panalangin ay
mula sa AVP)

II. Pagbati
 Magandang umaga rin po ma’am
Magandang umaga sa inyong lahat!

Bago kayo umupo, ayusin muna ang linya ng


inyong mga upuan at pakipulot rin ang mga
kalat sa inyong paligid. Pagkatapos ay maari
na kayong umupo.

III. Pagtala ng Liban


 Wala po ma’am.
(tatawagin ng guro ang kalihim sa klase)
____, may lumiban ba sa araw na ito?

B. PAGLINANG NG GAWAIN
I. Pagganyak
(paglalahad ng pangkatang gawain)
 Opo.
Handa na ba ang apat na pangkat para sa
pag-uulat?

Kung gayon, bawat pangkat ay


magkakaroon ng dalawang tagapag-ulat.
Dapat ay magpakilala muna, malakas ang  Opo
boses, may koneksyon sa mga tagapakinig at
malinaw ang pagpapaliwanag. Naunawaan
ba ninyo?

(magsisimula ng mag-ulat ang una hanggang


sa huling pangkat, pagkatapos ay susuriin ng
guro ang kanilang ginawa at bibigyan ito ng
puntos)

Magaling ang inyong mga sagot at pag-


uulat!

II. Paglalahad ng Paksa

Magbigay ng ilang pangyayari sa binasang


parabula at patunayang ito ay maaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Maglalahad lamang kayo ng dalawang


pangyayari mula sa parabula, pagkatapos ay
 Pangyayari po sa akda na kung saan
magbibigay kayo ng patunay o isang
nagrereklamo po ng mga
sitwasyon na magpapatunay na ang
manggagawa at ang pangyayari
parabulang ating pinag-aralan ay talagang
naman po sa totoong buhay ay may
nangyayari sa tunay na buhay.
mga taong hindi makuntento dahil
mas gusto po nilang sila ay
nakakalamang.

 Pangyayari po sa akda na kung saan


sa tuwing lalabas ang may-ari ng
ubasan ay nakakakita siya ng mga
tatayo-tayo lang at ang pangyayari
naman po sa totoong buhay ay may
mga tao po na kapag wala silang
trabaho ang gagawin nalang nila ay
tumambay hanggang sa panahon na
sila ay makahanap ng trabaho.
Mahusay ang inyong nagging tugon!

III. Pagtatalakay

Batay sa parabula, ibigay ninyo ang


metaporikal na kahulugan ng
matatalinghagang salita hango sa loob ng  Paglilingkod po sa Diyos ma’am.
parabula.

Ano ang metaporikal na kahulugan ng oras?


 Ito po ay tumutukoy sa mga tao.
Magaling!

Ano naman ang metaporikal na kahulugan


ng manggagawa?
 Gantimpala po mula sa Diyos.

Mahusay!

Ano kaya ang metaporikal na kahulugan ng


salaping pilak?  Kaharian po ng Diyos ma’am.

Tama!

Ano ba ang metaporikal na kahulugan ng


ubasan?  Tumutukoy po sa Diyos ma’am.

Tumpak!

Ano ang metaporikal na kahulugan ng may-


ari ng ubasa?

Magaling!  Mula po sa akdang ating natalakay,


nagkaroon po ako nng ibang
IV. Paglalahat at Paglalapat pagpapakahulugan sa talinghaga na
“Ang nahuhuli ay nauuna, at ang
nauuna ay nahuhuli”. Nagkaroon po
Ngayon ay inaasahan kong lubos na ninyong ito ng mas malalim at ispiritwal na
naunawaan ang akdang parabula at ang kahulugan sa akin na kahit tayo ay
akdang ating tinalakay. mauna o mahuli at nasa anumang
Ano ang napulot ninyong aral mula sa dalawang uri ng manggagawa ay sa
akdang ating tinalakay? bandang huli pantay-pantay parin ng
pagtrato at pagtingin sa atin ng
Diyos.

Magaling ang iyong sinambit!

V. Takdang-aralin

Bilang pagtatapos ng unang akda sa araling


ito, nais kong alamin ang nagging kabisaan
sa iyo ng mensahe ng parabula sa
pamamagitan ng pag-durugtong mo sa
panimula ng mga pangungusap.

Ito ay gagawin sa isang intermedyet na


papel.
Matapos kong mabasa “Ang Talinghaga
tungkol sa May-ari ng Ubasan” nalaman
ko at natimo sa aking isipan na
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_______________.
Naramdaman ko rin at nanahan sa aking
puso ang__________________________.
Dahil dito, may mga nais akong baguhin
sa aking ugali, mula ngayon
_____________
__________________________________
_________________________________.

You might also like