You are on page 1of 11

Ang mga Manggagawa sa Ubasan

Mateo 20:1-16
20 Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Ang paghahari
ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: Isang
araw, maagang lumabas ang isang may-ari ng
ubasan para humanap ng mga
manggagawa. 2 Nang makakita siya ng mga
manggagawa, nakipagkasundo siya sa kanila
na makakatanggap sila ng karampatang sahod
para sa isang araw na trabaho, at pagkatapos
ay pinapunta ang mga ito sa ubasan niya.
3 Nang mga alas nuwebe na ng umaga, lumabas
siyang muli at may nakita siyang mga taong
walang trabaho at nakatambay lang sa may
pamilihan. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo
4

sa ubasan ko at magtrabaho. Babayaran ko kayo


nang nararapat.’ 5 Kaya pumunta ang mga ito sa
ubasan. Nang bandang tanghali, muli siyang
lumabas at may nakita pang ilang mga tao.
Pinagtrabaho rin niya ang mga ito. Ito rin ang
ginawa niya nang mga alas tres na ng hapon.
6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, muli na
naman siyang lumabas at nakakita pa ng mga
ilan na nakatambay lang. Sinabi niya sa
kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo
riyan at walang ginagawa?’ 7 Sumagot sila,
‘Dahil wala naman pong nagbigay sa amin ng
trabaho.’ Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo
sa ubasan ko at magtrabaho.’
8 “Nang magtatakip-silim na, sinabi ng may-
ari sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang
mga manggagawa at bigyan ng sahod. Unahin
mo ang mga huling nagtrabaho, hanggang sa
mga unang nagtrabaho.’ 9 Dumating ang mga
nagsimula nang alas singko ng hapon, at
tumanggap sila ng sahod para sa isang araw
na trabaho.
10 Nang dumating na ang mga naunang
nagtrabaho, inakala nilang tatanggap sila ng
higit kaysa sa mga huling nagtrabaho. Pero
tumanggap din sila ng ganoon ding
halaga. Pagkatanggap nila ng sahod,
11

nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.


12 Sinabinila, ‘Ang mga huling dumating ay
isang oras lang nagtrabaho, samantalang kami
ay nagtrabaho ng buong araw at nagtiis ng init,
pero pareho lang ang sahod namin!’ Sinagot
13

ng may-ari ang isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi


kita dinadaya. Hindi baʼt nagkasundo tayo na
bibigyan kita ng sahod para sa isang araw na
trabaho?
14 Kaya tanggapin mo na ang sahod mo, at umuwi
ka na. Desisyon ko na bigyan ng parehong sahod
ang mga huling nagtrabaho. Hindi baʼt may
15

karapatan akong gawin ang gusto ko sa pera ko? O


naiinggit lang kayo dahil mabuti ako sa
kanila?’ ” 16 Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Ganyan
din ang mangyayari sa huling araw. May mga
hamak ngayon na magiging dakila, at may mga
dakila ngayon na magiging hamak.”
Add a Slide Title - 4
Add a Slide Title - 5

You might also like